The past battle

140 20 1
                                    

"Ano ito?" biglang tanong ni Clint

Gabi na at andito kami sa hapag, Simula nung dumating sila Clint ay ibang iba na siya, mula sa pagsasalita sa galaw at sa ugali. Para bang lahat ng bagay dito ay Hindi niya alam, maski pagkain ay Hindi niya alam ang pangalan

"Boss dinakdakan yan, specialty yan ni phoebe" sagot naman ni liam

"Ganon ba?" sabi niya at tinikman ang dinakdakan "Masarap nga" tatango tango pang sabi niya

Nagkatinginan kaming apat at nangunot ang noo

Ilang beses ko ng nilulutuan ng dinakdakan si Clint pero bakit parang ngayon niya lang natikman? Posibleng si Clint ang nararamdaman namin ni magesta

"Ano ka ba boss? Naging paborito mo nga yan eh" Pekeng tawa na sabi ni grey

May Mali talaga eh, ano bang nangyayari sayo Clint?

Kung ano man yon aalamin ko yon pero ngayon...may kailangan pa akong kausapin

PAGKATPOS kumain ay agad akong nagderetso sa kwarto ko at gumawa ng portal patungo sa magical land

Pagkarating don Ay agad akong nagderetso sa kaharian ng mga hari at reyna

Pagkapasok Ay nagpunta ako kung saan ang mga trono. Sakto namang andun sila at nag uusap usap

"Oh Kendal anak, bakit naparito ka?" pansin sakin ng hari ng dagat

"May alam po ba kayo tungkol sa pamilya ko?" lakas loob na tanong ko

Nagkatinginan sila at napatingin ulit sakin

"Wala kaming masyadong alam tungkol sa nakaraan mo Kendal, pasensya na" sabi ni reyna Karina

"Eh ang kambal noong panahong labanan ng mahekera at makapangyarihan?" tanong ko ulit

"Maaari niyo ba kaming iwan" kamo ng pinakaginagalang na reyna

Nagsitango sila at agad na umalis sa kwartong ito, lumapit sakin si reyna tasha at hinawakan ang balikat ko

"Batid Kong nalalaman mo na ang totoo"

"Bakit po? Hindi po ba pwedeng sabihin niyo nalang sakin"

"Sasabihin naman namin sa iyo ngunit iilan lang din ang nalalaman namin tungkol sa nakaraan mo"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ako ang nag utos sa mahekerang si maria na itakas kayo ng kambal mo"

"P-po?"

*FLASHBACK NI REYNA TASHA*

"Paki usap tulungan niyo po kami, gusto pa naming makasama ang aming mga anak" pakiusap ng isang mag asawa sa aming harapan

Nagkatinginan kami ni trevon

"Gusto man namin kayong tulungan ay Hindi namin magawa, patawad" naaawang sabi nito

Maski ako ay naaawa sa pamilyang ito Hindi lamang sa kanila kundi sa mga pamilyang pang kinitilan ng anak.

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon