CHAPTER 7

3.7K 106 73
                                    

Lynn's POV

Nagising ako sa tunog ng aking phone. Kinuha ko ito agad sa pag aakalang si lucas na ito. Pero ng makita ko ito ay isang Unknown number ang tumatawag.

Sinagot ko na lamang ito. "Hello? Sino po sila?" Tanong ko dito medyo husky pa ang boses ko dahil kagigising ko lamang "Lynn? Sorry nagising ata kita ako to si luke" sagot niya napabangon naman ako kaagad.

"May kailangan ka ba luke?" Tanong ko sa kanya habang nag susuklay. Niloud speaker ko na lamang ito. "Ah natatandaan mo ba yung bayad mo? Haha ang pakikipag date sa akin?" Sagot niya sigurado akong nakangiti to habang nag sasalita.

"Ay! Oo nga pala! Anong oras ba?" Nakangiting tanong ko kahit hindi niya nakikita. "9:30 am sana kung pwede ka ng ganong oras" sagot niya naman "Sure!" Masiglang sabi ko. "Sunduin na lang kita diyan sa Condo mo" sabi niya naman kaya agad na akong sumang ayon bago ko binaba ang tawag.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko nag babakasakali na merong text o tawag si lucas pero wala kahit na isa. Nalungkot naman ako dahil don.Sobrang busy niya siguro. Lumabas na ako ng kwarto ko tsaka nag luto ng breakfast. Habang nag luluto ako ng breakfast ay naramdaman ko nanamang may nakatingin sa akin mula sa bintana. Sa harap kase ng bintana ang stove.

Sumilip ako sa bintana pero ang nakita ko lang ay ang PSY Condominium na katabi ng Zouth Condominium. Tatlong metro lang ata ang layo ng PSY condo. Sa Zouth condo kaya makikita mo dito ang mga bintana ng mga unit sa psy condo.

Nakita kong bumukas ang bintana ng isa sa mga unit ng psy condo. Sumilip doon ang isang lalaki hindi ko siya mamukhaan dahil natatakpan ng buhok niya ang mukha niya. Napatingin siya saakin. Nagulat ako at siya kaya agad niyang sinarado ang bintana. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinuloy na ang pag luluto.

Nang matapos akong magluto ay agad na akong kumain 7 am pa lang naman pwede pa akong mag linis ng condo kahit saglit. Nang matapos akong kumain ay agad ko ng hinugasan ang pinag kainan ko. Nang mahugasan ko na ito ay kinuha ko ang bluetooth speaker ko sa aking kwarto at tsaka ito kinonek sa phone ko.

Tumugtog naman ang 'Dear Future Husband' ni Meghan Trainor nag simula akong mag walis sa kwarto, sala at pang huli ay sa kusina. Kinuha ko naman ang mop at nag mop na din kung saan ako nag walis kanina. Nilinisan ko na din ang CR pag katapos ay pinunasan ko ang mga cabinet at mga picture frame.

Chineck ko ang oras at 8:15 am na nagpahinga muna ako saglit bago maligo at magbihis. Naka suot ako ng Navy Blue and White na Long western Dress at kapares nito ang black stiletto ko. Isang may kalakihang white shoulder bag ang dala ko. Nag apply lang ako ng light make up at cinurl ang ibabang bahagi ng buhok ko. Suot ko din ang pinaka paborito kong kwintas. White gold ito at ang pendant ay crescent moon at maliit na star.

Tinignan ko ang orasan at 9:25 am na kaya agad na akong lumabas at sinarado ang unit ko bago sumakay ng elevator. Nang bumukas ang elevator ay agad na akong lumabas. Pumunta ako sa may entrance at nakita doon si luke na nakasandal sa kanyang Dark Blue na BMW M4.

Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti kaya ngumiti din ako habang naglalakad papalapit sa kanya. "Kanina ka pa ba?" Nahihiyang tanong ko sa kanya "Ah no kakadating ko lang din itetext sana kita pero nakita na kitang lumabas" sagot niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at ng makapasok na ako ay siya naman ang pumasok sa driver seat. Sinuot muna namin ang seat belt bago niya pinaandar ang sasakyan.

Habang nag dadrive siya ay tinanong ko siya "Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko. "Amusement Park tsaka sa may Eiffel tower" sagot niya kaya napangiti ako dahil gustong gusto ko ang Eiffel tower kahit na may hindi ako magandang alaala doon.

Halos isang oras din ang layo ng amusement park sa condo na tinitirhan ko. Pinark niya muna ang sasakyan sa parking lot at tsaka kami pumunta sa may entrance at bumili ng ticket. Ride all you can ang binili namin kaya siguradong masayo to!!.

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon