Yugto 6
Nilagpasan"Ang dami!" bulalas ko nang makita ang lahat ng in-order ni Travis. Punong-puno ang table namin ng paperbags na may tatak na Flor's. Takeout ang lahat ng iyon.
"Ten thousand pesos lahat 'yan, tulad ng gusto mo... O ano? Forgiven na ba ako?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa nga niya ang gusto ko. Pero napatango na lang ako nang wala sa oras.
Ngumiti siya at kumislap ang expressive na mga mata niya.
"T-Teka... sino naman ang kakain nito? Ang dami..." Parang unti-unti akong kinapitan ng guilt.
Parang sobra naman yata 'yung pinagawa ko sa kanya? Bakit ba kasi ginawa kong ten thousand, dapat siguro one thousand na lang? O 'di kaya ay iba na lang ang pinagawa ko sa kanya?
And besides, hindi naman gano'n kalaki 'yung kasalanan niya para maging ganito kabigat 'yung kabayaran, 'di ba?
"Ibibigay ko lahat ng 'yan sa mga servants at drivers namin."
"P-Pero... baka naubos na 'yung pera mo? Makakauwi ka pa ba sa inyo?" Mababakas na talaga ang guilt sa boses ko.
"Don't worry about that, Jamie."
Alam ko naman na mayaman ang lalaking ito. Sa unang pagkikita pa lang namin sa bar, ay nakumpirma ko na iyon dahil sa itsura at pananalita niya. At ngayon, nung sinunod niya 'yung inutos ko, ay mas lalo ko pang napatunayan na nakaaangat nga siya sa buhay.
Pero nakaka-guilty talaga. Kahit naman kasi naiinis ako sa kanya ay may natitira pa ring awa rito sa puso ko. Ibalik na lang kaya niya lahat ng in-order niya? Tapos ibabalik din sa kanya 'yung ten thousand niya? But that's impossible.
Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita siya, "I'll go home now."
"Uh, okay." Nag-iwas ako ng tingin. "Ingat ka."
Sa sumunod na araw ay namumutawi pa rin ang guilt sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggalin. Sinabi ni Travis na sa servants at drivers nila 'yun ibibigay, kaya parang nagkaroon din ng pakinabang ang ten thousand niya. Pero nakaka-guilty pa rin.
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school, kumakain ng lunch kasama si Dea. Kanina pa namin pinagkukwentuhan si Alec. Nasabi ko na kasi sa kanya 'yung tungkol sa naging interaction namin.
"Anyway, maiba ako Jamie. Hindi naman ako tsismosa at lalong hindi ko ugali ang mag-eavesdrop. But I think it's inevitable."
Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag-iiba sa topic namin.
"Narinig ko si Sarah along with her friends, kanina kasi classmate ko sila sa isang minor subject, and they're talking about you. Remember the first day of school? Nung pinagtanong ni Travis kung sinong nakakakilala sa'yo? They're talking about that day."
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. "Nakakapagtaka."
"Yup Jamie. Sobrang nakakapagtaka talaga. Knowing Sarah, hinding-hindi 'yun mag-aaksaya ng laway sa mga katulad natin. Pero rinig na rinig ko talaga na pinag-uusapan ka nila."
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Nagpatuloy ako sa pagkain at wala nang umimik sa amin ni Dea.
I wouldn't doubt na si Travis lang ang dahilan kung bakit ako pinag-uusapan ni Sarah at ng mga kaibigan niya. Travis was handsome, rich, and popular already. Kahit na magtatatlong araw pa lang siyang nag-transfer dito sa campus namin.
Hindi na ako magtataka kung nakuha niya ang atensyon ni Sarah Mendoza.
Sarah Mendoza was probably one of the most popular in this school. Mayaman ang pamilya niya at kilalang businessman ang kanyang Daddy. Popular si Sarah sa buong school dahil bukod sa mga nauna kong sinabi, ay nanalo rin siya sa isang sikat na pageant last year.
BINABASA MO ANG
Constantly In Love (Soledad Cousins #2)
RomanceMy name is Jamie, and nothing is special about me. I met Travis when he was drunk and I was sober. He told me that my life was boring, and he made me list ten things that I wanted to do in order to change that.