"Nay, alis na po ako. Mag-iingat kayo sa palengke ha pupunta din agad ako dun pagkatapos ng klase ko mamaya."
Nagmamdali niyang sinuot ang sapatos niyang FILA na inorder pa sa online shop ni Balosh. Ayun ang bakla doble kayod para sa pamilya niya. Nagta-trabaho sa bagong bukas niyang parlor at nag-o-online business na rin. Si Brandy naman patuloy pa rin ang career niya sa pagiging photographer may studio na rin siya.
"Sige anak ingat ka."
Agad niyang pinara si Manong Lino suki niya ito papunta sa Unibersidad na pinapasukan niya. Sa tricycle na siya nagsuklay mamaya nalang siya magpo-polbo pag may time dahil late na talaga siya. Tumakbo na siya't papasok ng gate at buti nalang nandon pa si Rodelita ang bago niyang kaibigan dito.
"Naku Marija nahiya naman itong ingrown ko dito kakahintay sayo tingin ko nga inuugat na ito rito."
Himutok niya at talagang lumalaki ang butas ng ilong nito. Likas na malaki talaga ang ilong niya pero maganda naman siya in her own little way.
"Yaan mo na. Ngayon lang naman. Tayo na't baka magka fines pa tayo dahil late tayo."
"Buti alam mo, pag talaga marked late tayo ikaw magbabayad."
Pangongonsensiya niya pa.
"Oo na sorry na nga diba?" Giit niya at niyakap ang braso nito.
"Okay, kung di ka lang maganda naku!"
"Sus! Kung alam ko lang kaya mo lang naman ako kinaibigan kasi seatmate ko sa Philo ang crush mo."
Untag nito sa kaniya na ikinairap niya. Pero halatang kinikilig ng sinali sa usapan ang crush niya.
"Kung ba't naman kasi ang ganda mo eh. Nakakainis ka!"
Umiling na lamang siya't hinila na siya papasok sa Gymnasium. Minsan talaga nalulula pa rin siya sa laki ng eskwelahang ito.
"Hi Marija." Nakangiting bati sakaniya ng mga nagkukumpulang mga estudyante nung dumaan sila sa kinauupoan nito. Medyo nasasanay na rin siya sa mga pagpapansin ng mga estudyante rito.
"Hello boys." Bati pabalik ni Rodelita sa kanila.
"Boooo!!!" Nagtawanan sila't pinagtawanan siya. Napailing na lamang siya't hinila na si Rode sa bakanteng upoan.
"Mga bwiset na mga bubwit apaka choosy."
Inis na aniya at padabog na umupo. Naupo na lang din siya't nakinig na sa nagsasalita na Dean. Nagulat naman ang dalaga ng may padabog na umupo sa tabi niya. Hahayaan niya nalang sana pero parang sinasadya talagang banggain ang siko niya."Ahem." Tikhim niya't nginisihan ng sarkastiko ang katabi.
"Ano?" Nakataas kilay na tanong nito sa kaniya. Napaka maldito naman nito ang sarap upakan ah.
"Yung kamay niyo po kasi po." Sagot niyang naaasar sa tingin niyang parang nangangain.
"What about my hands?" Tanong niya na napaka angas pa rin. Bwesit na lalaking to.
"Hoy ikaw! Kung anong trip mo sa buhay wag mo kong isali ha. Nakakabanas ka na. Yang kamay mo ilayo mo sakin tinatamaan ang tagiliran ko adik na to."
Irap niya dito. Parang di siya makapaniwalang nakatingin sakin.
"Di mo ba ako kilala?"
"Kung kilala kita sana hindi kita tinawag na hoy. Common sense nga diyan."
Walang reaksiyon ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at humalakhak ng napakalakas. Naalarma naman agad siya at yumuko. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga estudyante. Maging ang Dean ay nakatingin na sa kanila.
"Bwesit na pahamak na to."
Mahinang bulong niya't siniko si Rodelita.
"Bakit?" Aniya. Ni hindi niya napansin na pinagtitinginan na sila ng mga estudyante. Nakayuko kasi natutulog. Isa pa tong pahamak eh. Ininguso niya ang sa gilid niya. At talagang ngumunguso rin si Rodelita napaka slow. Ilang nguso pa't na gets din niya. Agad nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa kaniya.
"Ang gwapo niya Marija ang swerte-swerte mo di mo ba kilala yan?" Nagniningning ang mga mata nitong ani sa kaniya. Agad niya itong pinukpok sa ulo.
"Aray naman tingnan mo tong babaeng to."
"Kung kilala ko kasi edi sana di na ako nakipagchukchakan diyan."
Irap niya dito at lumaki na naman ang mata niya.
"Top engineering student yan, si Xenon Sarin di mo kilala? Kilalang-kilala yan dito sa University kasi kita mo naman. Obvious naman na gwapo,hot, atsaka varsity yan ng baseball at higit sa lahat ubod ng yaman isa ang pamilya nila sa may pinaka malaking share sa school. Ibig sabihin sa kanila na rin itong school kaya umayos ka diyan at baka ma expel ka pa. Nasa kaniya na talaga ang lahat."
Kinikilig na aniya. Agad siyang napalingon sa lalaking umiiling-iling at nakataas ang kilay na nakatingin sakaniya. Buti naman at tumahimik na at nagkanya-kanya na ang mga estudyante. Nagpatuloy na rin ang Dean sa pagsasalita. Sumenyas siya na lumapit siya sa kaniya. Kunot ang noong tinignan niya lang ito.
"You know what? You're obviously pretty but you're obviously dumb and dense. But I kinda love it."
Nakangising aniya at kinindatan siya.
"Aba't iniinsulto mo yata ako ah. Gago ka ba?
Umuusok na talaga ang ilong niya sa bwesit na to. Gwapo nga ang sama-sama naman ng ugali.
"What do you think baby?"
At kumindat na naman ito. Sa inis niya'y piningot niya ang tagiliran nito.
"Ouch,ow!" Aniya at ngumiti ng pagka tamis-tamis sa kaniya..
Baliw na ata to..
"Incase you don't know my body isn't for free. You have to pay for it big time or else."
"Or else what?" Kuryoso niyang tanong.
"See those students?" Tukoy nito sa mga babaeng kanina pa pala nakatingin sa gawi nila. At ang sasama ng tingin nila. Shit! Nagkamali yata siya ng binangga.
"They are my fans club here. Kung ayaw mong awayin ka nila susundin mo lahat ng gusto kong ipagawa sayo."
Nakakakilabot na tingin ang iginawad nito sa kaniya. Agad siyang napatawa at tiningnan siya.
"Hindi mo pa yata ako kilala. You only know my story but not my name."
Taas noong aniya. Akala niya kasi.
Agad naman siyang bumunghalit ng tawa at bumulong naman sa kaniya si Rodelita."Gaga you only know my name but not my story yun bumanat ka pa mali-mali naman."
Gagad niya. Napakagat na lamang siya sa labi at pinangangatawan na ang sinabi.
"Ganun pa rin naman yon noh."
Angil niya sa kaibigan na nagkibit balikat na lang din. Umiiling na tumayo ang bwesit at malaki ang ngiting tumalikod na paalis ng Gymnasium. Ni hindi pa nga nangangalahati ang topic ng Dean. Ni hindi man lang siya tinawag. Hinayaan lang..porket may-ari pwede nang umastang hari tsk..Tbc
Zerenette
BINABASA MO ANG
Ungentleman
Художественная прозаHe's fucking 36 and she's 26. He's known literally as the Grim Reaper in the corporate world. A feared ruler of his own empire. Because he is Marco Theus Hitler Sarin. A fucking mysophobic clean freak. NOTE : All the characters in this book have no...