Nakatingin lamang ang binata sa loob ng kotse sa dalagang nagwawalis ng bakuran ng bahay nila. It's been a week since their last encounter. Pinuntahan niya ito subalit nauulol siya at hindi makalapit sa dalaga. Kitang-kita niya ang pananamlay nito. He sighed exasperatedly. Pinaandar na niya ang sasakyan at maingat na nag drive paalis ng bahay nito.
"Anak ilang araw na yatang may napapansin akong magandang kotse diyan sa harap nina Aling Nina ah. Siguro nakabingwit ng afam ang ulikbang anak niya."
"Maka ulikba to si nanay. Ang puti natin nay?" Natatawang aniya.
"Eh ikaw anak kailan ka pa magkaka boyfriend aba't malapit ka nang magte-trenta. Di ka na pabata."
Agad na bumusangot ang dalaga sa turan ng nanay niya.
"Nay, ipagdasal niyo na ho kaya ako na makakita ako ng lalaking mamahalin ako sa kung ano ako at tanggap ang estado ng buhay ko. Hindi yung mga paasa at akala mo kung sinong diyos napaka demonyo naman ng ugali. Akala siguro magkukumahog akong lumapit sa kaniya. Nakakainis yung tukmol na Marco na yun. Akala mo naman para siyang kuto sa ulo ng mga kababaihan parasite siya. Shit siya."
Naiinis na aniya at binitawan ang walis tambo. Nangunot naman agad ang noo ng nanay Apple niya.
"Teka nak, may nobyo ka na pala? Aba! Akala ko pa naman NBSB ka. Saan siya? Nag away ba kayo?"
Agad na natutop ng dalaga ang bibig at tumalikod.
"Wala ho nay. Sige ho nay at may klase pa ako mamayang 12:30, 10:30 na ho eh hehe."
Mabilisan ang galaw at iniiwasan ang mapagtanong na tingin ng nanay niya.
"Anak, matanda ka na. Alam mo na ang tama at mali. Hindi ka na bata ha, alalahanin mong kung ano man ang problema mo ay nandito lang ako para sayo."
Mahinang ani ng nanay niya. Agad siyang napabuntong hininga at hinarap ang ina.
"Salamat nay. Promise po okay lang ako. Ako pa matibay ata to."
Pag-a-assure niya sa ina. Ngumiti ito at tumango.
"Alam ko. Pero wala namang masama kung ipakita mong napapagod at nasasaktan ka rin anak. Minsan pilit nating tinatago ang nararamdaman natin kasi baka maging pabigat tayo sa ibang tao. Subalit alalahanin mong sa kaunting salita na inihahayag mo'y nababawasan ang sakit at pighati na meron ang puso mo. Kailangan mo ring tanggapin na hindi lahat ng tao tatalikuran ka. Maaaring isang umaga magigising ka na lang na nag-iisa ka pa rin sa huli, hindi, dahil ang totoo may taong nag-iisip sayo. Hindi mo man nakakasama subalit may tao talagang totoong nag-aalala sayo. Yung bago matulog iniisip ka kung okay ka lang o ano. Huwag mong hayaang negatibong pag-iisip ang magdidikta sa kung anong dapat na mangyari sa buhay mo. Hindi mo lang napapansin subalit yun ang kadalasang kinahihinatnan pag may puwang sa puso natin ang pagkasalimuot."
Mahabang litanya ng nanay niya. Para siyang napatda sa narinig at napalunok.
"Nay naamoy niyo ba ang naaamoy ko?"
Aniya. Agad na tumulis ang nguso ng ina't suminghot-singhot."Oo nga noh. Teka nag tawas ka na ba Marija?"
"Uy si inay kala niyo naman. Natural na mabango ang kili-kili ko nay at alam niyo yun."
Pagtatanggol ng dalaga sa sarili. Agad na kumunot ang noo ng ina't inamoy ang sarili. Napaubo ito at parang nasusuka.
"Sige na nak, umalis ka na mukhang napanis na naman ang pabango ko. Maliligo lang ako."
Nakangising ani ng ina niya't walang lingong likod na pumasok sa loob. Napailing na lamang ang dalaga at pumara na ng masasakyan. Ilang minuto lang ay narating na niya ang eskwelahan.
"Hi Maldevar."
Nakangiting ani ng propesor niya sa History.
"Hello po Sir Mark magandang tanghali."
Nginitian niya rin ito pabalik. Sino ba naman ang hihindi sa kamukha ni Lee Min Ho sa kapogian ewan ko lang talaga."Mas lalong gumanda ang tanghali ko dahil nakita na kita."
Mapaglarong ani nito. Na ikinakilig naman agad ng dalaga.
"Sus si Sir child abuse."
Tukso niya rito."I think not, i'm 27 and you're 26. It's a match don't you think?"
Nakangiti pa ring ani nito sa kaniya. Sabay na rin silang naglakad papasok ng gate. Agad na nagtinginan ang mga estudyante at nagbulongan."Naku yan na nga ba sinasabi ko Sir eh. Matsi-tsismis tayo nito."
Mahinang ani ng dalaga. Napatawa naman agad ang binata.
"Huwag kang mag-alala 1 month nalang din naman at tapos na ang contract ko dito."
Ani ng binata at kinindatan siya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Kinontrata lang ako ng kaparid ko para magturo. Besides i'm a qualified teacher by profession but i'm a company owner in life. I'm on leave, naghahanap lang ako ng pagkakatuwaan ang I love teaching that's why. Nagkataon lang din na manganganak na ang kapatid ko so ako muna ang pansamantalang pamalit niya."
Agad na napatango ang dalaga. Kaya pala sikat na sikat ang mokong dahil pwedeng-pwede naman palang landiin pag nagkataon. Gwapo na mayaman pa.
"Kaya pala."
Nakangiting ani ng dalaga. Papaliko na sila sa office ng dean papunta sa EB Room 124 ng biglang bumukas ang pinto nito at iniliwa ang lalaking pinaka ayaw niyang makita. Agad na binati ito ni Mark at nanatiling nakatayo lamang ang dalaga habang nakatingin sa lalaking napakasama ng tingin sa kaniya.
"Ah sige Sir Mark mauuna na po ako."
Nakangiting aniya at nagpaalam na sa guro. Walang lingong likod na umalis siya at malakas na bumuntong hininga ng makalayo-layo na.Tbc
Zerenette
BINABASA MO ANG
Ungentleman
General FictionHe's fucking 36 and she's 26. He's known literally as the Grim Reaper in the corporate world. A feared ruler of his own empire. Because he is Marco Theus Hitler Sarin. A fucking mysophobic clean freak. NOTE : All the characters in this book have no...