Umpisa
"Tangina, Jamie! Anong problema mo?!" nanggagalaiting sigaw sa akin ng kapatid kong si Warren matapos siyang matauhan.
Gabi na. Taliwas sa nakasanayan ko, nandito ako ngayon, kasama ang pasaway kong kapatid, sa labas ng isang tanyag na bar. Bakit kami nasa labas ng bar at wala sa loob? Dahil hinila ko si Warren palabas ng bar para sana makauwi na kami. Pero mukhang kailangan ko munang makipag-debate sa kanya.
"'Wag mo akong mamura-mura, Warren. Pumunta ako rito para pauwiin ka na. Nagagalit na si Papa! Alam mo naman na ayaw niyang pumupunta ka sa mga bar, 'di ba? Tapos dinala mo pa 'yung kotse nang walang paalam!"
"Kung gusto akong pauwiin ni Papa, bakit hindi siya ang pumunta rito? At bakit ikaw pa?" Inis niya akong tiningnan.
Magulo na ang buhok niya at namumula na rin ang mukha. Sigurado akong lasing ito. Bukod sa naaamoy ko ang alcohol sa kanya ay alam kong ganito ang itsura niya kapag nalalasing.
Humalukipkip ako. "'Wag mo ngang ibahin ang usapan." Inabot ko ang palapulsuhan niya. "Umuwi na tayo. Nagagalit na si Papa."
"Sabihin mo sa kanya na mamaya pa ako uuwi. Hindi pa tapos ang pa-after party ni Ryan, gusto na niya akong pauwiin? Ayokong bastusin ang kaibigan ko." Binawi niya ang kamay niya.
"Warren naman eh! Kung sasabihin mo lang kay Ryan na kailangan mo nang umuwi, paano mo siya mababastos sa paraan na 'yon?"
"Kung may dapat man na umuwi sa'ting dalawa, ikaw 'yon." Dinukot niya ang wallet niya sa bulsa at kumuha roon ng isang green bill. Nalaglag ang panga ko. "Pamasahe mo," sabi pa niya.
"Ano? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Ako ang pauuwiin mo?" Inis na inis kong kinuha 'yung dalawang daan at isinaksak ko sa dibdib niya. "Sa'yo na 'yan! Kung hindi ka uuwi sa bahay, bahala ka! Sinasabi ko sa'yo, lagot ka kay Papa! Kung magkakapasa ka sa buo mong katawan bukas, 'wag na 'wag mo akong iiyakan ha! Bahala ka diyan! Napaka-pasaway mo!"
"Pasaway?" Tumawa siya at kinuha ang dalawang daan. Ibinalik niya iyon sa wallet niya. "I'm just having fun. Minsan kasi ipaliwanag mo rin kay Papa kung ano ang ibig sabihin ng YOLO."
Tapos tinalikuran niya ako at bumalik na sa loob ng bar.
Leche! Mas matigas pa sa bato ang ulo ni Warren! Kainis!
Mabilis kong ni-text si Papa at sinabing ako na lang ang uuwi dahil ayaw ni Warren na sumama.
Ibinaba ko ang cellphone ko matapos ko iyong mai-send. Lumalalim na ang gabi at mas naririnig ko na ang huni ng mga sasakyan sa napakaluwang na kalsada sa harap ko.
Napailing na lang ako. Kanino kaya nagmana ng ugali si Warren? For sure hindi kay Papa kasi istrikto at seryoso iyon, malayong-malayo kay Warren. At hindi rin siguro siya magmamana kay Mama dahil...
Napalunok ako at hindi na itinuloy pa ang iniisip. Baka mamaya ay umiyak ako nang wala sa oras.
Ilang sandali pa akong tumayo roon sa parking lot ng naturang bar hanggang sa nagdesisyon akong umuwi na talaga. Pero hindi pa ako nakakalakad nang malayo-layo ay sumulpot bigla sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki.
Ano kayang height nito? Six feet?
Ilang sandali ko siyang tinitigan. Gulo-gulo ang suot niyang damit. Pati buhok niya ay gulo-gulo rin. Matangos ang ilong niya at perpekto ang hubog ng panga. Nung mapansin ko na nakatingin na pala siya sa akin ay inayos ko ang sarili ko. Bakit parang may naligaw na Greek god dito?
Magtatanong pa sana ako sa isip ko pero napigilan ko na. Nilakihan ko ang mga mata ko para makumpirma na hindi ako nahihibang.
Shit.
Ganoon na lang ang gulat ko. May pasa siya sa kanyang mukha at may dugo rin sa kanang bahagi ng pang-ibabang labi niya. Napangiwi ako nang makita kong paekis-ekis din ang lakad niya.
"O-Okay ka lang?" Mabilis akong gumalaw at inalalayan siya. Baka kasi madapa ito at sumalampak ang mukha sa semento. Sayang naman at mababawasan ang mga gwapo sa Pinas 'pag nangyari 'yon.
"Don't you dare touch me."
Napakurap ako dahil sa lamig ng boses niya. Soothing! Para akong hinehele. Teka! Teka! Jamie, 'wag ka ngang hibang!
Binalik ko ang isip ko sa reyalidad at pinigilan ko ang sarili kong sapakin siya.
"Aba! Attitude ka rin, 'no? Ikaw na nga 'tong tinutulungan ko para hindi ka tuluyang madapa diyan tapos sasabihan mo ako na don't I dare touch you?" Tumaas ang boses ko.
Siguro dahil naiinis pa rin ako kay Warren kaya nasabi ko iyon. O dahil nakakainis na nga 'yung kapatid ko kanina, ay dumadagdag pa itong gwapong estranghero na ito!
"Ang ingay," matipid niyang sabi at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya dahil inaalalayan ko siya. "Kaya ko ang sarili ko. I don't need anyone's help."
Nalaglag ang panga ko. Ang yabang naman ata nito. Hindi raw niya kailangan ng tulong? Hindi ba niya alam ang kasabihan na no man's an island? Hindi ba 'yun tinuro ng mga magulang niya sa kanya?
Kalma lang, Jamie. Kalma.
"Hindi mo pwedeng sabihin 'yan. Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon? May pasa ka sa mukha mo at may dugo sa labi mo. Nakipagsuntukan ka ba?"
"Paki mo? Hindi naman tayo magkakilala tapos kung kausapin mo ako ay parang kilalang-kilala mo ako? You don't know me, Miss."
"Ah talaga? Edi bahala ka diyan." Inis ko siyang inirapan at tinalikuran.
Gasgas na gasgas na ang katagang 'Don't talk to strangers'. Pero mukhang hindi ko yata iyon naisabuhay sa mga oras na 'to.
"Argh!"
Nang marinig ko ang pagkalabog ng semento at ang boses niya ay automatic akong napalingon. Nakita ko siyang nakabagsak na sa semento at nakahawak sa balikat niya. Na para bang iniinda niya ang sakit nun.
Sabi ng utak ko ay tumakbo na palayo.
Lumayas ka na diyan, Jamie. Hindi mo siya kilala at hindi ka rin niya kilala. Kaya hindi mo kargo de konsensya kung ano man ang mangyari sa kanya. At isa pa, kailangan mo nang umuwi sa bahay n'yo. Magagalit ang Papa mo kapag nalaman niya na kaya ka nagtagal ay dahil in-entertain mo 'yung lalaki na 'yan.
Tatalikod na sana ako kaso ay bumulong naman 'yung isa pang bahagi ng utak ko.
He needs help.
Grr...
Pinilit kong lumakad palayo. Pinilit kong tumalikod at balewalain siya. Pero dinala na lang ako ng mga paa ko sa harapan niya. Lumuhod ako at gumuhit ang mapanuyang ngiti sa labi ko.
"Ano? Hindi mo pa rin ba kailangan ng tulong ko?"
Hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ko. Hanggang sa uminit na ang pisngi ko, ay ako na ang nag-iwas ng tingin.
"It hurts... damn."
Napalingon ulit ako sa kanya. This time, nakapikit na siya at iniinda na nang sobra ang balikat niya.
"Don't worry, tutulungan kita."
BINABASA MO ANG
Constantly In Love (Soledad Cousins #2)
RomansaMy name is Jamie, and nothing is special about me. I met Travis when he was drunk and I was sober. He told me that my life was boring, and he made me list ten things that I wanted to do in order to change that.