Unspoken 47

13 2 0
                                    



Akala ko tayo talaga hanggang dulo
Akala ko makakamit na natin ang mga pangako;
Mga pangakong kay tamis sa simula,
Ngunit nauwi lang pala sa wala

Akala ko ako lang ang babae sa iyong buhay
Akala ko ako lang hanggang sa tayo'y mamatay
Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin
At ika'y tinangay, napunta sa iba at nangako ka na siya'y iibigin

Akala ko magiging maayos lang tayo
Akala ko kakayanin natin kahit gaano man tayo kalayo
Ngunit akala ko lang pala ang lahat
Hindi yata ako naging sapat

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon