Entry#1

119 3 0
                                    

Entry #1 - Si Bestfriend

Sa unang araw na naging tayo, todo kayod ang ginawa mo. Effort dito, effort doon. Mga rosas, tsokolate at iba pang mga kagamitan ay binigay mo, kahit minsan di ko gusto, dahil alam mo sa sarili mo na kuntento na ako sa kung ano mang meron tayo.

Sa sumunod na araw ay napakasaya natin. Sama-sama natin si Anna sa lahat ng dates natin. May mga pagkakataong tayo lang at sobra sobra akong nagaganahan. Palagi tayong namamasyal at kumakain sa iba't-ibang restaurant. Wala na nga akong ibang mahihiling pa, dahil ikaw saki'y okay na.

Masasabi kong napaka swerte ko dahil inaalagaan mo ako parati. Sa tuwing ako'y nilalagnat nandiyan kayo ni Anna sa aking tabi. Minsan nama'y nagtataka ako dahil nandiyan siya parati sa eksena. Mapa-date, gala at lahat lahat na.

Hanggang sa dumating ang araw ng ating monthsary, sobrang paghahanda ang ginawa ko sa tapat ng aming bahay. Nasabi mo kasi sa akin noon na gusto mong ma-try ang mga niluto ko. Sobrang saya ko din dahil tumagal ng isang buwan ang ating relasyon. Playboy ka kasi noon, at masaya ako na nabago ko na ang ugali mong ganoon.

Nakatingin ako sa harap ng salamin at sinabi ko sa aking sarili na magugustuhan mo ang mga hinanda ko.

Isang oras...

Dalawa...

Tatlo...

Tatlong oras na akong naghihintay ngunit wala ka pa rin. Tumayo na ako nang marinig ko ang busina ng iyong kotse. Tumingin ako sa bintana ngunit halos madurog ako sa aking mga nakita.

Magkasama kayo ni Anna, magkahawak ng kamay at makikita ang saya sa inyong mga labi. Akmang hahalikan mo na siya ngunit nakita ako ni Anna, na bestfriend ko.

Namutla kayong dalawa at dali-daling umalis si Anna at pumasok ka ng bahay ko.

Maraming tanong ang sumagi sa kaing isipan. Ano ba si Anna sa buhay mo? Ako? Paano ako? Kaya ba palaging nandiyan ang bestfriend ko sa bawat gala at date dahil pinagsasabay mo kaming dalawa? Pumasok ka aking kwarto at sinusubukan mong magpaliwanag.

Hindi ako nakinig at sinampal kita. Sandamakmak na katanungan ang para sa aki'y nasagot na.

Ginamit mo ako dahil gusto mong mapalapit kay Anna, na bestfriend ko. At napagtanto kong kayo pala ni Anna, na bestfriend ko. Dahil ang totoo, si Anna, na bestfriend ko, ang totoong mahal mo, at hindi ako.

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon