CHAPTER 3

2.6K 76 4
                                    

Sweetness and Kisses

Lynn's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Babangon na sana ako ng may mabigat na kamay ang nakapatong sa bewang ko.

Tsaka ko lang natandaan na katabi ko palang matulog si lucas. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Napaka amo nito. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ito.

Bigla naman siyang dumilat kaya nag iwas ako ng tingin.

"Good Morning" sabi niya at tsaka ako hinalikan sa labi smack lang na ikinagulat ko. Napatawa siya sa naging reaksyon ko at Niyakap ako lalo ng mahigpit tsaka isiniksik ang mukha niya leeg ko at inamoy amoy ito.

"G-good M-morning" nauutal na bati ko sa kanya pabalik dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang pag amoy at halik sa leeg ko.

"Baba na tayo?,Sabay na tayong kumain ng breakfast" sabi niya at tumayo na bumangon na din ako "Sige mauna ka na susunod na lang ako sa baba" sabi ko na lang sa kanya, tumango naman siya at lumabas na ng aking kwarto. Pag ka labas niya ay pumasok na ako sa aking banyo at Naghilamos at nag toothbrush.

Habang nag totoothbrush ay naalala ko ang ginawa ni lucas kanina. Ang pag halik sa akin. Ang weird niya ngayon, ngayon niya na lang ulit ginawa ang ganong bagay mag mula ng dumating si Graciella.

Kailangan ko na atang sulitin ito ngayon, baka bukas babalik na siya sa dati.

Pag katapos kong mag toothbrush ay sinuklayan ko ang mahaba at straight na Straight kong buhok. Itim na itim ang kulay nito. Nang tapos na ako ay bumaba na ako nag tungo sa kusina.

Nakita ko ang malapad na likod ni lucas habang nag luluto siya wala siyang pang itaas at nakasuot siya ng isang black na apron lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

Humarap naman siya at niyakap ako pabalik tsaka hinalikan ako sa noo.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko sa kanya habang yakap pa din siya. "Omelet, patapos na ito maupo ka na at kakain na tayo" Sagot niya, kaya naman umupo na ako sa upuan.

Ang daming ulam ,may Itlog, hotdog at Bacon at ang niluluto niyang omelet. Nakita ko namang pinatay na niya ang stove at nilipat ang omelet sa plato. "Bakit ang dami naman ata nito?" Tanong ko sa kanya "Para naman mag karoon ka ng Laman, tignan mo ang payat payat mo na parang hindi ka pinapakain" Tumatawang sabi niya habang hinuhubad ang apron. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

Lumapit naman siya sa akin at tsaka ako hinalikan ulit "Joke lang okay?, Gusto ko lang kumain ka ng madami" sabi nito at tsaka ako hinalikan sa noo. Napapansin ko lang na kanina pa siya halik ng halik "Kanina ka pa halik ng halik ha!" Naka pout na sabi ko sa kanya Hinalikan niya ulit ako kaya lalo akong nag pout "Gusto mo naman!" Tumatawang sabi niya. Totoo naman gusto ko din hihi.

Nag umpisa na kaming kumain. Habang kumakain kami ay nag kkwentuhan din kami at nag tatawanan. Pag katapos naming kumain ay ako na ang nag presinta na mag hugas. Habang nag huhugas ay ramdam ko ang titig niya sa akin kaya medyo na iilang ako.

Muntik ko ng mabitawan ang plato ng bigla niya akong niyakap mula sa aking likod. Nakapatong ang kanyang mukha sa aking balikat. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.

Itinapos ko ang pag huhugas habang nakayakap pa din siya sa akin. "Lucas bitaw na maliligo na ko" sabi ko sa kanya "Ayaw" parang batang sagot naman nito "lucas? Maliligo na ko , nanlalagkit na ako oh?" Sabi ko naman "Edi sabay na lang tayo maligo!" Sagot niya naman habang nakangisi namula naman ako dahil don.

"B-baliw ka ba? A-ayoko nga" nauutal na sagot ko dito. sigurado akong pulang pula na ang mukha ko nito. "Baliw sayo, tara na sabay na tayo maligo para tipid!" Sagot nito habang hinihila ako paakyat ng hagdan. Namula naman ako lalo sa kanyang sinabi. Hinampas ko naman ng mahina ang kanyang braso.

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon