PHOEBE'S POV
Gising na gising na ang diwa ko ngunit ayoko pang imulat ang mata ko, nakakarinig ako ng iyakan, ilang sandali pay, may naramdaman akong kapangyarihan, Hindi ko ito matukoy kung masama ba o mabuti
"H-hindi bat ikaw ang sinasabing mahekera sa ating bayan?" tanong ng kung sino
"Ako nga, may nararamdaman akong napakalakas sa kapangyarihan dito" sabi ng kung sinong kakarating lang
"Help us, sabi nila that girl is possessed" sabi ni Clint
Bigla ay napabangon ako, lahat sila ay umatras na parang takot na takot sakin, may ginawa ba ako?
"I-ikaw?" gulat na tanong nitong babae
"Sino ka? anong kailangan mo? bakit ka nandito?" dere-deretsong tanong ko
"Kung gayon, ikaw ang nararamdaman ko"
Kumunot lang ang noo ko, tumingin ako Kay Alexis "Alexis ano ang nangyare?" tanong ko pero umiyak lang ito
May ginawa ba ako?
"Hindi ispirito ang nasa loob mo" biglang sabi ng sinasabi nilang mahekera
Napasinghap naman silang lahat "Anong ibig mong sabihin?"
"Isang napakalakas na-"
"Maaari ka nang umalis" pigil ko sa sasabihin niya
"Na ano?" sigaw ng kung sino
"Pakiusap umalis kana" seryosong sabi ko
Bago siya umalis ay may binigay siya sakin "Ikaw! Ikaw ang susi, sana magtagumpay ka" sabi niya at bigla nalang siyang nawala
Nagulat naman ang lahat, lalo na ang apat na lalaki, at bigla nalang silang nagkagulo, habang samot saring sigaw at sinasabing may multo daw ang bahay na ito
Maski ang apat na lalaki ay hindi magkanda ugaga sa pagtawag ng kung sino
Tinignan ko ang ibinigay niya at isa itong necklace na gawa sa green crystal. Ano naman ang gamit nito?
Nagkibit balikat nalang ako at tinago ito, Hindi ko na pinansin ang nagkakagulong mga tao at nagpunta sa maids quarter kung saan kami natutulog ni Alexis at natulog na.
KINABUKASAN ay may nararamdaman akong maraming presensya ng tao sa may sala. Bumangon ako at nag ayos ng sarili bago lumabas
Pagkarating sa sala ay halos andun silang lahat, mula sa body guards, butler, security guards, gardeners, mga katulong, ang apat na lalaki, at may apat pang matatanda, na ang pagkakaalam ko sa isa ay pari.
"Anong nangyayari?" tanong ko
"S-siya po! S-iya yung sinaniban kahapon" takot na sabi ni Alexis
Sinaniban? ako? ano ba kasing nangyare?
"Ano ang ginawa niya?" tanong nung pari
"N-nakayuko po kasi siya habang nakaluhod sa sahig, pero nung tumingala siya ay purong puti ang kanyang mata, at kitang kita ang mga ugat sa kanyang leeg papunta sa pisnge na kulay itim" umiiyak na sabi pa ni Alexis
Agad naman akong napahampas sa noo ko, karaniwang nangyayari samin pag may nakikitang pangitain mula sa mga kalaban
"Hindi ako sinasaniban" kako at naglakad palapit pero agad na kinuha ng pari ang kanyang krus at holy water
Ang isa naman ay naglabas ng maliit na botilya at mga ibat ibang kulay na sinulid
Ang isa naman ay naglabas ng plangganang may tubig at kandila
ang isa naman ay naglabas ng lighter, karayom at isang doll na pinag tagpi tagpi
Ano ba ang mga ito? pari, ispiritista, albularyo at mangkukulam? what the hell!?
"Diyan ka lang!" sigaw nilang apat
Napairap naman ako, may mas importanteng bagay pa akong aasikasuhin kesa sa inyo.
Maglalakad sana ulit ako pero sumakit ulit ang ulo ko.
"Arghhh!" sigaw ko at napaluhod
"Ayan na naman!" rinig Kong sigaw ng kung sino
"Arggghhh!!!!" sigaw ko at bigla nalang akong napatingala
Kita ko ulit ang grupo ng mga nakaitim katulad kahapon, nagtitipon ulit sila sa isang hotel room. Galit na galit ang mukhang kanilang pinuno. Bigla ay nagpakawala siya ng itim na mahika at sinakal ang isa sa kanyang tagapag sunod. Pinigilan naman ito ng kanyang anak, ngunit tumalsik lang ang kanyang anak, kayat walang nagbalak na pigilan siya
Sa huli ay bigla itong sumigaw ngayon ay rinig ko ang kanyang sigaw "HANAPIN ANG TAGAPAGLIGTAS!!"
And with that nawalan ulit ako ng Malay.
Nakita ko ang isang pamilyang nasa tapat ng walang hanggang lawa. Masayang nakukwentuhan at naghahabulan, mayroong hawak na dalawang bata ang ama at ina. Batid Kong in identical twins ang mga ito.
"How's our baby Phemie? are you hungry? is my baby hungry?" Tanong ng kanyang ina sa kanyang anak
Habang ang tatay naman ay masayang pinagmamasdan ang kanyang mag ina habang hawak ang isang baby.
Napakasaya nila tignan, ngunit sino ang mga ito? bat ako andito? parte ba ito ng misyon ko?
Bigla akong napahinga ng napakalalim dahil feeling ko Hindi ako huminga ng ilang oras.
Pagmulat ko ay nakita ko ang paring may kung ano anong sinasabi at binabasbasan ako ng holy water
"Nagsasayang ka lang ng holy water father" Sabi ko at lahat sila ay napaatras "Sinabi ko na Hindi ako sinasaniban"
"Lumayas ka masamang espirito sa katawan ng babaeng ito!" sigaw ng pari
Parang baliw!
"Kung hindi ka sinasaniban? bakit ka lumutang kanina!?" sigaw nung mangkukulam
Bat ba may mangkukulam dito? ano maitutulong niyan? huminga ako ng malalim at tumingin sa labas, gabi na pala
Sino kaya yung pamilyang yon? pumikit nalang ako saglit, dahil sa kung ano anong sinasabi ng paring to. Kahit naman paliguan niyo ako ng holy water eh
Dahil sa kapilyahang nasa isip ko ay binasag ko ang flower vase sa likod nilang lahat, ginamit ko ang kapangyarihan ng hangin at pinahangin ng malakas dito sa loob ng bahay, tipong nagswing pati yung chandelier. Agad naman silang nagyakapan
Natawa naman ako at tinalikuran na sila. Bahala kayo diyan mga baliw.
BINABASA MO ANG
The Chosen One [COMPLETED]
FantasyWhat is love when you have a complicated life? Who am I? [Work of fiction] (COMPLETED✔) 🥇Ranked #1 in 'GEMSTONE' (11-10-20)(07/11/22)(01/21/22) 🥇Ranked #1in 'RAID' (12-10-20)(06/09/22)(06/19/22)(07/28/22) 🥈Ranked #2 in 'MAGICALCREATURES' (01/21...