"Sa isang malayong lugar, kasalungat nitong magical land, doon nakatira ang isang makapangyarihang babaeng napiling tagapag ligtas" kwento ni ina habang ako ay nakahiga
"Tagapag ligtas po?" tanong ko
"The chosen one ika nga nila, nasa kanya ang basbas ng lahat ng hari at reyna. Upang protektahan ang mundo ng mga mortal"
"Mortal?"
"Ito ang mga taong naninirahan sa kabilang mundo, walang kapangyarihan o kahit na anong mahika. Isang araw, Ang babaeng tagapagligtas ay nahulog ang loob sa isang mortal, Nakipagtalik ito sa kanya at kinausap ang lahat ng hari at reyna upang basbasan ang kanilang pagsasama"
Inayos ni ina ang aking kumot at malungkot akong tinignan
"Ngunit binalaan lang sila ng reynang pinakaginagalang sa lahat"
"Ano po ang sabi?"
"Ang mga katulad nating nagtataglay ng kapangyarihan ay hindi dapat magmahal ng mortal, Isang sumpa ito galing pa sa isang napakasamang mahekero na walang sinuman ang makakatibag"
"Hala, ano po ang nangyare sa tapagligtas?"
Hindi ko napansin pero kita ko ang lihim niyang pagpunas ng luha
"Nagtanan sila at pinili niya ang pag ibig, hindi kalaunan ay namatay ang tagapagligtas sa kadahilanang linabag nito ang batas ng mga may kapangyarihan, ngunit bago siya namatay ay mayroon siyang isinumpang bagay gamit ang kanyang puting mahika at kapangyarihan"
BINABASA MO ANG
The Chosen One [COMPLETED]
FantasyWhat is love when you have a complicated life? Who am I? [Work of fiction] (COMPLETED✔) 🥇Ranked #1 in 'GEMSTONE' (11-10-20)(07/11/22)(01/21/22) 🥇Ranked #1in 'RAID' (12-10-20)(06/09/22)(06/19/22)(07/28/22) 🥈Ranked #2 in 'MAGICALCREATURES' (01/21...