Chapter 5

32 22 14
                                    

Andrea Pov


"May masakit pa ba sa'yo?" umiiyak na umiling ako kay nanay habang hinahaplos niya ang likod ko.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Sobrang sakit na hindi ko malamang dahilan! Bakit ba ganun na lang 'yong naging epekto nang aksidenteng 'yon?

"Doc. Aki, are you sure she's okay? But why is she crying?" sunod-sunod na tanong ni Drei habang palakad-lakad sa gilid ng kama.

"She was shocked that's why she's being emotional right now. She needs to rest, okay. Babalik na lang ako once na may masakit pa sa kaniya or ganito pa rin siya,"

Tumango naman sila nanay bago iginaya palabas si doc. Naiwan si Drei sa kuwarto habang nakaupo na sa gilid ng kama ko.

"Stop crying, please," mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"M-masakit, Drei," napahawak ako sa braso niya at umiyak ng umiyak.

"Saan masakit? Sabihin mo kay kuya, please, huwag mo akong pag-alalahanin ng ganito, Andeng. H-hindi ko kaya," bahagyang pumiyok ang boses niya bago huminga ng malalim, "sabihin mo sa akin kung saan ang masakit....."

Umiling ako kay Drei bago inabot ang batok niya at niyakap siya ng mahigpit. Nakabaon ang aking mukha sa leeg niya at umiyak ng umiyak.

"H-hindi ko alam, Drei. H-hindi ko alam k-kung.....kung bakit ako nasasaktan,"

Humigpit ang yakap niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paggaya niya sa katawan ko pahiga sa kama. Pinaunan niya ako sa mga braso niya bago ako niyakap ng mahigpit. Umiiyak na ibinaon ko ulit ang mukha ko sa leeg ng kuya ko.

Maybe this is what I need right now.

Mahal na mahal ko ang kuya ko kahit na ang epal niya minsan. Siya lang 'yong nag-iisang epal at sutil sa buhay ko. Kaya kahit papano unti-unti kong nararamdaman 'yong pagkalma ng puso ko.

Ngayon ko napagtanto na sa mga nakaraang araw sobrang daming nangyayaring hindi ko inaasahan. Sobrang weird na kahit ako ay hindi ko makuhang bigyan ng paliwanag 'yong mga nangyayari. At isa lang ang alam ko.....natatakot ako....natatakot ako sa pwede pang mangyari.

"Rest, my princess, you have to rest and please wake up without tears in your eyes. I want my princess go back to her normal state not this one. Please, don't make me worry," rinig kong bulong ni Drei bago ko tuluyang naramdaman 'yong pagod sa buong katawan ko hanggang sa unti-unti ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Nagising ako kinabukasan ng maayos na ang pakiramdam. Pati 'yong kakaibang bigat na nararamdaman ko kagabi ay wala na. Mukhang maayos rin pala na hindi ako iniwan ni Drei kagabi. Hayy naku...mukhang masyado ko siyang pinag-alala.

Mabilis na bumangon ako sa kama bago dumiretso na sa labas. Saktong pababa na rin ng hagdan si Drei kaya marahan akong lumapit sa kaniya bago hinalikan ang pisngi niya.

"Good morning!" Ngiting bati ko nang tumigil siya sa pagbaba at bahagyang bumaling sa akin.

Naningkit ang mata niya bago hinawi 'yong pisngi na hinalikan ko. "Kadiri! Hindi ka pa naghihilamos Andeng! Ano ba naman 'yan!"

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagsimangot bago ko siya inirapan. Napaka-arte talaga nitong kapatid ko! Akala naman niya hindi mabaho at hindi siya pangit pagka-gising!

"Pasalamat ka nga at hinalikan at binati pa kita! Sa susunod hindi na kita babatiin!" Inis na sabi ko bago padabog na tinalikuran siya at nagmartsa na papuntang kusina kung nasaan sila nany at tatay na naghahanda na ng pagkain namin.

"Good morning nay, tay!" ngumiti sila sa'kin ng halikan ko ang kanilang mga pisngi bago umupo sa upuan ko.

"Hindi ka na naman naghilamos Andeng. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yong bata ka." Nanatili ang titig ni nanay sa'kin bago ako inilingan, "mukhang ayos ka naman na,"

"Ayos na ayos! Syempre inalagaan kase ako ni Drei!" sabi ko habang pinaglalagyan ng mga ulam ang pagkain ko.

Umupo naman na sa tapat ko si Drei bago iiling-iling na kumukuha ng kaniyang pagkain. "Pasalamat ka at wala akong assignment kagabi kaya kita nabantayan. Tss,"

"Whatever," sabay irap na sabi ko.

Hindi na namin nagawang mag-asaran ni Drei dahil baka malate pa kami sa school. Mabilis lang ang pagbibihis na ginawa ko dahil baka mamaya umusok na naman 'yong ilong ng mahal kong kapatid.

"Alis na po kami!" Sigaw ko para marinig nila nanay mula sa sala.

"Mag-ingat kayo! At ikaw Andeng mag-aral ka ng mabuti at huwag puro crush-crush!" umirap na lang ako sa kawalan bago sumunod kay Drei at pumasok sa kotse.

Umalis na kami habang nagpapatugtog kami sa loob ng kotse.

"Kuya 'di ba crush mo si Kei? Bakit hindi mo siya ligawan?" biglang tanong ko habang nag-scroll sa cellphone.

"Shut up," pikong sabi niya dahilan para matawa ako.

"Huwag mo sabihing natotorpe ka? Hayy naku wala akong kapatid na torpe noh! Pero dahil kapatid mo ako at lab kita ay tutulungan kita!" napahagikgik ako matapos akong maka-isip ng mga pwede kong gawin para matulungan si Drei.

"Kaya kong manligaw nang hindi humihingi ng tulong sayo,"

"Kaya mo ngang ligawan lahat ng babae pero exception ang best friend ko. Dahil kung mas matagal ko ng gusto si Tophy ay halos mas matagal mo ng gusto si Kei kaya hindi ako naniniwala na kaya mo siyang ligawan lalo na't totorpe-torpe ka," asar na sabi ko ngunit halos mapamura ako nang bigla niyang binilisan ang pagmamaneho sa kotse niya.

"Slow down Andoy!" sigaw ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagbusina ng mga kotseng napag-oovertakan namin.

Jusko! Menor-de edad pa lang kami kaya delikado 'to at saka student licence pa lang ang meron kay Drei! Dapat pala hindi ko siya inasar habang nagmamaneho siya huhuhu!

"Oh my...." halos sabay kaming napamura ni Drei nang biglang may dumaang student sa harapan namin ngunit alam ko namang hindi siya natamaan at bahagya lang nagulat kaya siya napaupo!

Pero kahit na!

"Shit! Shit! Ang kulit mo kase Drei!" inis na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ang aking kamay.

Bumaba si Drei at halos mapasinghap ako nang makitang may dalawang bodyguard na humawak sa mga braso niya. Shit! Shit!

"Drei!" sigaw ko bago lumabas ng kotse at tumakbo palapit sa kaniya.

"Let him go," baritonong boses ng lalaking nabangga namin ang siyang umalingangaw at naging dahilan para bitiwan ang kuya ko.

"Drei, are you okay?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya.

Hinaplos naman niya ang pisngi ko bago tumango sa akin. "Calm down, Andeng. Okay lang ako," matapos non ay tumingin na siya sa lalaking muntik na naming nabangga hanggang sa kumunot ang noo ko ng ngumisi siya rito. "Didn't know you are already here, Ivan,"

"Yeah, and what a nice welcome Drei," sarkastikong sabi nung lalaki kaya agad akong napaharap at halos malaglag ang panga ko nang makita 'yong lalaking nasa harapan ko ngayon.

Matangkad at maputi. Hanggang balikat niya lang siguro ako kahit na medyo matangkad na ako. Damn. He is the definition of beautiful! But he seems like snob and quiet so not my type.

Pero teka.....magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?" mahinang tanong ko at doon tumama ang tingin sa'kin nung Ivan.

"Hmm..." yon na lang ang sinabi niya bago umiwas ng tingin sa'kin at binalik 'yong titig kay Drei.

"Yes, Andeng, he is my bestfriend,"




Mind Play  (ON-GOING)Where stories live. Discover now