Rest

133 21 0
                                    

Akala ko kahit papano makakalimot ako, pero parang nadagdagan lang ang isipin ko. Sana pala hindi na ako nagtanong

May posibilidad na may kinalaman ang nangyaring labanan noon sa pagkahiwa-hiwalay naming pamilya

Kailangan ko bang hanapin ang kwintas na yon? Argh! Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Ano ba talaga kailangan kong gawin?!

"HOY! MGA KUMAG KAIN NA!" sigaw ni magesta mula sa kusina

Nagsipasok naman ang tatlong kumag. Kumag na gwapo? Pwede na 'yon, di naman sila mukhang paa eh.

"Oh? asan ang boss niyo?" tanong ni magesta

"Ba't mo hinahanap?" mataray na tanong ni locky. Etong lalaking to talaga kung magtaray pwede ba maging bakla.

"Nagtatanong lang! bakit? bawal ba!" sigaw ni magesta

"Ayan na naman po sila" nakangiwing sabi ni grey

At ayun na nga nag away pa ang dalawa. Napailing nalang ako sa bangayan ng dalawang yon, para silang mga bata.

"Kain na tayo" kamo ni liam at naupo na

Hinayaan na namin yung dalawang nag aaway sa gilid, jusko araw araw nalang ganyan ang eksena ng dalawa, para silang mag asawa. Bagay naman sila eh hehe.

PAGKATAPOS kumain ay nagderetso ako sa kwarto ko at nagpunta sa veranda, naupo ako malapit sa railings. Tinitignan ang mga bundok, mga bahay bahay na ampapangit din naman ang design, mga puno at iilang taong pakalat kalat sa daan.

"I remember you said~
Don't leave me here alone~"

Napabuntong hininga nalang ako. Sana kinanta mo nalang literal kung saan at paano kita mahahanap.

Kung ikaw man yan phemie, bigyan mo naman sana ako ng clue. Puro ka kanta diyan eh, hirap na hirap na ako dito kakaisip ng mga bagay bagay. Mahina pa naman mag process ang utak ko

"You'll be alright ~"

Huminga ako ng malalim. You'll be alright pero parang ikaw naman ang hindi maganda ang sitwasyon. Ulol Phemie, wag ako.

Pumasok na ako sa loob at nahiga na sa kama. Sakit ng katawan ko punyeta, di naman ako ganon ka busy eh.

Dahil na din sa pagod ay mabilis akong nahila ng antok

SOMEONE'S POV

Hindi ko alam kung nakukuha ba niya ang ipinapahiwatig ko, Pero isa lang ang alam ko...Hindi niya nakukuha ang mga kinakanta Kong litanya ng kanta

Nung marinig ko ang boses niya ay nabuhayan ako ng pag asa at alam Kong maililigtas niya ako mula dito sa lugar kung asan ako

Alam Kong mahahanap niya ako, ngunit kung Hindi man niya ako mahanap...sana manlang malaman niya ang totoo.

Nagbibigay ako ng clue sa kanya ngunit Hindi niya naman naiintindihan.

Gusto ko ng makawala dito, gustong gusto ko pero isa lang akong mortal na tao ngayon.

Tuwing naririnig ko ang boses ng kambal ko ay nabubuhayan talaga ako ng pag asa.

Gusto Kong maalala niya ang nangyari pero Hindi ko pwedeng sabihin ng deretsa dahil sa mga nakabantay sakin

Gusto ko pa makita ang kapatid ko kaya kunwari'y kumakanta nalang ako ngunit ang bawat litanyang kinakanta ko ay may kinalaman sa nakaraan

Alam Kong maiaalis niya ako dito at ililigtas niya ako.

"You and I'll be safe~
And sound~"

May tiwala ako sayo kambal ko

SOMEONE'S POV

"Nahanap namin ang dating tahanan ng tagapagligtas" nakayukong sabi ng aking tauhan

"May nakita ba kayo?" tanong ko

"Nakita po namin ito"

Ipinakita nila sakin ang isang kwintas na crystal na hugis puso at bughaw ang kulay

Kinuha ko ito at sinipat ng tingin

Ano ang bagay na ito?

"Ang sabi mahal na hari ay iyan ang nakitang bato kung saan mismong nawala ang pumatay Kay haring Fernando, nung panahong may labanan ang mga mahekera at makapangyarihan"

Napahigpit ang hawak ko sa crystal na kwintas.

"Magaling! Maghanap pa kayo! at wag na wag kayong babalik hanggat wala kayong magandang balita!"

Agad naman silang nag sialis, napatingin ako sa hawak ko

Kung ano man ang gamit mong kwintas ka, alam Kong malaking tulong ka sakin

PHOEBE'S POV

Pagkagising ko ay tumunganga muna ako tsaka nagpunta sa banyo para maligo, pagkatapos maligo ay tumunganga muna ulit ako tsaka nagpalit.

Bumaba ako at nakitang andun na silang lahat, binati nila ako ngunit parang wala akong marinig. Nag uusap sila, kinakausap ako ni Clint, nag aaway sila magesta at locky

Ngunit wala akong marinig. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa kung saan

Bigla ay nilamon ako ng kadiliman

"Anak..."

Bumangon ako at napaupo. andito ulit ako sa isang madilim na paligid at tanging puno lang ang meron

"Anak..batid kong masyado ka ng naguguluhan"

Yumuko ako at nagpigil ng luha

"Sobra po ama...Hindi ko na po alam ang gagawin ko"

"Bibigyan kita ng pahinga anak"

Napatingala bigla ako sa puno at napangiti ng malawak

"Talaga ama?" nagagalak na tanong ko

"Bibigyan kita ng tatlong araw na pahinga"

Napatayo ako at napatalon ng wala sa oras

"Maraming salamat po ama!"

"Sana makatulong sa iyo ang aking gagawin"

Napangiti lang ako

"Bumangon kana anak..."

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon