CHAPTER 2

2.7K 86 3
                                    

Lynn's POV

Nagising ako dahil may kung anong bagay ang sumisiksik sa leeg ko.

Pag mulat ng mata ko ay nakita ko si lucas na nakayakap sakin at isinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti kaya agad akong napabangon.

Tinignan ko ang bintana gabi pa pala. Napahiga ako ulit ng bigla akong niyakap ni lucas. "Hmm! Dito ka lang" parang batang sabi niya. Naamoy ko ang bibig niya at mukhang lasing siya. "Bakit nandito ka lucas? Lasing kana sana dun ka na lang natulog sa mansyon niyo" Tanong ko sa kanya pero dahil nga lasing siya ay hindi siya sumagot at niyakap ako lalo.

"Ang bango naman ng ella ko" sabi niya at isiniksik pa lalo ang mukha niya sa leeg ko. Napaluha ako dahil ako ang kasama niya pero si graciella ang nasa isip niya.

Tumayo na ko at inalalayan siya patungo sa kwarto niya. Nang mailapag ko na siya sa kama niya  ay kumuha ako ng timba na may maligamgam na tubig at towel.

Hinubad ko muna ang sapatos niya at sumunod ay ang kanyang three piece suit. Kabang kaba at pinagpapawisan ako habang pinupunasan ko ang kanyang katawan.

Nang matapos ko siyang punasan ay kumuha ako ng Pajama at isang plain white tshirt sa kanyang walk in closet. Isinuot ko na ito sa kanya at inayos ang kanyang pag kakahiga.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at itinabi sa gilid niya "Dito ka lang ella ko,Tabi tayo" sabi niya hindi ko maiwasang di mapaluha dahil ako ang nasa tabi niya pero si Graciella pa din ang nasa isip niya.

Nang mapansin kong tulog na siya ay dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko gumalaw siya ng kaunti kaya medyo kinabahan ako. Tinignan ko siya ulit pero masarap na ulit ang tulog niya kaya bumangon na ako sa kama niya at dahan dahang lumabas ng kwarto niya sinirado ko na ito at nag tungo sa aking kwarto.

Pag pasok ko sa aking kwarto ay napahiga ako sa aking kama.

Palagi na lang si graciella kailan ba dadating yung araw na ako naman? Yung ako lang? Napailing na lamang ako. Kahit ano namang gawin ko, kahit anong effort ko binabalewa niya pa din. Pero pag kay graciella hindi siya tumatanggi. Sabagay ano nga bang laban ko dun? First love niya yon, eh ako asawa niya lang sa papel. Gusto ko siyang tanungin kung bakit hindi na lang ako? Pero alam kong mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko dahil alam ko naman ang isasagot niya. Sa tuwing iniisip ko ang tungkol don ay napapaiyak ako. Napapaiyak ako dahil wala akong magawa, dahil nga sekreto lang ang kasal namin .

Nag ring ang cellphone ko at sa tingin ko SIYA nanaman ang tumatawag nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay sinagot ko ito.

"Ano nanaman bang kailangan mo?!" Takot at galit kong sagot dito "Ganyan ba ang tamang pag sagot ng tawag?" Sagot naman niya "Pumunta ka dito sa park malapit sa subdivision niyo ngayon na!" Dag dag niya "AYOKO! hindi ako pupunta jan!" Sigaw ko dito "Pag hindi ka pumunta dito ngayon ay kukunin kita dyan sa ayaw at sa gusto mo" sagot naman nito "Ha! Hindi! Hindi ako pupunta dyan!" Sigaw na sagot ko dito "Gusto mo bang may mang yaring masama sa asawa mo?" Sagot niya kaya bigla akong natakot at kinabahan kilala ko siya hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. At isa pa alam na niyang may asawa ako.

"Wag mong gagawan ng masama ang asawa ko!" Galit na sigaw ko dito "Asawa mong hindi ka mahal?" Natigilan ako sa sinabi niya "Oh hindi ka na yata nakasagot?,Pumunta ka na dito hindi kita kukunin kakausapin lang kita" sabi niya kaya pumayag na ko kilala ko siya gagawin niya kung ano ang sinabi niya.

Nag palit lang ako ng maong short at navy blue loose shirt at tinali ang buhok ko. Bumaba na ako at sinilip kong may tao ba o wala ,ng masiguro kong walang tao ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at naglakad na pa palabas ng gate.

Nang makalabas ako ay nag lakad na ako papuntang park. Nakita ko naman SIYA na nakaupo sa bench. Lumapit ako sa kanya "Ano bang kailangan mo ha?!" Pagalit na sigaw ko dito "Easy,Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Kahit yakap man lang?" Sagot niya "wala akong oras para sa mga kalokohan mo!, Ano ba kaseng gusto mo?!" Sigaw ko ulit sa kanya "Pwede ba? Wag ka ngang sumigaw! Mag kalapit lang tayo! At anong gusto ko? Ang bumalik ka!" Sagot niya naman "Sinabi ko na sayo! Hindi na ako babalik!"sagot ko naman sa kanya.

"Okay! Pero sa isang kundisyon, makikipag kita ka sakin tuwing hating gabi! At pag hindi mo ginawa ang gusto ko alam mo na ang mang yayari sa asawa mo! Kailangan kita kailangan mong patakbuhin ang kumpanyang iniwan mo!" Sagot niya

"Patakbuhin? Ha! Akala mo hindi ko makukuha ang sinabi mo no? Papatakbuhin ko ang kumpanya? Para ano? Para Bumalik na ako?! Hindi ako papayag at hindi na ako babalik! Sayo na ang kumpanya!" Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi mo don papatakbuhin ang kumpanya! Dito!" Sagot niya naman pabalik.

"Para ano?! Para malaman nilang nandito ako? At kunin ako dito?! Baka naman sinabi mong nandito ako?!" Sagot ko naman dito Halo halo na ang emosyon ko. Galit,Lungkot at Kaba.

"Hindi ko ipapaalam sa kanila kung susundin mo ang gusto ko! At oo ikaw ang mag papatakbo! Pero ang sasabihin ko ay ako ang nag papatakbo nito!" Sagot niya naman pabalik.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?!" Nakangising sagot ko dito.

"Please Felicity, pagkatiwalaan mo naman ako kahit ngayon lang!" Nag mamakaawang sagot nito at tsaka ako niyakap ng mahigpit sakto lang para makahinga ako "alam mo kung gano ka importante sakin ang kumpanya, Por Favor Hermana?"
Nag mamakaawa na talagang sagot nito.

Hindi ko siya matiis kaya pumayag ako at ngayon nga ay papunta kami sa tinitirahan niya sakay ng kanyang ferrari medyo may kalayuan ito sa sub division na tinitirhan namin ni lucas.

Makalipas ang limang minuto ay nandito kami sa isang condominuim. Pumasok na kami at sumakay sa elevator nakita ko naman pinindot niya ang 5th floor. Tumunog na ang elevator hudyat na nandito na kami sa 5th floor.

Pumasok kami sa unit 324. Pag pasok namin ay namangha ako dahil sa linis at ganda ng unit niya. "May gusto ka bang kainin?inumin?" Tanong niya kaya napabaling ang tingin ko sa kanya "Tubig na lang" sabi ko dahil kanina pa ako nauuhaw. Binuksan niya ang ref at nag salin ng tubig sa baso.

Nag simula siyang mag discuss tungkol sa naging kalagayan ng kumpanya sa lumipas na apat na taon. Grabe ang nang yari dito nalugi ng husto ang kumpanya. Sinabi niya na maraming empleyado ang nag sialisan meron namang nanatili dahil naniniwala daw ang mga ito na babangon muli ang kumpanya at ang tanging paraan lang doon ay ang pag balik ko.

Nag usap pa kami ng mga bagay bagay na tungkol sa kumpanya at kung paano namin ito ibabangon muli at kung may idadagdag pa dito.

Ang bilis ng oras at ngayon nga ay ala una na ng madaling araw. Nakasakay na ulit kami sa ferrari niya dahil ihahatid na niya ako sa bahay namin ni lucas. Makalipas ang sampong minuto ay nandito na kami sa harap ng gate.

"Salamat sa pag payag mag iingat ka, wag kang mag alala hindi ko sasabihin sa kanila na nakita na kita" pasalamat niya habang nakangiti nginitian ko na lamang siya pabalik at pumasok na. Narinig ko naman na umalis na siya dahil sa tunog ng kanyang sasakyan.

Pumasok na ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko.

Pag bukas ko ay nagulat ako dahil nakita ko si lucas na naka upo sa kama at masama ang tingin sa akin.

"San ka galing? Sino ang kasama mo?" Galit na tanong niya kaya naman napalunok ako.

"A-ahm k-kaibigan ko y-yun n-nagpatulong lang s-siya" kinakabahang sagot ko

"Tsk, Halika nga dito!" Utos niya kaya agad akong lumapit sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Matulog na tayo" sabi niya at pumikit na. Napangiti na lamang ako habang kinikilig. Ano kayang nakain nito? Haha.

----------------------
Short UD!

May idea na ba kayo kung sino yung kasama ni lynn?

Please Don't forget to Vote and Comment! Love love!

-Maye

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon