Unspoken 51

9 2 0
                                    


Hindi naging madali, ang bawat araw ay tila mapait
Nahihirapan pa rin, at hanggang ngayo'y nagtataka
Kung saan ako nagkulang
At hinanap sa iba ang pangangailangan

Ang sabi nila'y tama na, dahil
masyado na akong nagdurusa
Ngunit hindi ko kayang makinig dahil
kahit anong pilit, pag-ibig pa rin ang mananaig

Naisip kong baka nga tama sila,
Na ako'y sumusobra na at wala na ngang pag-asa
Ibabaon na lamang sa limot di bale nang maraming pasikot-sikot
At itatatak sa isipan, na ito'y isang magandang alaala na lamang

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon