Precious Life

12 1 0
                                    

Hindi siya makakatakas pero itatakas ko siya!"
.
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni draco. Napangiti nalang ako ng makita ko siyang makisig na lumalaban sa mga kaaway habang si Darkexy patuloy padin sa pag kuha ng dugo at kapangyarihan ko. Akala ko ganon lang yun kadali pero na alarma ako ng mas dumami pa ang kalaban na nakakaaway ni draco kaya mas kinabahan ako para sa kanya
.
"Yah! Yah! Yah!" Yan nalang ang tanging naririnig ko sa laban, hindi na ako maka upo ng maayos. Habang tumatagal mas lalong nanghihina ang katawan ko, hindi na ako makatingin ng maayos.
.
"Draco! Draco! Nanghihinang banggit ko sa pangalan ni draco habang patuloy siya sa pag laban. Nakahawak siya braso niya dahil may hiwa ito mula sa kalaban. Akala ko katapusan na ng lahat pero biglang tumilapon ang lahat ng kalaban at nakita ko ang grupo ng mga angel at andoon din si carlos na nakikipag laban. Nabigla si darkexy sa nakikita niya pero patuloy parin siyang kumukuha ng dugo at kapangyarihan ko ng masigurado niyang kaya pa itong labanan ng kampon niya
.
Nakita kong napuyat si draco dahil sa mag isa niyang laban kanina. "Draco! H-hindi kona kaya! D-draco! Nanghihina kung bulong sa sarili ko. Hindi ko alam kung maririnig niya ba yun.Nakaramdam ako ng pag yanig ng lupa yun pala may mga tumatakbong kaaway papunta sa lugar namun ngayon. Nakita ko sila na papasok na sana pero agad itong natumba dahil sa tira ng mga pana
.
"Andito na ang Phien Academy!" Saad ko at nakita kung patakbo sila bre, leo lepho at si dies sa lungga namin kaya napaiyak nalang ako. Nakita kung alalang alala ang lahat saakin . Palakas ng palakas si darkexy, nanghihina naman ako. Hindi ko na kaya hindi kona maramdaman ang sarili kung katawan. At napatingin nalang ako sa direction ni draco na naka sindig sa bubong habang tinatalian ang sugat niya
.
"Mukhang ito na ang katapusan ko" saad ko habang naka tingin kay draco at napatingin siya saakin bigla nag kasalubong ang aming mga mata at dahan dahan naman siyang tumayo habang palapit sa amin
.
Tatakbo nasana siya ng makita niyang tumayo si darkexy habang nakakumot sa mga palad neto na habang ninanamnam ang malakas na kapangyarihan niya.
.
"Paalam"
.
nanghihina kung sabi kay draco at tuluyang naisara ang aking mga mata

DRACO'S POV

"Hindi!.........!" Sigaw ko ng makita kung bumagsak si shienna sa simento, nakita kung naka tayo si darkexy at bumubuo ng lakas na pwersa sa mga kamay niya. Malakas na siya ngayon sa pagkat nasakanya na ang dugo at kapangyarihan ni shienna. Parang dinudurog ang puso ko ng makita ko si shienna.
.
Agad akong gumawa ng napakatalas at napakataas na espada sa kamay ko
"Ahhhhhhhhhhh" sigaw ko habang pumapatay ng kalaban, pinapalibutan ako ng kalaban kaya hindi ko namalayang may papasalang sakin salikod pero hindi ito naituloy dahil may sumagip. Iniharang niya ang espada niya para hindi ito mapunta saakin
.
"Draco! Tulungan muna si Pirhea, ako na ang bahala dito at sa ama ko!" Nabigla ako ng makita ko ang tao sa harap ko nasiyang sumagip saakin, walang iba kung di Havier ang kakabata namin. Ama niya si Darkexy. Ng pumunta siya kina Roxsylix nag panggap siya na hindi namin siya kilala kaya hindi din namin siya makilala maski si shienna. Matagal na siyang nag tatarbaho sa ama niya bilang isang taga pangasiwa kay shienna para maka hanap ng chempo na patayin siya. Pero ganon nalang ang pag ka bigla ko ng sinuway niya ang kanyang ama. Nalaman ko lahat ng ito simula ng bumalik ang ala ala ko.
.
 Nakita ko din si carlos na nakikipag away pero ibinaling ko ang aking tingin kay shienna. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. At bumagsak naman ang aking mga luha ng makita kung wala ng malay si shienna. 

THIRD SPOKE PERSON

Umiiyak si draco habang kinakarga si shienna para dalhin ito sa safe na lugar. Habang naka tayo siya nakita niya na nakikipag laban si havier sa kanyang ama at agad naman niyang itinakbo papalabas si shienna
.
"Bakit moto ginagawa! Hayop ka! Pinag katiwalaan panaman kita tapos ganto lang ang igaganti mo!" Sigaw ni darkexy sa anak niya. Mag kaharap sila ngayon "oo! Sinuway kita, dahil mali ka!" Iyak na sigaw ng kaniyang anak. Itinaas ni havier ang dalawang palad niya at itinira sa kampon ng kaniyang ama at agad itong namatay at naging abo. Lahat ng mga angel, phien students at ang phien leaders ay naka tingin sa kanila
.
"Akala mo ba ginusto ko ang maging anak ng isang katulad mo?! Akala moba masaya ako sa mga pinapagawa mo saakin?! Sigaw ni havier habang umiiyak "Oo! Ama kita, tinuring kitang ama.......pero dimo ako tinuring na anak!" "Hindi ako naging masaya sa piling mo! Kinamumuhian kita! kinamumuhian kita noon pa! Kinamumuhian kita bilang isang ama! Gusto kitang pahirapan gaya ng pag papahirap mo saamin! At saakin!" Saakin na isang angel pero tinanggalan mo ng pak pak! Sa mga kaibigan ko na winasak mo dahil sa maling desisyun! At sa mga estudyante na gusto mung kunin ang mga  kapangyarihan!" Patuloy niyang sumbat sa ama niya.
.
Bumagsak ang lahat ng espada na hawak ni darkexy at tila nang hihina at biglang pumasok sa kaniyang isipan ang huling sinabi ni blade moon sakanya

("Tanging anak mo lang ang kahinaan mo!" Sumbat ni blade moon saakin habang pinapainom ko siya ng lason)

Napatingin ang lahat sa paa ni darkexy ng makita nilang unti unting nagiging abo ang katawan niya. Napaluhod nalang si havier sa harap niya, nawawala na ang kalahating katawan ni darkexy habang hinahayaan niyang bumagsak ang kaniyang luha
.
"Patawarin mo ako anak" mas bumuhos pa ang luha ni havier sa sinabi ng kaniyang ama at tuluyan na itong nawala "ama patawrin mo ako!" Iyan na sabi ni havier habang gumagapang papunta sa kinatatayuan ng kaniyang ama kanina na ngayon ay wala na. May paoasok na sana na kalaban pero agad itong naging abo. Wala na ang kanilang hari kaya wala nadin ang kanyang mga kampon
.

DRACO'S POV

"Shienna gumising ka! Shienna! Gumising kana, naaalala kona ang lahat ngayon kapaba mawawala?" Naiiyak na saad ko habang niyayakap siya. Nararamdaman kuna ang malamig niyang katawan "shienna! Gumising kana! Wag mo naman akong iwan plss!" Nakita kung palapit saamin ang mga phien student at angel.

Agad namang tumakbo sila bre, leo, lepho, havier, dies at carlos saamin
"Shienna gumising ka! Wag mo kaming iwan!" Iyan na sabi ni bre "Cassiopoea kumpleto na ang four minion angel oh?" Saad naman ni carlos. Lahat kami ngayon nag iiyakan "shienna sabi mo walang iwanan, sabi mo sabay tayong lilipad apay diba? Ginawa ko ang hiling mo! Diba sabi mo hindi kayo kalimutan mag kawalay man tayo? Ginawa ko yun!" Iyak na sabi ni havier
.
"Wag mo kaming iwan ng ganto, ang daya mo naman! Ang daya daya mo naman, lahat sila tinatawag kang pirhea pero ako hindi pa kita na tatawag na pirhea" saad ko habang hinahaplos ang mukha niya at umiiyak "hindi panatin nagagawa yung sabi ni blade moon na Gamit ang lakas, makakabuo ng panibagong lakas. Diba shienna?kaya gumising kana"
.
"Gamit ang lakas, makakabuo ng panibagong lakas, Gamit ang lakas, makakabuo ng panibagong lakas" pabalik balik na sabi ni carlos "alam kuna!" Napatinhin kami sakanya "kinuha niya ang kamay ni shienna at ipinatong niya sa kamay niya, kaya sumunod kamit inilagay ang aming mga palad. Hindi kasama sina bre sapagkat hindi sila kasama sa grupo na binuo ni blade moon, naka patong na ang apat naming mga kamay.
.
" Gamit ang lakas, makakabuo ng panibagong lakas, yan ang basbas ni blade sa ating apat noong mga paslit patayo!" Napatango tango naman kami, "p-pero ano susunod non? Tanong ni lepho habang naka tingin saamin maski kami nalilito sa susunod na gagawin
.
"Isigaw niyo ang mga salitang sinisigaw niyo kapag kayo ay mag kakasama sama!" Napatingin kami sa nag sasalita sa harap namin at nakita namin si Roxsylix- napalingo ako s-si Roxsylix ay ang nag alaga kay Shienna noong bata pasiya at tinuring niyang ina. A-ang ibig sabihin si Roxsylix ang ina ni shienna? Oo tama"
.
"We are the four minion Angels" sabay naming sigaw ng lumiwanag ang mga palad namin at nakita naming lumiliwanag din si shienna. Nakita kung naghihilom ang kaniyang mga sugat at dahan dahang nag wala ang liwanag. Bumalik ang kulay ng balat niya. Dahand ahan naman niyang naimulat ang mata niya kaya agad ko siya niyakap
.
"Akala ko mawawala kana sakin, akala ko hindi kana magigising!"iyak kung sabi habang hinahaplos niya ang likod ko
"Diba sabi ko hindi papayag si blade moon!" Nakangiti niyang sabi. Nakikita ko salikod ko na umiiyak silang lahat
"Halina kayo! Wag na kayong mahiya!" Saad ko at mag kayakap kaming lahat ngayon habang umiiyak dahil sa saya.

Phien Academy (The 5 Magical Powers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon