Unspoken40

60 4 0
                                    

Tama bang magpakasaya ka kahit alam mong may nasasaktan ka na?

Kinokonsidera mong nalimutan mo na pero hindi pa pala

Pinipilit mo sa kutote mong makitid na okay na at nakahanap ka na ng iba

Pero lahat ng iyon ay akala mo lang pala


Akala mo na hindi na siya

Akala mo kaya mo ng maghanap ng iba

Ngunit sadyang tanga ka at pinakawalan mo siya

Ngayong siya'y malaya na't nakahanap na ng iba saka ka naman umeksena


Ngunit pinangako mo sa iyong sarili na lahat ay iyong gagawin upang siya'y muling maangkin

Kahit masaktan pa't lahat ito'y iyong hahamakin dahil ito ang isinisigaw ng iyong damdamin

masakit man isipin ngunit ito'y kailangang tanggapin

Pilit itong aabutin makuha lang ang nais marating

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon