Legendary mythical Queens

173 23 1
                                    

"HINDI PA ITO TAPOS!" biglang sigaw ng lalaking lumitaw sa gitna ng mga kakaibang nilalang

"TREVON!?" gulat na sigaw ni reyna tasha

Kung ganon siya ang kapatid ni reyna tasha. Ano ba ang pinaglalaban ng kumag na to? ang pagkamatay ng kanyang ama?

"LUSUBIN SILA!!" sigaw nito

Nataranta naman kani ni phoebe Hindi namin sila kakayanin...

Iisa nalang ang naiisip Kong paraan..

Pinabagal ko ang oras.

Gumawa ako ng isang maliit na portal at kinuha sa loob nito ang isang old treasure box

"Ate...iligtas mo kami" kako at inilabas ang apat na crystal

Umilaw ang mga ito at lumutang sa ere...

Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit walang nangyayari? lumulutang lang ang apat na bato at umiilaw ngunit hanggang doon nalang yon

"B-bakit?" Nagulat kami nung kusang bumalik ang normal na oras

Hindi ko naman pinabalik ang normal na oras ah!

Ramdam ko ang takot sa mga natitira pang buhay, kailangan may gawin kami

"Handa kana?" tanong sakin ni ate

Huminga ako ng malalim at inayos ang postura

"Handa na"

"Pagbilang Kong tatlo.." tumango naman ako

"Isa.."

Pakiusap sana lamang ay magtagumpay kami ng ate ko sa labanang it-

"TATLO!" biglang sigaw niya at hinawakan ang kamay ko at tumakbo upang umatake

Mabilis naman akong sumabay sa kanya

Putek alam ba magbilang ng isang to? kinakalma ko palang sarili ko eh

Malapit na kami sa mga kalaban at nakahanda na ang Aming espada ngunit bigla kaming umangat sa lupa at pinalibutan ng liwanag

Ang apat na crystal ay unti unting nabuo sa harap namin

"H-HINDI!" napatingin ako sa ibaba at nakitang pinipigilan ni trevon ang gemstone ngunit bigla siyang tumalsik

Tumapat sakin ang gemstone at ang crystal naman Kay ate, magkasing laki at parehas sila ng hugis

Magkahawak kamay kami ng ate ko habang unti unti kaming nilamon ng liwanag, umikot ang crystal sa amin ni Phoebe

Pinalibutan kami ng asul at kulay rosas na parang bula, tumapat ang mga bato sa aming dibdib at bigla itong dumikit dito at para bang pinapasok ang dibdib namin

Unti unting nakapasok ang mga bato sa dibdib namin at bigla kaming umilaw ni phoebe

Nakapikit kaming lumapag sa lupa kasabay ng pagkawala ng liwanag

Pagmulat ng mata ay kita kong nakasuot ng pink off shoulder empire waist dress si ate at ganun din ako ngunit kulay sky blue ang akin

Kita ko ding lumiwanag ang tatlong kulay sa buhok ko, batid Kong mas tumingkad ang kulay nito. Kita ko naman ang tattoo ng ibon, ahas at isang chimera sa balikat ni phoebe.

"T-the queen of stones" manghang sabi ng mga hari at reyna

"Mamamatay kayong lahat!!!" sigaw ni trevon at sinenyas sa kanyang mga nilalang na lusubin kami

Nagkatinginan kami ni phoebe at ngumisi

Itinaas ni ate ang kanyang kamay at pumito "CYGNUS!!" sigaw nito at umilaw ang tattoo niyang ibon

Mula sa himpapawid ay rinig ang nakakatakot na huni ng mga ibon

Gulat kaming lahat ng makita ang napakalaki ngunit napakagandang ibon. Nakakatakot ang itsura nito

Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata "Mula sa kaharian ng iba't ibang mababangis na nilalang...Draxon tinatawagan kita!" Sa pagmulat ng mata ko malakas na hangin ang sumalabong sakin, umilaw ang violet na kulay ng buhok ko

Ang napakagandang pakpak ni draxon ang siyang unang nakita ko.

Biglang nagpakawala ng patama si trevon kaya napaiwas kami ni phoebe

"HYDRUS LUMABAS KA!" sigaw ni phoebe habang iniiwasan ang patama sa kanya ni trevon

Umilaw naman ang kanyang tattoo na ibon

Abala ko ding iniwasan ang mga nilalang niyang pilit ako inaatake

Mula sa ilalim ng lupa lumabas ang napakalaki at napakahabanv ahas, the legendary snake

"FARRAH LABAS!" sigaw ko at tumalon upang iwasan ang batong inihagis sakin

Umilaw ang kulay pink na kulay sa buhok ko

Isang portal ang nagbukas at lumabas ang buong angkan ng mga maliliit na diwatang pinamumunuhan ni Farrah

"CHIMERA MONSTER LABAS!" sigaw ni Phoebe at pinatamaan si trevon

Lumiwanag ang tattoo niyang chimera

Mula sa himpapawid ay lumapag ang isang nilalang na tatlo ang ulo, lion, kambing at dragon may pakpak ito at may nakakatakot na sungay.

Pinugutan ko ng ulo ang kaharap ko at buong lakas na isinigaw ang "AQUITTUS!! PAGHARIAN MO ANG LUPA!"

Ang panghuling nilalang na siyang nagpa ilaw sa kulay bughaw Kong buhok

Mula sa iba't Ibang parte ng ginaganapan ng laban lumitaw ang mga lumilipad na sirena

Magkatabi si draxon at cygnus, sa gitnang bahagi ay nakasampa ang mga maliliit na diwata sa ulo ni hydrus, nasa pinakagilid ang chimera monster samantalang nakapalibot naman sa buong paligid sila aquittus

Sabay kaming tumalon ni phoebe at lumapag sa gitna ng aming sariling nilalang

Kaharap namin si trevon na ngayon ay inis at galit ang makikita sa kanyang mukha

"Sila ang legendary mythical Queens, ang siyang pinakamalakas sa lahat" rinig Kong sabi ng isang reyna

Sinulyapan ko sila magesta ngunit tulala lang silang nakatingin sa nilalang na pinalabas namin

Nagkatinginan kami ni phoebe at tumango

Pinalabas ko ang espada ko at pinalabas niya naman ang kanyang latigo

Magsisimula na...

"SUGOOOD!!"

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon