Chapter 19

4.1K 137 3
                                    

"Veronica..g-girlfriend mo?"
Marahang tanong ng dalaga. May kakaibang kumudlit sa puso niya ngunit hinayaan niya na lamang ito. Nakatingin lamang ng deritso sa kaniya ang binata at bumalik ulit sa pagkain.

"So girlfriend mo nga?"
Ulit niyang tanong dito.

"Finish your food. I'll drive you home."
Utos ng binata. Nagkibit balikat lamang siya at bumalik na sa pagkain ng buttered crab niya. Nagpupunas na ng side lips gamit ang table napkin ang binata habang nakatingin sa dalagang manghang-mangha pa rin na nakatingin sa interior design ng restaurant. Ilang sandali lang ay pumasok ang babaeng naka pencil cut skirt kanina at ipinakita sa binata ang maliit subalit pataas na papel.

"Ano yan?"
Tanong ng dalaga.

"It's our bill, wanna see?"

"P-pwede?"
Nahimigan ng binata ang excitement ng dalaga kaya tinanguhan niya ang babae at ipinakita naman agad nito ang bill nila.
Agad na nanlaki ang mata nito.

"Langya! Ba't ganiyan kalaki yan? Kung alam ko lang sana nagluto nalang ako sa bahay. Sinong matino ang magbabayad ng 10,000 sa isang dinner?"

Mahinang ani ng dalaga sa binata. Ngumiti lamang ang binata at kinuha ang wallet niya't naglapag ng pera at hinila na siya paalis.

"Marco diba sayo naman yun? Bakit ka nagbayad?"

Tanong ng dalaga.

"Why? I'm a customer. It's just right to pay my own bill." Anito.

"Pero yung iba kasi napapansin ko lang pag sa kanila hindi na sila nagbabayad."

Pag-e-explain ng dalaga.

"Really? Now I get your point. Maybe next time i'll do that."

Nakangiting ani ng binata.

"I am used on paying my bills. My companies I've worked hard for, earned money that much. Every business I have has its own rules. And I have my own principles. I don't want to feel guilty knowing that I didn't pay my bills. It will haunt me on my sleep."
Mahabang litanya ng binata na ikinagitla ng dalaga.

"Kaya pala. Alam mo gag-  este Marco habang nagkakasama tayo mas lalo kong nakilala ang totoong ikaw. Napaka wierd mo pala noh. Akalain mo naman ang ubod ng sungit at ubod ng arte nagi guilty din pala."

Sagot ng dalaga. Biglang napatigil siya at may natandaan. Baka nagi guilty lang ang binata kaya siya tinuturing ng mabuti. Baka bukas iba  na naman.

"Sayo lang naman ako hindi na guilty. You made me feel at ease. So don't think too much."

Magaang ani ng binata na ikinahigpot ng hawak ng dalaga sa seatbelt. Para yatang hinahalukay ang tiyan niya.

"May naalala lang ako. Diba may Veronica ka na? Baka naman anong isipin ng nanay mo sakin ha. Ang alam pa naman niya ay mag syota tayo tapos ikaw may Veronica na pala. Edi naging kabit na ako niyan."

Maktol ng dalaga. Na kagad din niyang sinupil ang namumuong irap sa mata.

"I don't mind."
Tipid na ani ng binata.  Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ng dalaga at hinampas ang binata.

"Ouch what was that for? Can't you see i'm driving?  Baka ma aksidente tayo damn it."

Agad namang napa ayos ng upo ang dalaga.

"Kasi naman, baliw ka ba? Naiintindihan kong hindi ka sanay sa mga tao pero Marco naman. Alam mo bang bawal ipagsabay ang dalawang babae sa isang relasyon? Baka mapatay pa ako o ano. Tangna talaga! Isipin mo nga. Mag isip ka!"

"Why are you mad? Veronica is my mom. Akala ko ba kilala mo na ang mommy ko. Why are you acting so weird?"

Nahihiwagaang ani ng binata. Maging siya ay napatigil sa paghihimutok. Bigla ay tinablan na siya ng hiya.

"So hindi mo pala girlfriend yung Veronica?"

Nakangiting tanong niya. Tumango naman agad ang binata.

"And here I thought close kayo ni mom."

"Hindi ko naman ho kasi natanong kung anong pangalan ni tita noh."

Napailing na lamang ang binata at napasulyap sa kaniya.

"You must get to know my family very well. Or maybe i'll introduce you to them someday. Xenon is my younger brother. "

"Alam ko pareho kayong kolokoy eh."

Napatawa ang binata kaya napatitig ang dalaga sa kaniya.

"Marco smile more often, your smile reflects mine."

Wala sa sariling ani ng dalaga.

"Napaka gwapo mo para sumimangot lang. If you smile you can see the world smiling at you. It makes everything easy and balanced. Pero pag palagi kang nakabusangot ganun din ang mundo sayo. Take it easy and smile."

Huminto ang kotse at nanatiling nakatitig lamang ang binata sa dalaga. Mahigpit na napahawak ang dalaga sa seatbelt niya. Nagpalinga-linga siya at napansing nasa labas na pala sila ng bahay nila. Ngali-ngaling tinanggal niya ang seatbelt.

"N-nandito na pala tayo. S-sige salamat sa araw na to. B-bye."

Akmang aalis na siya ng hilahin ng binata ang kamay niya at marahang hinaplos ang mukha bago dinampian ng banayad na halik ang makipot at mapupulang labi ng dalaga.

"Hmmm."

Mahinang halinghing ng dalaga ng kagatin ng binata ang labi niya. It gives him access to insert his tongue inside. Hindi marunong humalik ang dalaga kung kaya't sinusundan niya ang bawat galaw ng binata. Ilang minuto pa bago tumigil ang dalawa sa makapugtong hingang halikan.

"Get inside and rest. I'll see you tomorrow."
Mahinang ani ng binata at hinalikan ang ulo niya. Namula ang mukha niya sa nangyari kung kaya't walang pasabing lumabas na siya ng kotse at tumakbo deritso papasok ng bahay nila. Napailing na lamang ang binata at napahawak sa labi niya.

"I never tasted someone as sweet as you. But i'll never get fooled."

Tbc
Zerenette

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon