Yugto 1

104 10 0
                                    

Yugto 1
May Naghahanap Sa'yo

Nung gabing iyon ay dinala ko sa ospital si Mr. HKNT... Bakit Mr. HKNT? It means, Hindi Kailangan Ng Tulong. Bagay naman sa kanya 'yung tawag na 'yon since hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

"Doc!" tawag ko sa doktor na lumabas mula sa Emergency Room.

Nilingon ako ng doktor at tinaasan ng kilay.

"Ayos na po ba 'yung pasyente?"

"Oo, hija. Minor bruises lang naman ang natamo niya sa ibang bahagi ng katawan. Pero pinakamalala lang talaga ay 'yung sa abdomen niya."

"Ah okay po."

"Kaano-ano mo ba 'yung pasyente?"

"Uh..." Nag-isip ako ng isasagot. Nag-isip pa talaga ako, huh? "Wala po. Tinulungan ko lang po siya. Pero pakisabi na po na kailangan ko na pong umuwi. Hinahanap na po ako sa'min eh."

"Gano'n ba, hija? Sige, ako na ang magsasabi."

Sobrang late na akong nakauwi sa bahay dahil nga dinala ko pa sa ospital si Mr. HKNT at hinintay ko pa hanggang sa maging okay siya. Nung gabing 'yon ay hindi nag-iisa si Warren na napagalitan, dahil kasama ako.

Syempre, hindi ko na naikwento kay Papa o kay Warren man ang tungkol kay Mr. HKNT. Baka kasi sabihin ni Warren na boyfriend ko 'yun o ano pa man. Advance 'yun mag-isip eh. Si Papa, medyo may pagka-paranoid naman 'yun.

Kaya minabuti kong sa best friend ko na lang ikwento ang lahat.

"Gwapo pala ha? Bakit hindi mo hiningi 'yung number niya? Kahit 'yung pangalan lang para sana mapagpantasyahan sa Facebook!" eksaheradang sabi ni Dea matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa kong pagtulong kay Mr. HKNT.

"Sira ka talaga Dea." Inirapan ko ang best friend ko at kinain ang blueberry cheesecake na in-order.

Nandito kami ngayon sa Flor's. Isa itong cafe na pagmamay-ari ng pamilya namin. Hindi naman ito ganoon kalaki pero sapat na ang espasyo para magkasya ang mga fifty na cutomers o higit pa.

"Oh my G talaga sis! Pupunta na nga rin ako sa Foursquare mamayang gabi, baka makakita ako ng isa pang gwapo! Ta's dadalhin ko siya sa bahay imbes na sa ospital!" Inirapan pa niya ako matapos sumimsim sa pearl shake niya. "Ang hina mo naman kasi, Jame! Dapat dinala mo sa'min para ako ang nagpagaling sa kanya!"

Napailing ako sa kahibangan ng best friend ko. Basta pagdating talaga sa gwapo ay hindi ito magpapaawat.

"Ang ingay mo." May biglang nagsabi nun.

Napalingon kami ni Dea kay Warren na ngayon ay naglilinis ng katabing lamesa.

"Hindi ka lang kasi gwapo." Umirap si Dea at inismiran lang siya ng kapatid ko. Tuwing bakasyon ay rito tumatambay si Warren bilang helper sa cafe. Para na rin may allowance siya sa darating na pasukan.

"Anong meron sa inyo ni Kuya? Bakit sa tuwing nagkikita kayo ay hindi kayo magkasundo?" Pinanliitan ko si Dea ng mga mata.

"Normal lang 'to Jamie. Abnormal siguro kapag bumait si Warren sa akin at kapag naging mabait din ako sa kanya. Hinding-hindi ko kaya makakalimutan 'yung palagian niyang pambubwisit nung mga bata pa tayo."

Naiiling akong ngumisi at nilantakan pa 'yung mga pastries na nasa harapan ko. Pinagpapasalamat ko talaga na kahit na anong takaw ko sa mga sweets ay hindi pa rin ako tumataba.

"Alam mo may naisip ako."

"Ano?" Nag-angat ako ng tingin.

"Bisitahin kaya natin 'yung Mr. HKNT mo!" nanggigigil niyang sabi.

Constantly In Love (Soledad Cousins #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon