Yugto 4
Sorry"Hey, I was asking you Jamie, pero hindi mo sinasagot 'yung tanong ko. Are you mad at me?" Inulit iyon ni Travis gamit ang seryosong tono.
My God, Travis.
Hindi ko siya nilingon, sa halip ay nanatili ang tingin ko sa harapan, kahit pa noong sinagot ko siya.
"Use your common sense, Travis. Kapag pilit mong kinakausap ang isang tao pero nakita mong hindi ka pinapansin, dalawa lang ang ibig sabihin niyan. It's either ayaw ka niyang kausap or galit siya sa'yo. And in my case, it's both. Ayaw kitang kausap at galit ako sa'yo."
"Bakit ka galit?"
Humugot ako ng malalim na hininga habang kinakalma ko ang sarili. Sa isip ko ay binabaliktad ko na itong upuan ko at sinusuklob ko na sa ulo ni Travis.
Kailangan pa ba kasing itanong 'yon?
"Sa tingin mo ba kasi ay matutuwa ako? Dahil sa mga kababuyan mo ay napalabas ako ni Mrs. Sisante," I said with gritted teeth.
"Kababuyan? Anong kababuyan?"
Hindi ba niya alam kung anong ginawa niya kahapon? Kung anong pinagsasabi niya?
"May amnesia ka ba? Ang bilis mong makalimot. Kahapon, sinabi mo na mas gusto mo 'yung nahahawakan mo, nahahaplos..."
"O tapos? Ano namang baboy sa nahahawakan at nahahaplos?"
Bakit ba nagpapanggap siya na hindi niya alam? Ang sarap niyang sabunutan!
"Hindi naman baboy 'yung mga salitang 'yun. Pero nung sabihin mo 'yung hahalikan, dun na ako napatayo at dun ko nasabi 'yung yuck kadiri." At saka ako rin kasi ang topic nun! Kaya ganun talaga 'yung magiging reaction ko!
"Sinasabi mo ba na kasalanan ko?" Biglang nag-iba 'yung boses niya.
Ano sa tingin niya?
Hindi na ako nakatiis at pumihit ako para maharap siya. "Bakit? Kasalanan mo naman talaga ah? Kung hindi mo sinabi 'yun, edi sana ay hindi ko rin masasabi 'yung yuck. Kung ipinagtanggol mo sana ako at hindi tinawanan, sana hindi ako mapapalabas ng room ng huklubang—ng room ni Mrs. Sisante!"
Medyo tumataas na ang boses ko. At konti na lang ay uusok na ang ilong at tainga ko dahil sa inis. Ramdam ko ang pagtingin sa amin nung iba kong classmate na tsismoso't tsismosa.
"Okay fine... I'm sorry..."
Napakurap ako sa sinabi ni Travis. Hindi ko alam kung tama ba 'yung rinig ko. Hindi ko naman kasi ini-expect na ganun siya kabilis magso-sorry sa akin.
Ma-pride ang mga lalaki, 'di ba? Kaya 'yang patunayan ni Warren, dahil ang isang 'yun, hindi mo talaga mapagso-sorry. Pero bakit ang bilis namang mag-sorry ni Travis?
Leche, Jamie! 'Wag ka na ngang magtaka! Hayaan mo na lang!
"Hey, do you hear me?" Unti-unti niyang nilapit nang kaunti ang mukha niya sa akin. "Ang sabi ko, sorry na..."
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. "Apology denied," tipid kong sagot.
"Diyos nga nagawang magpatawad, ikaw pa kaya? Come on, Jamie. Hindi naman gano'n kalaki 'yung kasalanan ko sa'yo."
Pasalamat talaga ako at walang pakiramdam ang huklubang prof namin. Dahil kung may pakiramdam siya, malamang ay kanina pa niya na-sense ang munting pagtatalo namin ni Travis dito sa klase niya. At baka mapalabas na naman ako.
"Hindi gano'n kalaki? Excuse me? For your information, iyon ang unang pagkakataon na napalabas ako ng classroom kaya big deal iyon para sa akin."
Ilang sandali siyang hindi sumagot. Nang lingunin ko siya ay naabutan kong nakatitig lang siya sa akin.
"'Di ko naman alam... sorry na nga." Ngumuso pa siya.
Ang cute ng gago, leche! Kung hindi lang talaga ako naiinis sa kanya ay baka kanina ko pa siya kinurot sa pisngi.
"Apology denied nga. Kulit mo ba?"
"Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Umirap naman ako. 'Wag ka ngang magpaawa sa akin, Travis! At baka tablan ako ng hinayupak mong charm!
"Wala." Binalik ko ang tingin ko sa hukluban naming prof.
Sana ay walang short quiz. Dahil baka si Travis lang ang maisagot ko kung magkataon.
"I'm serious, Jamie. Gusto kong mapatawad mo ako."
"Seryoso rin naman ako." Umayos ako sa pagkakaupo nang makita kong binalingan ako ni Mrs. Sisante.
Fast forward to the present time, ala-sais na ng gabi at narito kami ni Dea sa Flor's. Um-order siya ng paborito niyang flavor ng donuts at 'yun ang tinitibag niya ngayon.
The reason kung bakit laging rito sa cafe dumidiretso si Dea pagkatapos ng uwian ay ang mga magulang niya. Gusto na ng Mommy niya na makipag-annul pero ayaw ng Daddy niya... ang resulta, magulo sa kanila. Kaya mas prefer niya raw rito sa cafe namin. Dahil bukod sa kasama niya ako ay masarap din daw ang mga pagkain.
"You know what? 'Yung gwapong tinulungan mo na si Travis..." Dumadaldal siya kahit pa may kagat na donut. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa 'to nabubulunan.
"Anong meron sa kanya?" Kunwari ay hindi ako interested sa topic namin.
"Sikat na siya sa buong campus. Usap-usapan siya ng halos lahat. 'Yung mga kaklase ko nga sa isang minor subject, grabe, walang bukambibig kun'di si Travis. At ito pa..." Itinaas niya ang index finger niya na parang isang teacher. "Usap-usapan din na si Travis daw ay 'yung sikat na varsity player ng kabilang university. Ang dami na ngang nagkakagusto sa kanya, samantalang wala pa siyang one week sa campus natin."
"At isa ka na roon?" Nagtaas ako ng kilay.
"Nope." Sinabayan niya iyon ng iling. "Kahit gaano pa siya kagwapo ay hanggang paghanga lang ang ibibigay ko sa kanya. I don't do love." Ngumisi siya.
Ngumisi rin ako nang may maalala. "Oo nga pala. Loyal ka kay Kuya, 'di ba?"
Mabilis na namula ang pisngi niya at kumunot ang noo. "The paj? Hindi ah!"
"Pero sinabi mo sa akin nung grade six, na crush mo siya."
"Oo. Pero nung elem ko lang naging crush si Warren. Nung nagtagal ay nawala rin, kasi nga lagi niya akong inaasar."
"Okay fine. Maniniwala na ako sa'yo," natatawa kong sabi.
"Issue ka Jamie." Umirap siya.
Naniniwala naman ako sa sinabi niya. Dea had two ex-flings, already. At sure akong hindi sumagi sa puso ng best friend ko si Warren. Sadyang pinagpilitan ko lang 'yung kanina dahil gusto ko siyang asarin.
Handa na sana akong ikwento kay Dea ang tungkol sa naging interaction namin ni Alec. Kaya lang ay hindi ko na naituloy dahil naagaw ang atensyon ko nang makita ang pagpasok ng isang lalaki sa cafe.
Pigura at dating pa lamang ay alam ko na agad kung sino 'yun. Nang magtagpo ang tingin namin ay lumakad siya patungo sa lamesa namin ni Dea.
Nagsinghapan at napahanga ang lahat ng tao rito sa cafe. Nakita ko kung paano sila natigilan sa pagkain dahil sa presensya ng lalaking nasa harap ko na pala ngayon.
"Anong ginagawa mo rito Travis?" hindi ko na napigilang itanong.
Si Dea naman ay automatic na nag-angat ng tingin nang marinig niya ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Constantly In Love (Soledad Cousins #2)
RomanceMy name is Jamie, and nothing is special about me. I met Travis when he was drunk and I was sober. He told me that my life was boring, and he made me list ten things that I wanted to do in order to change that.