Andrea Pov"Andrea Iris A. Pineda,"
"Present ma'am!" sabay taas ng kamay ko nang matawag 'yong buong pangalan ko para sa attendance.
Nakakabagot naman talaga kapag malapit na 'yong uwian! Buti na lang halos kalahating oras na lang ay uwian na namin! Kaso hihintayin ko pa pala si Drei para sabay kaming makauwi. Tapos kukupad-kupad pa siya kung kumilos!
"Kei Trishe Sangalang,"
"Present po!" sigaw ng aking bestfriend habang may kung anong isinusulat aa notebook niya.
Nag-aaral ba 'to? Parang kanina ko pa napapansin na sobrang focus niya sa kung ano man 'yong sinusulat niya. Hmm....
"Pssst..."
".......''
"Pssssssssst...."
"Yes, ms. Pineda?"
"Ah wala po ma'am! Hehehe," napakamot ako sa batok ko dahil mukhang napalakas 'yong pagsitsit ko kaya pati si ma'am narinig niya.
Ang hirap namang tawagin ni Kei!
"Okay guys dapat 'yong assignment niyo is mapasa sa monday. May two days kayo na gawin 'yon. Class dismissed," sabay-sabay kaming tumayo at nagpaalam kay ma'am.
Nang akmang uupo si Kei ay mabilis na hinablot ko ang notebook niya bago kumaripas ng takbo palabas ng room.
"Punyeta Andeng!" rinig kong sigaw pa niya dahilan para tatawa-tawa akong mas binilisan pa ang pagtakbo.
Masyadong mabilis 'yon kung tumakbo baka maabutan pa ako!
Napadpad ako sa hardin na puno ng mga bulaklak at halaman. May nakita akong bench roon na malilim kaya dali-dali akong umupo at mabilis na binuklat 'yong notebook ni Kei.
"What the fuck?" gulat na tanong ko habang unti-unting binabasa 'yong mga nakasulat.
Habang tumatagal ang pagbabasa ko ay hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak. "Biglang tumigil ang mundo amputa! Ang corny! Bwahahahaha," bahagya pa akong napatakip sa bibig ko bago inilibot ang tingin sa paligid kase baka mamaya may tao pala!
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'tong mga paru-paru na nasa tiyan ko sa t'wing nakikita kita. Pero isa lang masasabi ko, salamat dahil ipinaramdam mo ulit sa akin kung paano makarandam ng paru-paru sa tiyan......" basa ko na agad kong ikinanguso, "hindi ko alam na mahilig pala sa paru-paru si Drei. At saka bakit na kay Kei 'yong diary ni Drei? At saka bakit may paru-paru sa tiyan ni Drei? Oh my.... baka pumasok sa bunganga niya sa t'wing nagsasalita siya?!"
Nanlalaki ang mga mata ko habang patuloy na binabasa 'yong diary ni Drei. Akala ko pa man din kay Kei na 'to sa kapatid ko lang pala. Siguro binigay ni Drei 'to para magpapansin. Hmp! Papansin talaga kahit kailan!
"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon ay kaya kitang panindigan......" natutop ko ang aking bibig dahil sa huling nabasa, "panindigan? Ibig sabihin buntis si Kei?! Hallah......" agad kong isinara 'yong notebook bago napapaypay sa sarili.
Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa excitement at gulat sa mga nalaman ko. Buti na lang pala nabasa ko 'to kase kung hindi baka hindi ko pa malalaman na may ganito na ng nangyari! Lagot talaga sa'kin si Drei! Hmp!
Pero baka mamaya humahanap lang sila ng tiyempo? Tama! Tama! Hindi naman porket nalaman ko 'to ay sasabihin ko na agad baka gusto lang muna nilang ilihim 'to.
"Hayyys....pero teka magkakapamangkin na ako? Ihhh...." tili ko habang bahagyang pinapalo-palo ang hita ko.
"ANDENGGGGGG!" gulat akong napatayo nang marinig 'yong boses ni Kei na hinihingal na bumungad sa akin.
YOU ARE READING
Mind Play (ON-GOING)
RomanceWhat if our mind is what's trully trapping us? Trapped within our own dream, Spiriling into cycle of loss, Beaten mind with a bruised experienced, Addiction of ideality to escaped reality.