Yugto 3
Yuck KadiriPagkatapos ng attendance checking ay tumayo na ang professor namin at nagsimula nang magdadaldal. Dapat ay tumahimik na lang ako pero hindi ko kayang tiisin na hindi sagutin 'yung sinabi ni Travis.
"Bakit? Sinabi ko ba na hanapin mo ako?" wika ko pero nasa harapan lang ang tingin ko, kunwari nakikinig.
"Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko."
"At bakit?"
"Dahil tinulungan mo ako. At kailangan kong mag-thank you sa'yo."
Hindi ko alam kung bakit pero parang na-disappoint ako sa sagot niyang 'yon. Iyon lang? Gusto niya lang mag-thank you kaya niya ako hinanap?
Para kasing hindi 'yon ang ini-expect kong isagot niya sa akin. Ewan ko ba.
"Bakit ka nag-transfer dito?" Hindi ako tanga para balewalain ang mga naririnig kong tsismis na nag-transfer nga talaga siya, this year lang.
"Kasi gusto ko."
"Bakit mo gusto? Come on, Travis. Ayusin mo nga 'yang sagot mo, nagtatanong ako nang maayos eh."
"Fine. Nag-transfer ako kasi gusto kitang makita araw-araw."
Unti-unting napawi ang ngiti ko. Hindi naman siguro siya seryoso, 'di ba? At hindi ka rin naman siguro uto-uto, Jamie, para maniwala sa kanya?
"Bolero," bulong ko. Pero sapat lang iyon para marinig niya.
"Totoo 'yung sinabi ko."
"Alam mo? Kung gusto mo pala akong makita araw-araw, sana pina-print mo na lang 'yung picture ko tapos tinitigan mo ako araw-araw. O 'di ba? Mas madali."
"Ayoko no'n. Hindi pala ako kontento sa nakikita lang. Gusto ko nakakasama ko... nayayakap ko... naaamoy... nasisinghot... nahahawakan... nahahaplos... nahahalikan... nadidi-"
Ano?! Gusto niya nung nahahalikan niya ako?!
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil mabilis na akong napatayo sa upuan ko at napasigaw, "Yuck! Kadiri ka!"
Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. Laglag ang mga panga nila sa akin. Tapos si Travis naman ay nakangisi lang.
Damn! Ano ba kasing pinagsasabi niya?
"Excuse me, Ms. Herrera? Sinasabi mo bang nakakadiri ako?"
Laglag ang panga na napalingon ako sa hukluban naming professor. Hindi siya ang sinasabihan ko nun!
"H-Hindi po kayo 'yung sinasabiha-"
"Hindi por que't maganda ang mukha at katawan mo Ms. Herrera, ay may karapatan ka nang sabihan ako ng nakakadiri! Sinabihan mo pa ako ng yuck? How dare you? Alam kong pangit ako pero 'wag mo na sanang ipamukha!"
Napayuko ako at nakagat ko ang labi ko. Sigurado akong singpula na ng mansanas ang pagmumukha ko dahil sa kahihiyan. 'Yung iba ko namang kaklase, 'di pa nakikisama, tinatawanan pa ako.
Wait. Sino bang tinatawanan nila? Ako o si prof?
"Sorry po Ma'am..."
"Labas!"
Nanlaki ang mata ko at nag-angat ako ng tingin. Baka mali lang ako ng rinig! No! This can't be happening!
Hindi ito ang unang pagkakataon na napagalitan ako ng isang teacher pero ito ang magiging unang experience ko na mapalabas!
"Po?"
"Hindi mo ako narinig? Sabi ko labas!"
Tuluyan nang sumabog sa katatawanan 'yung mga kaklase ko at nakisali rin si Travis.
BINABASA MO ANG
Constantly In Love (Soledad Cousins #2)
RomanceMy name is Jamie, and nothing is special about me. I met Travis when he was drunk and I was sober. He told me that my life was boring, and he made me list ten things that I wanted to do in order to change that.