CHAPTER 9

2.3K 84 77
                                    

Lynn's POV

Bago pa man tumama ang truck sa sasakyan namin ay naiiwas na ito agad ni kuya. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa nerbyos.

"M-muntik na tayo dun!" Nanginginig na sabi ni ate vera. Hinawakan naman ni kuya ang kamay nito. "Hindi ko hahayang may mangyaring masama sa atin, wag kayong mag alala okay?" Sabi naman ni kuya.

"Ayos ka lang ba dyan lynn?" Nag aalalang tanong ni kuya. "O-okay lang ako kuya!" Nauutal na sagot ko dahil ninenerbyos pa din ako. Tumingin ako sa likod ng kotse. Wala na roon ang sasakyan ni gael kaya nahinga ako ng maluwag.

"Lynn, kapag sa condo pa tayo pupunta mahahanap ka pa rin niya, mabuti pa at doon ka muna sa private island ko tumira sasamahan ka namin doon ni vera atleast doon mapoprotektahan kita." Sabi ni kuya. Tumango na lang ako dahil tama naman siya mahahanap at mahahanap pa rin ako ni gael sa dami ba naman ng connections niya.

May tinawagan si ate vera pinapahanda na niya ang chopper na sasakyan namin papunta sa private island ni kuya.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa condo ni kuya. Binigay niya ang susi ng sasakyan sa guard para ipark nito ang sasakyan at pumasok na kami sa entrance. May sumalubong sa amin na lalaki at sinabing handa na ang chopper.

Pumasok na kami sa elevator, pinindot na ni ate vera ang button papunta sa roof top ng condominium kung saan nakalapag na ang chopper ni kuya.

Bigla ko namang naalala si lucas kaya dali dali kong kinuha ang phone ko at sinubukan siyang tawagan ngunit hindi ito sumasagot, sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi niya pa din sinasagot. Nag aalala na ako sa kanya ilang araw na siyang hindi tumatawag o nag rereply sa mga text ko.

Nagulat ako ng biglang hablutin ni kuya ang cellphone ko. "KUYA!" Sigaw ko dito pilit kong inaabot ang cellphone ko. Ngunit dahil mas matangkad siya sakin ay hindi ko ito maabot kailangan ko pang tumalon talon.

"Sa akin muna itong cellphone mo para hindi ma track ni gael" sabi nito kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang.

Tumunog na ang elevator. Unang lumabas si kuya at ate vera sunod ay ako. Kinausap ni kuya ang isang lalaking familiar sa akin. Tinitigan ko itong mabuti at tama nga ang hinala ko ito ang butler namin ni kuya,kaya dali dali akong nag lakad at lumapit sa kanila.

"Tío Bruno!!!!" Sigaw ko habang papalapit ako sa kanila, lumingon ito sa gawi ko at nginitian ako, nang makalapit ako kay tío bruno ay agad ko itong niyakap ng mahigpit.

Si tío bruno ay ang butler namin ni kuya simula ng maliit pa kami. At para na rin namin itong pangalawang ama. Half filipino at half spanish ito. Kaya nakakapag salita din ito ng tagalog.

"Feli! Kamusta ka na? Ang tagal din nating hindi nag kita! Te extraño mi niña! Huli kitang nakita noong nag sumbong ka sa papá mo na muntik ka ng g--- ayos ka lang ba dito?" Pag iiba ni tío bruno sa sinabi nito. Humiwalay na ako sa pag kakayakap kay tío at Ngumiti ako sabay tango.

"Maayos naman po ako dito tío, kaso natunton ako ni kuya demetri at ngayon nga ay si gael" napabuntong hininga ako ng banggitin ko ang pangalan ni gael. Hinawakan ni tío ang dalawa kong kamay.

"Wag kang mag alala feli tutulong ako sa kuya mo na itago ka kay gael at pangako hindi ko sasabihin sa papá mo na nagkita na ulit tayo" pag papagaan ni tío sa loob ko, napangiti naman ako nang dahil doon.

"Muchas Gracias tío (Thank you so much uncle) for not telling papá about lynn" nakangiting pag papasalamat ni kuya kay tío bruno.

"You're always welcome, by the way nice meeting you again miss vera" bati ni tío kay ate vera.

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon