pana at palaso

19 1 0
                                    

Draco's POV

"DIESSS!!! "

sigaw ko sabay tayo sa hinhigaan ko ang sama ng panaginip ko! Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil nakarandam ako ng hilo, agad akong lumabas at pumunta sa sala

Bakit walang tao? Asan sila? Agad akong lumabas, ang naalala kulang ay nahimatay ako bigla, wala sila sa harap ng bahay kaya agad akung pumunta gilid ng bahay nag babakasakaling andoon sila

"Draco!" Sigaw ni bre, napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang may hawak na pana at palaso agad siyang tumakbo palapit saakin sabay yakap, habang naka yakap si bre saakin nakita ko si havier na naka hawak sa kamay ni shienna at ang isang kamay niya ay nasa braso niya habang may hawak si shienna na isang palaso at pana, nag tuturo kasi siya paano ito gamitin! Bakit required ba na dapat mag kalapit ang mukha nila? Tsk.

"Kamusta ka? alam mo bang mahigit limang araw kanang natutulog? Abalang sabi ni bre kaya napatingin ako sa kanya
"A-ano? Limang araw, i-ibig mung sabahin limang araw na kong walang malay? Abala kung tanong kay bre at napangisi lang siya "ganyan nga hahaha" saad niya "at limang araw ka na ding walang kain at walang ligo" mas lumaki pa ang mata ko sa sinabi niya, oo ngano

Agad akong napasinghut sa sarili ko
 "wag kang mag alala inalagaan , at pinupunasan ka naman ni pirhea eh! Sabi niya ulit "a-ano? Si shienna inaalagaan ako sa loob ng limang araw?" Grabe di ako makapaniwalang ginawa niya yun saakin, ewan ko ba kung magiging masaya ako dahil inalagaan niya ako o matatakut ako kasi siya ang nag alaga sa akin at ganon nalamang ang pag ngisi ko

"Oh draco gising kana pala" napalingon kami sa nag sasalita at nakita kung papalapit saamin si roxsylix at napangisi naman ako "sa-salamat pala sa pag aalaga saakin sa loob ng limang araw" sabi ko sabay yuko sa ulo, diko parin mawala ang tingin ko kay shienna at kay havier at mukhang masaya pa talaga si shienna tsk.

"Walang ano man iho, pero wag ka saaking mag pasalamat ng subra, mag pasalamat ka kay pirhea, siya ang nag volunteer na alagaan ka" ta-talaga? Si shienna ang nag volunteer na bantayan ako? Pero bakit? Napalingon ulit ako sa dalawa, ang galing na niya sa pag pana 

"Oh draco gising kana pala bro!" Bati ni havier saakin na naka ngiti at mukhang sincere naman siya "pumasok ka muna sa loob draco at kumain, may hinanda na ako doon" sabi ni roxsylix, nilingon ko sandali si shienna at ganon nalamang ang bigla kung pag ngiti

Siguro hindi naako matatakot, kasi alam kung si shienna ang gustong mag alaga saakin, ewan ko ba pero ang saya saya ko ata!hahahah

-----

Pagkatapos kung kumain ay agad akong pumunta kina shienna kung saan nag tuturo si havier ng pana at palaso, sa totoo lang wala  talaga akung alam paano gumamit ng palasot pana, habang papunta ako doon ay nakita kung seryosong nag uusap si shienna at si roxsylix, dumaan ako sa harap nila pero parang hangin lang ako na dumaan sa harap nila

"Draco halika at tuturuan nakita" sabi ni havier, agad siyang pumunta sa mesa kung saan naka display ang mga palaso at pana, may nakita akong  isang palaso  at maganda ito namas pumukaw ng atensyon ko, kukunin ko na sana ang palaso ng mahawakan ko ito ay hindi ko bigla magalaw ang kamay ko, parang may kapangyarihang naka balot sa palaso

"Hahahah wag mung hawakan yan, nilagyan niyan ni pirhea ng basbas uoang walang ibang makagamit" sabi ni havier, agad akong napa tingin kay pirhea at naka taas lang ang kilay niya habang naka tingin saakin at agad na nalaglag ang palaso sa mga kamay ko, at kumuha nalang ako ng iba

Itinaas ko ang isang kamay ko na may hawak sa palaso sabay inilagay ang pana sa gitna nito habang nakatayo lang si havier sa gilid ko, ipinikit ko ang isa kung mata, sa totoo lang ngayon palang ako nakahawak ng totoong palaso at pana, nakakalaro lang ako ng ganto sa mga mobile games at sa nalalaman ko doon sa normal na mundo ang ginagawa ko ngayon ang sighting at sabay ni release ang pana
0_0 Nakarinig ako ng palakpak at nakita ko si shienna sa gilid ko

 "yan, ang taas kasi ng confidence mo! Nagkamali ka tuloy!" Sumbat niya habang kumukuha ng pana at palaso sa mesa

"Kay dali, ngunit hindi kaagad makuha" saad niya ulit sabay bitaw sa pana at natamaan niya ang red point, agad akong kumuha ng pana at gaya ng ginawa ko kanina, ini stretch ko ang palaso kasabay na hinawakan ang pana, bibitawan ko na sana ito ng biglang nilapat ni shienna ang kaniyang palad sa matulis na bahagi ng pana at napatingin ako sakanya

Pumunta siya bigla sa likuran ko Hinawakan niya bigla ang kamay ko na siyang mayhawak sa palaso at hinawakan niya din ang isang kamay ko na may hawak sa pana, para niya akong niyakap dahil sa ginagawa niya at dahil mas matangkad ako sakanya ay nakadikit ang bibig ko sa ulo niya

"Kailangan mag ka pantay ang braso at ang kamay mo na siyang nakatutok doon" paliwanag   niya at agad siyang lumayo

"Bitaw!"

Sigaw niya, agad ko itong binitawan "wha-whaaaa!!!" Mahinang sigaw ko, agad akong napatingin kay shienna at nakita ko siyang nakangiti pero ng makita niya akong nakatingin sa kanya agad nagbago ang kaniyang expression sa mukha.

Muntik na itong napunta sa red point, kumuha pa ako ng isang pana at ganon padin ang ginawa ko
.
.
.
.
"Nagawa koo!!!"  Sigaw ko pwro ganon parin ang labas, muntik lang itong mapunta sa red point  "ang dali mo palang turuan eh!" Sabi ni havier, nakita kosiyang kumukuha ng pana at palaso umalis nadin si shienna.

"Bakit paba kami nag aaral ng ganito kung hindi rin kami ang gagamit neto lalo na sa labanan!" Sabinko sakanya, napatingin si havier saakin "tsk. Kasi hindi porket may kapangyarihan kayo ay hindi na kayo gagamit ng ordinaryung pamproteka o panlaban sa inyo kasi hindi sa lahat ng oras nakakatulong ang kapangyarihan niyo itatak mo yan sa kokote mo" sabi niya, binitawan ni havier ang pana at saktong saktong napunta ito red point
"Tsk. Alam ko naman" sabi ko habang kumukuha ng pana sa mesa

"Ngunit wala na akong iba pang papanain kung di ang puso ni shienna" napatingin si havier saakin, alam kung ang corny ng sinabi ko, agad kung binitawan ang pana at napunta ito sa redpoint na walang labis walang kulang

 "Ha-Ha-ha? Nag papatawa kaba? Kasi kung ganon kilitiin mo nga ako? Dikasi ako natatawa!" Pilisopo niyang sabi na para bang hindi sang ayon sasinabi ko

"Pasensiya na pero matagal kunang na tamaan ang puso ni pirhea, simula ng natulog ka ng matagal ay kami na lagi ang mag kasama kaya hindi ko itatangging mahal kona siya" napatingin ako kay havier, agad niyang binitawan ang pana at napunta din ito sa red point, inilapag ko ang pana at palaso sa mesa

"Gaya ng sinabi ko lahat ng andito sa pamamahay ko ay pagmamay ari ko, lahat ng andito ay iingatan at mamahalin ko, Bahay koto kaya ako ang masusunod kung ano ang gusto ko! Wala kang paki kung mamahalin ko si pirhea, andito kayo sa pamamahay ko kaya pag mamay ari ko siya at nasa desisyon ko kung mamahalin ko ba siya o hindi" seryoso niyang sabi, inilapag niya din ang pana at palaso niya sa mesa

Iniwan ko siya kaysa sa marinig ang mga walang kwentang sinasabi niya, pero sa dikalayuan ay tumigil ako ay hinarap siya ulit

"Hmm, gusto kolang linawin na wala kang pag mamay ari dito kung di bahay lang at sarili mo! Hindi ako, hindi si bre at hindi si shienna" seryoso kung sabi na nakatingin sa mata niya kahit malayo kami sa isat isat inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko

"Ay eto pa! Oo nasayo ang desisyun kung mamahalin mo ba si shienna ay este si pirhea, pero nasaakin din ang dedsisyun kung papayag ba ako o hindi" sabi ko, umiwas na ako sa tingin niya at umalis.

Phien Academy (The 5 Magical Powers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon