Andrea Pov
"Ano't nagtatago ka sa likod ng kuya mo Andeng?" takang tanong ni tatay nang sabay-sabay kaming pumunta sa hapagkainan.
Nahuli kami ni Drei habang nasa likuran niya ako at nakakapit sa dulo ng damit niya. Sumimangot ako dahil sa umugong na tawanan nila nanay at Drei.
"Si nanay kase...." bulong ko habang mas lalong pinatulis ang nguso.
Bahagya akong sumilip mula sa gilid ni kuya at halos unti-unti ring nagtago ulit nang makitang nakaupo na si Tophy sa upuan at diretso na ang titig sa'kin.
Bakit roon siya pinaupo ni nanay! Wala na! Magkaharap kami niyan habang kumakain! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa surprise nila o hindi e! Hindi man lang pinili 'yong araw na maayos at maganda ako!
"Upo na Andeng at kanina pa ako nagugutom," bahagyang gumilid si kuya kaya wala na akong nagawa kundi dahan-dahan na umupo sa upuan ko at sa mismong harapan pa ni Tophy.
"Bakit naman basa 'yang likod mo Andoy?"
"Huh?"
Napatingin ako kay kuya nang bigla niyang kinapa 'yong likod niya. Halos mapangiwi pa siya bago ako sinamaan ng tingin nang mapagtanto niyang mga luha at sipon ko 'yon kanina maliban pa sa harapan ng damit niya.
Buti nga sa'yo!
Binelatan ko siya bago tumingin sa harapan. Napakurap-kurap ako at bahagyang tumuwid ng upo na parang babaeng-babae.
"Si Andrea na ba 'to, Aldea?" tanong ni tita Talie habang nakangiting pinagmamasdan ako. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya at bahagyang inilagay ang takas na buhok sa gilid ng tenga ko.
"Opo," mahinhing sabi ko at bahagya pang yumuko.
"Pabebe," rinig kong bulong ni Drei bago uminom ng tubig.
Epal talaga!
"Napakaganda mo talagang bata ka. Ito nga pala si Tophy 'yong bunso kong anak," bahagya naman skong sumulyap kay Tophy na kasalukuyang nakatitig na sa akin.
"Hi...." maliit na malambing na sabi ko.
"Oh my! Tatay narinig mo ba kung paano nag bago 'yong boses ng anak mo!?" biglang sigaw ni nanay na agad ikinasimangot ko.
"Hindi naman nay. Ganito po talaga boses ko," malambing na sabi ko kahit na kanina pa ako nasusuka dahil ipit talaga na parang hindi humihinga.
"Ang pangit Andeng! Sa tingin mo magugus-----"
"Napakaepal mo talaga!" inis na sabi ko ngunit nang mapagtanto ay bahagya akong tumikhim at pinanlakihan ng mata si Drei, "ikaw talaga, Drei," malambing na sabi ko.
Binigyan naman niya ako ng nakakadiring tingin bago sumenyas na nasusuka. Patagong sinipa ko 'yong paa niya kahit nakangiti pa rin sa kaniya.
"Sadista...." bulong niya kaya imbes na mainis ay nginitian ko na lamang siya bago naglagay na ng konting kanin at konting ulam.
Dalawang sandok lang ng kutsarang kanin tapos isang pirasong manok lang ang kinuha ko. Kinuha ko rin 'yong tinidor upang gamitin ko. Hindi kase ako sanay na nagtitinidor pero dahil nandito si Tophy ay kailangan kong maging dalagang pilipina.
"Bakit ang konti ng pagkain mo, Andeng?"
Mahinhin akong tumawa at bahagyang pinunasan pa ang aking labi. "Konti lang naman talaga ako kung kumain tay. At saka diet ako kapag gabi,"
Kita kong kumunot ang noo ni tatay habang si nanay at Tita Talie naman ay sabay na natatawa. Mukhang sa sobrang daldal ni nanay at mukhang pati sikretso ko ay nasabi na niya kay Tita. Pero atleast at mukhang boto naman sa'kin si Tita!
YOU ARE READING
Mind Play (ON-GOING)
RomanceWhat if our mind is what's trully trapping us? Trapped within our own dream, Spiriling into cycle of loss, Beaten mind with a bruised experienced, Addiction of ideality to escaped reality.