Chapter 29

4.2K 125 6
                                    

"Good morning."
Nakangiting ani ng binata sa dalagang humihikab. Nanatiling nakanganga siya ng makitang nakatingin ito sa kaniya at naka dantay pa sa katawan nito ang legs niya.

"Ahem."
She faked a cough and smile fakely.

"Ha.ha.ha a-ano dala ng gravity."
Aniya at unti-unting inalis ang katawang nakadantay sa binata. Napangiti si Marco at napailing.

"Nanay Apple, knocked earlier. She said we should come down for breakfast."

Nahihiyang tumalikod ang dalaga sa binata at pasimpleng sininghot ang hininga. Medyo may amoy pero keri naman. Napaka unfair kasi napaka bango pa rin ng binata.

"T-tara na. L-labas na tayo."
Nagmamadaling aniya at nauna nang lumabas. Agad siyang nagmumug sa kusina at lumapit sa ina. Nagluluto ito ng sinangag.

"Hmm, bango naman nay. Sarap niyan."
Paglalambing niya sa ina at niyakap ito sa likod.

"Esus! Nambola pa tong anak ko. Upo ka na diyan. Alam kong pagod ka."

At kinurot ng inay niya ang kaniyang singit.

"Nay naman eh, wala nga. Ano ba kayo bergin pa tong perlas ng silangan ko noh. Tsaka wag mong i feel ang pagka close sa half afam na yun noh. Hindi ako bagay sa kaniya. Mayaman yun, dukha ako."

Nakangusong aniya.

"Anak ang pagmamahal ay hindi nababatay sa estado ng buhay. Kung mahal ka, mahal ka. Alam mo lab is ol dat matters, petpol and poreber."

Ani ng inay niya. Napanganga naman siya pamilyar kasi ang sinabi nito.

"Talaga lang nay ha. Hmm bango naman ng nanay ko."

Agad na napangiti ang ina niya.

"Oh andiyan ka na pala pogi. Halika na't umupo at ng makakain."
Agad na lumingon ang dalaga sa binatang seryosong nakatingin sa kanila ng ina niya.

"Thank you po."
Ani ng binata. Marunong naman palang mag thank you.

"Pasensiya ka na hijo at ito lang ang naihanda ko."

Ani ng ina niya at naghain na.
Tuyo na boneless danggit, adobong sitaw,chorizo at sunny side up.

"Oo nga alam kong hindi ka sanay sa pang mahirap na pagkain. Tiyagaan mo nalang."

Ani ng dalaga at nilagyan ng dalaga ang plato ng binata. Nagsimula na silang kumain buti naman at hindi na maselan sa pagkain ang binata. Ang alam niya'y may personal chef ito eh.

"Okay ka lang? Wala ka bang ibang nararamdaman? Baka nahiya ka lang ha magsalita ka."

Nag-aalalang ani ng dalaga. Agad na napakunot noo ang binata at tiningnan siya.

"I'm fine. Thank you for your concern. Nanay is a great cook."

Nakangiting ani ng binata. Nahimasmasan ang dalaga at nagpatuloy na rin sa pagkain. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone nito.

"Excuse me, i'll just get this call."
Tumango lamang ang dalaga.

"Yes?"

Anito. Bigla itong natigilan at parang natulala. Baka may nangyari. Nag-alala naman agad ang dalaga.

"Okay ka lang ba? May nangyari ba?"
Puno ang pag-aalalang tanong niya rito.

"Sorry but I have to go."
Ani ng binata at walang pasabing umalis. Siguro nga napaka importante ng tawag nito. She heaved a sigh and smiled. Atleast marami ang nakain nito. Hindi na rin ito maarte.

"Oh, asan na si pogi?"
Nakangiting tanong ng inang niya na may dalang mga gulay. Namitas siguro ito sa bakuran nila.

"Umuwi na nay, may emergency kasi."
Aniya.

"Ganun ba, naku! Ang swerte mo sa poging yun anak. Ang bait-bait."

"Nay, hindi ko ho siya talaga boyfriend."
Mahinang aniya sa ina.

"Alam ko nak, tinutudyo lang kita. Beke nemen diba? Baka makalusot at magkatuloyan kayo. Iba kasi kung makatingin sayo eh."

Kinikilig na ani ng inay niya.

"Bakit nay? Manokin ba ang mga mata niya ano?"

Curious na tanong niya. Agad na sumimangot ang ina niya.

"Manhid ka kasi eh, ibang klase kung tumingin sayo. Napakalalim parang hinuhubaran ka. Parang siya yung tipo ng lalaki na kung tingnan ka ay reyna ng mundo. Ganun na ganun din ako kung tingnan ni Fernando noon eh."

Anang ina niya habang nakapikit.

"Asus si inang ibinibida na naman niya ang afam niyang hilaw."

Tudyo niya sa ina.

"Half afam siya nak. Sayang nga lang at nag pari iyon. Kaya ito poreber singgol ako."

"Kilig much?"

"Pero nak wag ako ang lokohin mo kilala kita. Gusto mo?"

Nakangiting tanong ng ina niya.

"Anong pinagsasabi mo diyan nay? Naku si nanay talaga ako na naman ang napagtripan."

Tanggi niya.

"Gusto mo nga."
Nakangising ani ng ina. Kumunot ang noo ng ina niya.

"Bakit nak? Hindi naman mali ang magka gusto sa isang tao ah. Single naman kayo pareho."

"Nay, kahit gusto ko kailangan kong pigilan. Sarin yun eh."
  Busangot na aniya.

"Bakit? Maldevar ka naman anong problema dun? Tsaka gustonka rin nun. Tiwala lang."

"Talaga nay? Sa tingin niyo ilang percent a ng chance?"

"99.9% ang chans nak. Tsaka bagay na bagay kayo. Maganda at pogi."
Nakangiting ani nito.

"Pinapaasa niyo naman ako nay. Eh talaga ba? Totoo yan ha."

Nakangiting aniya at nagpatuloy na sa pagkain..

Tbc
Zerenette

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon