TO MY NANAY-NANAYAN💟

86 6 3
                                    

  Ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo 

Dahil nakilala ko ang isang tulad mo 

Hindi maipagkakailang magiging ganito 

Dahil mayroon kang sariling grupo


 Sino ba naman ako para makisosyo

Minsa'y di naman ako makarelate sa usapan niyo 

Kaya minsan ay ako'y lumalayo

 Dahil ayokong makinig sa usapan na wala naman akong alam 


 Nagsimula ang lahat sa banggaan namin ni crush 

Doon nagsimula ang iba't-ibang clash

 Na akala ko'y nasa isang teleserye

 Ngunit ang iba nama'y sadyang pabebe 

Sinong mag-aakalang tayo'y magkakalapit? 

Sa sitwasyon ko ngayong sobrang pait 

Ngunit dahil ika'y sadyang mabait

 Pinulot mo ako at ako'y kumapit


 Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana

 Binigyan ako ng tsansang hindi ko inakala 

Laking pasasalamat kay Bathala

 At ika'y sa'kin ibinahala  

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon