Goodbye

366 28 10
                                    

"Si Kendal? Napakabait niya..kahit minsan tatanga tanga ay napakasarap niyang kasama, khit noong unang pagkikita namin ay nasagasaan namin siya ay Hindi niya kami kinagalitan o ano, bukas ang kanyang puso para sa lahat at napakabuti niyang kaibigan" Ngumiti ng malungkot si liam at tsaka siya naupo

Eto kasi ang last day funeral ng kapatid ko kahit wala siyang bangkay.

Sa nagdaang araw ay puros lang ako iyak at ngayon pakiramdam ko wala na akong i-iiyak pa, ubos na ata ang luha ko ngunit ang sakit na nararamdaman ko? Hindi to mawawala, sa katunayan sa bawat pagdaan ng araw ay mas lalo akong nasasaktan sa pagkawala ng kambal ko

Tahimik lang akong nakaupo dito sa may maliit na stage at nakikinig sa kanyang mga kaibigan

Pagkaupo ni liam Ay si grey naman ang sumunod

"H-hindi ko alam ang sasabihin ko.." yumuko siya at nagpunas ng luha "nakakabakla mang tignan na umiiyak kaming mga lalaki dahil sa isang kaibigan ay wala na kayong pake don, tinuring namin na tunay na kapatid si Kendal, at sa konting panahon nagkakasama kami ay..siya ang isang kaibigan na talaga namang hihilingin mong 'sana may kaibigan din akong ganito'" napakapag siya sa kanyang labi at yumuko ulit

"Kendal..kung asan ka man ngayon...miss na namin dinakdakan mo, mahal ka namin" tumalikod na ito at agad na naupo

Sunod naman sumalang ay si locky

"I'm sorry Kendal...nung nangyayari ang labanan, napagsalitaan kita ng kung ano ano...nakakahiya kasi ikaw pa ang nagligtas sakin, akala ko talaga Hindi na ulit ako mabubuhay ngunit ng dahil sayo.." Nabitak ang kanyang boses at nagsimula siyang maluha

"Ng dahil sayo andito ako ngayon nakatayo at...iniiyakan ka, maraming maraming salamat Kendal tatanawin ko tong habang buhay na utang na loob"

Naalala ko na naman ang mga ngiti sakin ng kambal noong nangyayari ang labanan

Gusto ko ulit iyon makita ng personal

Sumunod ay si Clint

"Sweetie..I miss you, please...please come back, I promise you I will never be the villain again...just please come back to me, I don't know how to continue living without you, it makes me crazy sweetie...I don't know what to do anymore" yumuko ito at nagpunas ng luha

"Every time I close my eyes, you're beautiful face always appears in my sight, every time I go to sleep, you're always in my dream, and I wish I could just stay there with you...but I can't, you're always in my mind, you'll always here in my heart...I promise not to love anyone except you sweetie..I'll wait, I know you'll come back...please come back"

Maski ako sa gusto siyang bumalik, ang kanyang mga ngiti, bakit ganon ko lang kadaling nasilayan yon?

Sumunod naman si magesta, Hindi pa siya nakakapunta sa gitna ay nanghihina na siya dahil sa kakaiyak

"K-kendal..." ayun pa lang ang nasasabi niya ay sobrang umiyak na siya

Napatungo naman ako

"S-siya ang nag iisang tumanggap sakin...silang lima, madalas akong katakutan kasi nga mangkukulam daw ako, pero sila..si Kendal...napakabuti niyang tao...sana..sana maibalik pa siya"

Agad siyang tumakbo at yumakap Kay locky

"Phoebe ikaw na.." tawag sakin ni reyna tasha

Tumayo ako at nagpunta sa harap, tinignan ko ang lahat ng andirito

Mula sa mga mahekera at makapangyarihan, pati narin ang mortal na nakidalo, ang limang kaibigan ng kapatid ko at ang mga hari at reyna

"Handa Kong gawin ang lahat...maibalik lang ang kapatid ko" lumunok ako at pinigilan ang magkagaralgal ng boses ko

"N-naalala ko noon..gusto niya lagi ko siyang katabi matulog, ayaw na ayaw niyang nag iisa siya kasi takot daw siya sa maligno...Ni Hindi ko nakasama ang kapatid ko, ngunit mahal na mahal ko yon..." nanlalabo ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay ko

"Andaya lang kasi...kung kailan nakabalik ako ay siya namang pagkawala niya, gustong gusto ko na siyang makasama...ngunit paano ko yon gagawin ngayon" yumuko ako at nagpigil ng hikbi

"Nananawagan ako...pakiusap kung may alam man kayo upang maibalik ang kambal ko...gagawin ko ang lahat" tumingin ako sa kanila ngunit lahat sila ay yumuko

Kakatapos lang ng libingan ngunit andito parin ako at nakaupo katabi ang picture frame ng kambal ko

Pakiramdam ko walang kulay ang lahat, pakiramdam ko ang lahat ay malungkot

Pakiramdam ko tinanggalan ako ng liwanag sa buong buhay ko

Hindi ko matanggap na wala na ang kambal ko

Napakalungkot ng paligid

Aaminin Kong hanggang ngayon ay umaasa akong sana...sana bumalik ang kambal ko

Ngunit napakalabo na iyong mangyari, ni katawan nga niya ay wala buhay pa kaya..

Napatingin ako sa picture niyang nakangiti

"Gusto Kong makita ang ngiting yan ngunit sa personal" pigil iyak na sabi ko

Huminga ako ng malalim at tumayo

"Mahal kita kambal ko, its time to let go..but I won't forget you, mananatili kang napakagandang alaala sakin...sana..sana maging masaya kung saan ka man"

Tumalikod na ako at naglakad

Parang ayaw Kong umaalis...ang hirap

Hindi mapigil ang pagluha ko kaya naman Ay tumingin muli ako sa frame

Ang nakangiting magandang kapatid ko...

"Paalam"

Tinalikuran ko na ang puntod niya ngunit puting liwanag ang sumulabong sakin

Anong nangyayari?

Nakita ko ang isang puno sa di kalayuan, nagtataka man ay pinuntahan ko yon

Pagkarating sa puno Ay may nakita akong nakatiklop na gintong papel

Kinuha ko yon at binuklat

"Maibabalik...ang nararapat na ibalik, Isa ang susi at isa ang dapat mamatay...matatapos ang lahat"

A-anong-

Anong ibigsabihin nito?

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon