Meet up

1.4K 57 5
                                    

"I can't believe an International school like this would take a student like THAT!"

Alam ko namang ako ang pinapatamaan.

"Gosh Keira, pointing is bad. Does your grandparents ever tell you that?"

"Tell me what?"

"Err. Something like, pointing at other people who you don't know might get you punished by the magical people"

Pft. Mukhang hindi updated lola mo ah.

"Jeez, I'm always told it's disrespectful but get punished by magical people? Your grandparents must've dedicated their lives reading fictions"

"Just don't do it again"

"You really believe that?"

Hindi ko na masyado narinig ang usapan nila dahil medyo nakalayo na ako. Ewan ko ba saan nila pinag kukuha mga sinasabi nila pero hindi ko nalang pinansin at nag deretso sa office.

"Come in"

Sagot agad ng boses lalaki pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses.

Hingang malalim muna ako bago buksan ang pinto at sumilip sa loob.

"Transferee?" nakangiting tanong niya, around 50-60yrs old.

Nakasalamin at busy sa pagaasikaso sa mga papeles na nasa harapan niya

"Opo" nakangiti ring sagot ko. Sumenyas siyang pumasok ako kaya naman naglakad ako papasok. Sinara ko rin muna ang pinto bago ako magderetsong umupo.

"Welcome to ludicrous international High" Bati niya at nginitian ako, tinigil niya ang ginagawa niya at may kinuhang papel sa may drawer niya "I hope you'll enjoy here, here's your schedule and locker key" abot niya sakin kaya agad ko itong kinuha.

Binasa ko muna saglit bago ako tumingin ulit sa kanya pero busy na siya ulit sa mga papeles niya. Kamot ulo akong tumingin ulit sa schedule ko, hindi nakalagay kung ano ang section ko.

Ngumiwi ako bago ulit tumingin sa kanya. Magtatanong ba ako? What if hulaan ko nalang?

Kagat labi pa akong nag iisip dito kung magtatanong ba ako o hindi, buti nalang tumingin ulit siya sakin ng nakangiti. Nagtataka ata kung bakit andito parin ako.

"Ano po ang section ko?" agad na tanong ko.

"Dynamism 10 is your section at the main building" Ngumiti ito kaya ngumiti din ako.

Pagkatapos non ay nagderetso ako sa sinasabing building ko. Malaki at malawak ang paaralang ito, kumpara sa ibang international school, 'di malayong mas angat ang school na ito.

Hindi naman mahirap hanapin dahil talaga namang ang main building ang pinaka malaki sa lahat ng building. Aside from that ang main building lang din ang kulay black. Adik siguro sa black may ari ng paaralang ito.

NATAPOS ang araw ko ng normal. Well except sa mga studyateng walang ibang ginawa kundi kutyain ang itsura ko. I got used to it naman na kaya wala na akong problema doon.

Naglalakad lang ako pauwi, hindi malayo ang school kung saan ako nakatira. Walking distance

Papatawid na sana ako nung bigla ay tumalsik ako sa 'di kalayuan. Peste! nasa pedestrian lane na nga lang masasagasaan pa!

"Miss!" sigaw ng lalaki pero nandidilim ang paningin ko. Bukod sa masakit talaga ang pagkakahampas ko, literal na nandidilim paningin ko sa kung sino mang mangmang ang bunangga sakin sa pedestrian lane.

Masakit ang pagkahampas ng likod ko sa semento. Mga demonyo, 'di marunong tumingin! Tch! Pasalamat nalang at...

"Lagot ka boss"

EH?? Ninanamnam ko palang ang sakit ng likod ko ng bigla ay pakiramdam ko ang gaan gaan ko.

May bumuhat sakin. Sino 'to? Nandidilim ang paningin ko at pakiramdam ko mahihimatay na ako. Ngunit amoy na amoy ko ang mabangong simoy ng hangin.

Tanginang bango 'to tipong isang taon na makalipas 'di mo pa limot.

"Tss" huling narinig ko bago mawalan ng malay.

NAGISING ako at unang sumalubong sa akin ang amoy ng alcohol. Alam na agad kung saan ako pinunta, tsh.

Kaya ayoko dito sa hospital eh parang araw araw ginagawang panlinis ng building ang iba't ibang uri ng gamot, at ayoko ng amoy non.

Kinapa ko ang noo ko at nagtaka nang may makapa akong benda sa ulo ko. Ha? Ano ito? Agad akong nagtungo sa CR at tumingin sa salamin

"Wala namang sugat ah" bulong ko sa sarili

para saan ba tong bendang to? wala naman ak- oo nga pala, my ability of healing.

kusang nagagamot ang sugat ko dahil doon. Nagtaka pa ako, I'm not a forgetful person okay? Nabagok ang ulo ko kanina, mga 1 minute amnesia lang naman.

Naghugas ako ng kamay at mukha para naman mahimasmasan ang kaluluwa ko sa malamig na tubig. Pagkatapos ay lumabas ako at bumungad sakin ang apat na lalaki na nakatitig sa akin na para bang magnanakaw ako.

"Who the heck are you?" tanong ng pinakamatangkad sa kanila

napakurap naman ako. The hell?!

"Miss asan yung babaeng may room nito?" tanong pa nung lalaking mukhang loko loko. Among them siya lang ang mukhang masayang nakatingin sakin

"huh?" takang tanong ko

"Yung panget na babae miss" kamo pa nung seryoso sa kanila pero mas nakakatakot tignan yung pinakamatangkad sa kanila

Makapanget to wagas ah! Handa na akong sumapak pero naalala ko... Shit!

Napahawak ako sa mukha ko ng wala sa oras at napatakbo sa bintana

"Shit!" mahinang mura ko

Full moon pala ngayon, kailangan kong makaalis dito. Tatakbo na sana ako kaso biglang may humawak sa braso ko

"where are you going?" walang emosyong sambit nito

"Uuwi? he he"

"No. you're coming with us" seryosong sabi niya at nagsimulamg hinilain ako.

What the hell!? "NO!!!" hinila ko ulit ang kamay ko mula sa kanya at tumakbo palabas, nakabukas naman ang pinto eh. Peste! Peste! Peste! Bakit ba kasi binabagok ang ulo ko eh!

"FUCK! AFTER HER IDIOTS!!"

Huling rinig kong sigaw niya bago ako makalayo. Kasalanan niyo 'to eh! Kung sana hindi ako nabagok kanina edi sana hindi ako nandito ngayon. Pahamak kayo sa buhay!

Dumaan ako sa may fire exit at nakalabas sa may likurang bahagi ng hospital, may isang iskenita dito kaya pinasok ko 'yon at walang alinlangang nagteleport papuntang bahay.

PAGKARATING sa bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto.

"Muntik na 'yon ah" mahinang sambit ko sa sarili at nahiga

we have this curse na every full moon 'Secrets shall unveil'

Gamit gamit ko ang aking pekeng mukha at nakalimutan ko 'yon bago pa man ako makita ng apat na lalaking yon.

They said is it forbidden for us to reveal our real identity here. Hindi ko alam kung bakit but that's what they told me before traveling here, that's why I'm keeping it. Well, I guess it's for my own good so I'm okay with it. Plus, mas gugustuhin ko din namang nakatago.

Mali ko lang talaga na nakalimutan kong full moon ngayon. Sana makalimutan na ako ng apat na yon.

I just hope they'll forget about me, besides I'm not that important anyway.

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon