CHAPTER 8

2.3K 67 35
                                    

Lynn's POV

Nagising ako dahil may kung sinong yumuyugyog sa katawan ko. "Lynn! Gumising ka na at kumain!" Sigaw ni kuya agad naman akong bumangon.

"Aga aga ingay mo!" Sigaw ko sa kanya at pumasok na ng banyo para mag hilamos. "Kuya!! Gagamitin ko yung toothbrush na nasa karton ha!" Sigaw ko kay kuya. "Sige lang!" Rinig ko namang sigaw niya mula sa labas ng pintuan. Paniguradong inaayos niya ang kama.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay lumabas na ako ng banyo. Tinignan ko naman ang cellphone ko na nasa bed side table, chineck ko kung may text o tawag si lucas pero wala kahit na isa, kaya tinext ko siya.

To:Hubby

Are you okay? Bakit hindi ka po nag rereply o tumatawag? Akala ko ba lagi mo kong iuupdate? Pang third day mo na po dyan ah? Uuwi ka na po ba? Mag reply ka naman po o tumawag!

Yan ang text ko, hayss sana naman mag reply na siya. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa mini kitchen ng unit ni kuya. Nakita ko naman siyang nag titimpla ng dalawang Milk chocolate. paborito namin itong inumin simula pag kabata.

"Maupo ka na dyan tatapusin ko lang tong pag titimpla" sabi niya nakapagluto na siya ng breakfast namin. Egg roll, Fried rice,Bacon,Sausage and Spanish Garlic Soup my favorite. Si kuya natuto siyang magluto dahil kay mom nung buhay pa ito. At ang pinaka paborito kong natutunan ni kuya na lutuin ay ang Spanish Garlic Soup.

Nilapag na ni kuya ang dalawang baso at umupo sa kaharap kong upuan. Nag umpisa na kaming kumain ng tahimik.

Nang matapos kami kumain ay ako na ang nag prisinta na mag hugas ng pinag kainan namin. si kuya naman ay naligo na. 

Nang matapos akong mag hugas ay umupo na muna ako sa sofa sa may sala ng unit ni kuya at nanood ng tv. maya maya ay lumabas na si kuya ng kwarto niya.

"Sumama ka sa akin sa office" sabi nito habang inaayos ang neck tie niya "baka may makakita sa akin doon" sabi ko naman. "sa private elevator tayo sa likod dadaan" sagot nito tumango na lamang ako at pumasok na sa kwarto para maligo.

After 20 minutes....

Natapos na akong maligo at nag bihis na by the way pinabili pala ni kuya ang tauhan niya ng mga gamit ko nag tataka nga ako kase ang dami.

ang suot ko ay blazer at skirt na beige ang kulay at green na top na pinartneran ko ng Beige Summer Lace High Heels Stiletto Heels Pumps nag dala din ako ng 
Louis viutton Chain Black Shoulder bag.

Alam na alam talaga ni kuya ang mga gusto ko.

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan si kuya na nasa sala at may kausap sa phone.

"Siguraduhin niyong walang tao sa likod. Papunta na kami dyan" sabi ni kuya sa kausap niya at binaba na ang tawag. Tumingin siya sa akin at niyaya na akong lumabas.

 

Pumasok na kami sa elevator at pinindot na ni kuya ang button papunta sa parking lot. Maya maya ay tumunog na ang elevator hudyat na nandito na kami sa parking lot.

Unang lumabas si kuya sumunod naman ako sa kanya. Lumapit kami sa ferrari niya. Pinag buksan niya ako ng pinto bago pumasok sa driver seat at tsaka nag drive.

Buong biyahe namin ay tahimik lang kaming dalawa. Tinitignan ko din ang cellphone ko kung may text ba si lucas. Pero bigo ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin. Sinusubukan ko ding tawagan ang phone niya kaso cannot be reach. Nag aalala na nga ako baka may nangyari na sa kanya. Sana naman wala

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon