Entry#2

106 3 2
                                    


Entry #2 - Maling akala

Siya si Gino.

Gwapo, chinito, at matalino.

Every girls' dream.

Ako? Syempre. Isa ako sa mga babaeng yon.

Grade 7 pa lang crush ko na si Gino. Dahil sa matalino't gwapo siya, mabait din siya.

Nasa Grade 12 na ako ngayon at kaunting panahon na lang ga-graduate na ako. Pauwi ako ng bahay ng makita ko siya.

Si Gino, may dala-dalang bulaklak at tila may hinihintay. Kumabog ang aking puso at hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Nag-ayos ako ng aking sarili at muling tiningnan si Gino na ngayo'y nakatingin sa akin at ngiting ngiti.

"Hi!"

Ngumiti ako ng napakalaki at binati din siya.

"Hello Gino! Para kanino yan?"

Ngumiti din siya sa akin at tumingin sa hawak hawak niyang rosas.

"Ah, nandiyan ba ang ate mo? Pasuyo naman oh. Pakibigay sa kaniya, gusto ko kasi ang ate mo Tessa eh."

Biglang tumigil ang tibok ng puso ko.

"Okay ka lang Tes? Nahihiya kasi ako sa ate mo."

Umusbong ang inggit at galit.

Ano ba talagang meron kay ate na wala sa akin?

Tiningnan ko siya at ngumiti ng pilit.

"S-sige Gino, akin na, bigay ko kay ate."

"Salamat Tes ah. Hulog ka ng langit!"

Umasa na naman ako. Akala ko okay na. Akala ko ako na. Hindi pala. Akala ko lang pala.

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon