Yugto 5

54 6 0
                                    

Yugto 5
Peace Offering

"I'm here for a peace offering," seryosong sabi ni Travis.

Ilang sandali ko pang tinitigan ang seryoso niyang mukha. Gwapo siya kapag nakangiti pero bakit parang mas gwapo siya kapag seryoso? Pwede ba 'yun?

"Peace offering?" pag-uulit ko.

"Narinig mo naman, 'di ba?" kalmante lang niyang tugon.

Napasinghap ako at napatingin na lang kay Dea. Halos maduling na ang best friend ko dahil sa ginagawa niyang paglipat ng tingin sa amin ni Travis.

"You better go home, Travis. Wala akong panahong makipag-utuan sa'yo," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Si Dea naman ay nakanganga sa akin at binibigyan ako ng 'bakit mo siya tinataboy look'.

Bakit hindi? Malay ko ba kung hindi naman pala siya seryoso sa sinasabi niya? What if pinaglalaruan lang niya ako? What if he's just making fun of me? What if tinitingnan lang niya kung maniniwala ako?

"I'm not going home. At hindi kita inuuto," wika ni Travis gamit ulit ang seryosong boses.

Ano ba 'yan? Bakit parang hindi ako sanay na seryoso siya sa akin?

"Uh... uwi na ako Jamie. Nabayaran ko na rin itong mga donuts kaya 'wag ka nang mag-alala," paalam ni Dea at mabilis na tumayo.

What the? Anong kabobohan 'to Dea? Balak mo pa talagang iwan ako rito kasama si Mr. HKNT?

"Bye bye! Enjoy your time with each other, ha." At bago pa ako makaangal ay tuluyan na siyang nakaalis.

Naku Dea! Humanda ka sa'kin bukas. Hindi nakakatuwa itong ginawa mo sa akin.

"Kainis ka!" singhal ko kay Travis at this time, nilingon ko na siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya ngayon. Seryoso na gwapo na parang ewan.

"Dahil sa'yo iniwan tuloy ako ni Dea rito," pagmumuryot ko. "Ano ba talagang kailangan mo, ha?"

"I told you, I'm here for a peace offering. Seryoso ako nung sinabi ko kanina na gusto kong mapatawad mo ako."

Umirap ako sa kawalan. Seryoso ba talaga siya? Kailangan pa ba niyang pumunta rito para diyan? Parang ang unrealistic.

"'Di mo ba ako narinig kanina nung sinabi ko na apology denied? Apology denied na nga tapos gusto mo pa ring mapatawad ka?" Hindi ko na napigilang magtaas ng kilay.

Lumakad siya at umupo roon sa upuan sa harap ko, iyong binakante ni Dea.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin? Kung ano ang peace offering na inihanda ko para sa'yo Jamie?" May panunuya sa boses niya. Tapos ay unti-unti na naman siyang ngumisi. Biglang kumislap 'yung mga mata niya.

Kung ano-ano na naman ang napapansin ko.

"Ang sabi ko kasi Travis, umuwi ka na..." Tinitigan ko na siya nang masama.

"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?"

"Ang kulit mo! Uwi na sabi eh!"

"Pero nagpe-peace offering ako." Kumunot na ang noo niya. Oh Lord! May igu-gwapo pa ba ang lalaking ito?

"Uwi," puno ng diin kong sabi.

"Uwi? 'Yung gwapong katulad ko, pinauuwi mo lang nang basta-basta? Napakaraming babae diyan ang may gustong makasama ako. So you're lucky baby, kasi kasama mo ako ngayon." Biglang sumeryoso ang mukha niya.

Inirapan ko lang siya. Ang yabang kasi!

"So what? Dapat na ba akong ma-flatter dahil kasama kita?" Pinagdiinan ko 'yung salitang 'kasama'.

Constantly In Love (Soledad Cousins #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon