Prologue

6.4K 76 6
                                    

Lynn's POV

Alas Kwatro na ng hapon at narito ako sa aking silid at nakatingin sa gate ng aming bahay mula sa bintana at umaasang uuwi ngayon ang aking asawa. Alas dos ang uwi niya ng tinanong ko ang kanyang secretary ng makapunta ako sa building ng companya niya ng isang beses. Pero wala pa din siya hanggang ngayon.

Isang taon na kaming kasal. Nag pakasal kami dahil sa kanyang ama. Gusto ng kanyang ama na si Maximo lefevre na pakasalan ko siya. Si Theodore Lucas Lefevre ang aking mahal na asawa.

Dahil ako ang nag ligtas sa ama niya ng mahimatay ito sa gilid ng isang restaurant. Ako ang nag dala dito sa hospital. Nang dahil sa ginawa ko ay binigyan niya ako ng magandang trabaho at dahil don ay nakapag ipon ako ng pera sa banko hindi ko pa din nagagamit ang pera ko doon. Sobra akong nag papasalamat sa kanya. Kaya tinanong ko siya kung ano ang pwede ko pang gawin para masuklian ang kabaitan niya at yun nga ay ang pag papakasal sa kanyang panganay na anak. Pumayag naman ako dahil sa totoo lang matagal ko na siyang nakikita sa mga Business Magazine at di ko maiwasang humanga sa kanya.

Masaya kami noong una sobrang malapit na kami sa isa't isa at napamahal na ako sa kanya pero sa isang iglap lang nag bago ang lahat. At dahil iyon Kay Graciella Marie Colin ang kanyang first love.

Nang mag kita silang muli ay hindi na ako pinagtuunan ng pansin ni lucas.

Araw araw silang magkasama ni Graciella at kumakain sa labas.

Pero isang bagay ang nag padurog sa puso ko.

Nang makita mismo ng dalawang mata ko na nag propose siya kay graciella sa harap mismo ng eiffel tower dito sa paris kahit alam niyang kasal kami.

Gusto ko siyang lapitan at sampalin pero hindi ko nagawa dahil alam kong isusumbat niya sa akin na hindi niya naman ako mahal. Nung mga panahong masaya pa kami ay wala siyang sinabi na mahal niya ko. Ako lang naman ang nag assume dahil sa mga kilos niya.

Sobra akong nasaktan pero nanatili pa din ako sa kanya dahil nga mahal ko siya. Nag hintay ako sa kanya buong magdamag para sana maka hingi ng explenasyon pero wala hindi siya umuwi, umalis sila ni graciella.

Iniwan niya ako, iniwan niya akong mag isa at sumama siya sa babaeng tunay niyang mahal...

Parehas kaming Green ang mata.

Pero ang kanya ay Sea Green ang akin naman ay Jade. Ang asawa ko ay may tatlong lahi kagaya ko. Siya ay Half Filipino dahil sa kanyang ina na isang pinay at 1/4 German 1/4 French naman dahil sa kanyang ama.

Ako ay Half Filipino, 1/4 Epañyol at 1/4 French.

Humiga na lamang ako sa aking kama at matutulog na sana ng biglang may tumawag sa aking cellphone  nakita kong unknown number iyon.

Sinagot ko ito "Hello? Sino to?" Tanong ko rito "Hermana" (Sister) Nang marinig ko ang boses na iyon ay agad ako kinabahan "Anong kailangan mo?!" Natatakot kong sagot "Babalik ka na dito,Sa ayaw at sa gusto mo alam ko na kung nasaan ka." Sabi nito at agad na binaba ang tawag.

Kinakabahan at pinagpapawisan na ako ng sobra. Alam na niya kung nasan ako!

-----------------

MarjimPark1513

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon