Unspoken43

49 2 0
                                    

Isang araw ay ikaw ay napadalaw

Sa labas ng bahay panay ang iyong pagdungaw

Tila wala kang pakialam sa nangyayari at di man lang ininda ang mga langaw

Ako'y iyong natanaw at ngiti mo'y magkamayaw


Ikaw ay aking nilapitan

At ako'y iyong kinamayan

Pagkakahawak ko'y aking hinigpitan

Ngunit tinanggal mo ng sapilitan


Hawak mo'y oras sa iyong kanang kamay

Hangin ay lumakas buhok mo'y sumasabay

Mga bulaklak ay iyong ibinigay

Sa kapatid kong kalalabas lang ng bahay


#reality

A Thousand WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon