parang wala akong ganang tumayo, patang gusto kung mag mokmok sa kwarto, wala din namang kwenta kung lalabas ako. Nakahiga akong ngayon sa kama, naririnig ko ang mga ingay ng mga estudyante mula sa labas, busy kasi sila para sa evening ball bukas.
.
Wala tuloy akong ganang umattend bukas. Bakit bakasi to nangyari. Napa kumot nalang ako sa buhok ko. Siguro kung nag sasalita lang ang buhok nato, kanina pa ako neto minumura dahil siya ang pinang gigigilan ko hahahha
.
Naisip ko na wala akong choice, kailangan kung umattend sa evening ball sapagkat kailangan andon lahat ng leader. Makikita ko din naman siya doon pero ano? Sulyap sulyap lang ganon?
Hays hindi ko kaya, gusto ko siyang isayaw.
Tumayo akot binuksan ang cabinet ko"Hmm? Kanino to? Wala naman akong maalala na saakin to ah?
nakita ko doon ang damit pang lalaki na parang pang kasal, nagustuhan ko naman ito, gantong klase din kasi ang mga sinusuot pag may mga event diba. Kinuha ko ito at nakita ang isang sticky notes sa loob ng bulsa.
.("Isuot moto bukas ^-^ ")
Yan ang nakasulat sa papel. Sino kaya ang nag lagay ng damit nato sa cabinet ko? Pano kaya siya naka pasok dito. Napalingo lingo nalang ako, sa nalalaman ko kasi bawat kwarto dito ay may kapangyarihan na hindi makakagamit ng kakayahan niyang mag laho para lang maka pasok. Pero sino ang naglagay dito neto?
Inilagay ko ulit ito tsaka isinara ang cabinet.("As i see an angel, standing front of me")
Babalik nasana ako sa kama ng mapatigil ako dahil may narinig akong parang isang babaeng kumakanta sa utak ko, kakaiba ang kaniyang boses, para siyang umiiyak. Tung kantang to, Naririnig ko lang to sa radyo pero hindi ko kabisado.
("And as i look into his eyes")
Napapikit ako dahil nakaramdam ulit ako ng pananakit ng ulo, kaya napahawak nalang ako dito. yung pakiramdam na wala akong maririnig. Ganto din ang nararamdaman ko noong nakila Roxsylix kami
("Still can't believe it")
Napaluhod ako at patuloy na kinukumot ang buhok ko habang naka yuko. Gusto kung bugbugin ang sarili ko para patigilin tanging ingay na naririnig ko. Yung ingay na parang nag mumula sa isang stainless. Nakakasira ng eardrums legit.
("Hahahah habulin moko haha bleh!! Ikaw taya hahah habulin moko")
Nakita ko nanaman ang isang batang lalaki at babae na nag lalaro na nakikita ko sa isipan ko. habang tumatagal lumalakas ang halakhak nila kasabay ng pag lakas ng babaeng kumakanta habang umiiyak. Parang masisiraan ata ako ng utak.
.
Napahawak nalang ako sa bed sheet ng kama habang pinipilit na tumayo, pero naghihina ang tuhod ko
.
Sunod kung nakita ang aking sarili noong nakila roxsylix pa kami na gantong ganto ang nangyari, nakita kung pina upo nila ako habang nanghihina. Naalala ko ang pangyayaring to. Nung araw nayun sumasakit din ang ulo ko ng makita ko ang isang batang babae sa harapan ko na umiiyak. Saktong pag pikit ko naaninagan ko si shienna. Naaalala kopa ang pangyayaring yun. Nung mga araw din naiyon ay ang araw na naka tulog ako ng mahigit limang araw.
.
Biglang umitim ang aking paningin, wala akong makita ng biglang may isang anghel na tila nagliliwanag ang buong katawan. Puro itim lang ang nakikita ko sa paligid habang nakikita ko ang anghel at naka buka pa ang mga pakpak neto. Hindi ko maaninagan ang mukha niya dahil sa liwanag na dulot neto
.
"Tulungan moko draco?" Naabigla ako ng binanggit niya ang pangalan ko, nakikita koring parang may maitim na usok ang bumabalot sa katawan niya at tuluyan siyang nag laho at bumalik naman ako sa katinuan. Nawala ang ingay at naging normal na ang aking paningin. Namamalayan ko ang sarili kong lumalakas ang kabog ng puso ko at bumabagsak ang mga pawis tsaka hinihingal. Napaupo nalang ako sa kama
.
Pamilyar saakin ang boses niya. Parang narinig ko na ang boses niya."Shienna?.........."
BRE'S POV
"Bog! Bog! Bog! Bog!"
BINABASA MO ANG
Phien Academy (The 5 Magical Powers)
FantasyPano kung isang araw ma punta ka sa isang paaralan na hindi ordinaryo, DRACO ARMANEA BENDAROA isang lalaki na may kapangyarihan ngunit hindi paniya alam paano ito gamitin kaya pumasok siya sa Isang academy na lahat ng studyante ay may ibat ibang k...