(Authors Note:(----) pag nakita niyo po ang gantong sign it means, ibang pangyayari nanaman)
THIRD SPOKE PERSON
Kapangyarihan na ibinigay ng diyos sa mga studyanteng nag aaral at mag aaral sa Phien academy. Oo tama kayo , diyos ang may bigay ng mga kapangyarihang ito para protektahan ang academy na ito sa mga nilalang na nagtatangkang agawin ang academy na ito kaya minsan ay may na nangyaring maduguang labanan noon sa taas at nanalo parin siya
Siya ay ang diyos ng mga bituin at ng buwan siya ay si Blade moon
Lahat ng constellation na nabubuo ng mga bituin sa bawat buwan na nakikita sa langit ay gawa rin niya
Si blade moon ay isang matapang na diyos , lahat ng tipong lalaki na gusto ng babae ay nasakop niya , ngunit hindi lang siya basta gwapo kung di mas nangingibabaw ang kabaitan nito sa kanyang nasasakupan.Si blade moon ay ginawa ang huling constellation yun ay ang cassiopoea
Si cassiopoea ay isang magandang babae , si cassiopoea ay tinaguriang isang reyna ng kalangitan pero hindi ibig sabihin na asawa siya ni blade moon ngunit mahal na mahal siya ni blade moon bilang anak
Si cassiopoea ay isang spoiled na bata doon sa kanilang kaharian , dahil lahat ng bata ay inaaway niya dahil mas maganda padaw siya sakanilang lahat HAHAH nakaka tawang marinig ang nga sinasabi ng batang cassiopoea."We are the four minion Angels" sigaw ng apat mga paslit na angel sabay taas ng kamay, gabi na ng mag laro ang mga angel sa tabi ng ilog, sila ang mga batang anak ng mga magkakapatid na naging hari sa kalangitan sila ay sina Andrian Draco, Cassiopoea, Carlos , at Havier. Masaya silang nag lalaro habang kumakain sila sa gitna ng gabi sa gilid ng ilog. Masayang nag lalaro ang mga paslit
.
____Nag sama ang dalawang paslit na sina Draco at si Cassiopoea sa gitna ng daan at malalim ang gabi. Sila lang ang mag kasama sapagkat nag kakalayo ang kanilang pamilya dahil sa pag aagaw sa trono kaya sila nalang ang naiwan at si carlos naman ay tinuturuan ng kanyang ama sa pangangalaga sa kaharian
Pinaupo ni draco si cassiopoea sa upuan habang naka tingin sila sa mga bituin."Bakit iniwan nila tayo, akala ko tayo ang four minion angels" malungkot na sabi ng paslit na si cassiopoea kaya niyakap siya bigla ni draco "okay lang yan andito naman ako, hindi kita iiwan. Diba sabi ko mahal kita" sabi naman ni draco habang hinahaplos ang buhok ng paslit na si cassiopoea "talaga ba? Hindi mo ako iiwan? Talaga bang mahal mo ako?" Malungkot na tanong ni cassiopoea " oo naman!". Napaiwas si draco sa kanya ng makitang pinapalibutan sila ng mga ali taptap mas naaliw pa silang dalawa ng may dumapong alitaptap sa ilong ni cassiopoea at masaya silang sinusundan ang lipad nito habang mag kahawak ang kamay
.
----"Hahahah habulin moko haha bleh!! Ikaw taya hahah habulin moko"
Masayang nag hahabulan ang dalawa sa madamong harden doon sa kaharian.----
" draco!draco!" Tawag ni paslit na si cassiopoea at napalingon naman si draco "may ginawa akong kanta makinig ka!" Saad niya kaya nag harap silang dalawa
" As i see an Angel standing front of me and as i look into his eyes still cant believe it, an angel kiss my lips" hindi pa natapos si cassiopoea kumanta pero hinalikan siya bigla ni draco sa labi na subrang bilis ganon nalang ang pag ka bigla ni cassiopoea......kaya hinabol siya neto
"Hahahah habulin moko haha bleh!! Ikaw taya hahah habulin moko" patakbong sabi ni cassiopoea "anong taya, bakot sinabi kubang halikan moko ha?!" Inis na sabi ng batang cassiopoea
Dumaang ang ilang taon, umidad ng 7 gulang ang dalawa, nasa taas sila ng talon ngayon habang mag kahawak kamay "sabay nating kantahin habang lumilipad!" Masiglang sabi ni cassiopoea " hahahah cge, bioamg muna tayo ng tatlo!" 1......2.......3..... bumuka ang kanilang pakpak at lumipad
"Cause when i first saw you, you are the angel in my eye, i feel your my world where im alive so can you pleas love me, give me the world where i belong to be give me the happiness i want when you are mine" saby nilang pag awit habang palipad lipad sa himpapawid. Mahal nila ang isat isat kahit bata Pa sila wala silang paki kung bata pa ang kanilang pag mamahalan ang importante mahal nila ang isat isat.
"Ipaliwanag monga gaano moko kamahal?" Tanong ni cassiopoea " Mahal kita at mahal na mahal kita, walang makakahigit don! Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka kaya ayaw kung umiiyak ka, ayokong mapunta ka sa panganib kasi ayaw kung mawala ka, ililigtas kita, tutulungan kita at sasamahan kita sa lahat ng hamon natin sa buhay"
Masaya silang lumilipad ng biglang may tumama na pana sa likod ng batang draco abot hanggang tiyan. Ganon nalang ang pag ka bigla ng batang cassiopoea. Agad niya itong sinagip habang umiiyak at dinala sa kaharian kung saan andoon ang kaniyang ama
----
Iyak ng iyak ang paslit habang naka harap sa kaniya ang kabaong kung saan naka lagay ang batang draco."Sabi mo di mo ako iiwan sabi andiyan ka sa tabi ko. Pero bakit?ang daya mo draco ang daya mo!" Paiyak na sabi ng batang babae. Biglang nag silabasan ang lahat ng paruparu hanggang sa naging abo ito at mas bumuhos pa ang luha ng batang cassiopoea
AFTER 17 YEARS
Sa loob ng 17 years dala dala ni cassiopoea ang lungkot ng pagka wala ng lalaking minamahal niya. Pero hindi parin niya makakalimutan ang masasayang araw na magkasama silang dalawa. Nangangarap din si cassiopoea na sana mabubuo ulit ang four minion angel pero mukhang hindi na! Tanging si carlos at siya nalang ang magkasama ngayon.
Isang araw nag lalakad si cassiopoea sa kanilang kaharian at pinuntahan ang silid ng kanyang pinakamamahal na ama at tumaba sa gilid ng nanghihina at matandang blade moon
"Ano po ang kailangan niyo mahal na ama bakit niyo po ako pinatawag? Tanong nito
"A-anak , cassiopoea may mahalaga akong ipa-pa-pagawa sa iyo , para narin ito sa iyung kabutihan...............-----
Nag dadalamhati si cassiopoea sa pag kamatay ng kaniyang ama. Nasa loob siya ngayon ng kaharian at may ibinigay ng envelope ang kaniyang katulong sa kaniya at nakita niya ang sulat ng kaniyang ama
"Pumunta kasa paaralang tinatawag na Phien Academy, sinadya kung ipatayo ang paaralang yun para sa kabutihan mo ar para hindi ka masundan ni darkexy, andoon din ang lolo draminora modon para alagaan ka dadating din ang oras na maging malakas kana pumunta ka sa magic library at hanapin mo ang libro ng Raphien. Pag malakas kana bumalik ka sa kaharian at maging isang reyna anak kung cassiopoea
-mahal mong ama
Yan ang naka sulat sa envelope. Dali dali niyang iniwan ang trono at pinabantayan nila Mang donny nasiyang ama ni carlos at lunuwas siya sa Phien Academy at doon nag bago ang niyang buhay
At dala dala niya ang kataga na bilin ng paslit niyang mahal na si draco
" Mahal kita at mahal na mahal kita, walang makakahigit don! Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka kaya ayaw kung umiiyak ka, ayokong mapunta ka sa panganib kasi ayaw kung mawala ka, ililigtas kita, tutulungan kita at sasamahan kita sa lahat ng hamon natin sa buhay"
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Phien Academy (The 5 Magical Powers)
FantasyPano kung isang araw ma punta ka sa isang paaralan na hindi ordinaryo, DRACO ARMANEA BENDAROA isang lalaki na may kapangyarihan ngunit hindi paniya alam paano ito gamitin kaya pumasok siya sa Isang academy na lahat ng studyante ay may ibat ibang k...