CHAPTER 4

2.2K 69 6
                                    

Lynn's POV

Limang araw na ang nakalipas magmula ng naging sweet si Lucas sa akin. Hanggang ngayon ay ganon pa din siya.

Ala una y medya na ng hapon at maya maya lang ay nandito na siya kaya nag handa ako ng makakain niya.

Sinigang na hipon lang ang niluto ko. Isa ito sa paboritong ulam ni lucas. Pag kumakain siya ng mga paborito niyang ulam ay nakaka dalawa hanggang tatlong ulit siya. Kaya tuwang tuwa ako pag nilulutuan ko siya ng paborito niyang ulam.

At ang tungkol naman sa KANYA ay paulit ulit siyang nag tetext at tumatawag sa akin hindi ko masagot ang mga tawag niya dahil laging nakatabi sa akin si lucas. Kaya tinetext ko na lang siya na hahanap ako ng tiempo.
Palaging naka silent ang aking cellphone para hindi iyon mapansin ni lucas.

Nawiwirduhan na nga ako kay lucas dahil sa biglaang pagiging malambing at sweet niya. Pero masaya pa din ako dahil nagiging sweet na ulit ang asawa ko pero sa tuwing na aalala ko si Graciella ay nawawala ang ngiti ko.

Tinanong ko na siya ng isang beses tungkol kay graciella pero iniba niya lang ang usapan. Kaya hindi na lang ulit ako nag tanong.

Umakyat ako sa kwarto namin. Oo 'namin' yun kase ang sabi niya kwarto na daw namin ang dating kwarto niya. Nilipat niya na din ang ibang gamit ko dito sa loob.

Magkatabi na kami lagi at alas dos na din siya umuuwi. At ang pinaka nakakakilig doon ay ang pag halik niya sa akin pag gising, pag alis niya para mag trabaho, pagdating at bago matulog. Unti unti ng bumabalik sa dati si lucas.

Sa lunes ay babalik na ulit dito ang mga kasambahay. Paniguradong magugulat si Manang Lordes. Alam kase ni manang lordes ang sitwasyon namin ni lucas.

Dahil siya ang madalas kong pagsabihan ng hinanakit ko sa aking asawa. Palagi siyang nakikinig at nag bibigay ng payo sa akin. Para ko na rin siyang ina.

Si manang lordes ang nag alaga kay lucas simula ng bata pa lamang ito. At sinabi niya din sa akin na bagay na bagay kami ni lucas.

Ayaw ni manang lordes kay graciella dahil sa hindi nito magandang ugali. Ang turing daw talaga nito sa kanya ay isang maid. Samantalang ang pamilya ni lucas ay itinuturing na siyang kapamilya. Sumasagot din daw ito sa kanya.

Hindi lang si Manang Lordes ang kasundo ko sa mga kasambahay namin. Si Rea at Fei din para ko na nga silang kapatid. Dahil sobrang malapit talaga ako sa kanila. Itinuturing ko na din silang pamilya.

Ang Hardinerong si mang poy at ang dalawang guard namin na si kuya Caloy at si kuya Buboy ay ka close ko din. Sila ang mga nakakausap ko. Noong panahon na naging malamig ang pakikitungo sa akin ni lucas.

Tatlo lamang ang kasambahay dito dahil hindi naman ganon ka hirap linisin ang mansyon. Palagi itong malinis dahil hindi naman kami makalat ni lucas.

Narinig ko ang busina ng kotse ni lucas kaya agad na akong nag palit ng damit isang Black V neck shirt at Short shorts lang ang suot ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si lucas na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya kaya napaharap siya sa direksyon ko.

Nang makita niya ako ay agad niyang hinalikan ang labi ko. Naramdaman kong nag init ang pisnge ko, nakita kong napangiti si lucas. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang nakayakap na din sa kaniya. "Hindi pa eh" sagot niya ramdam ko ang pagod sa kanyang boses kaya tiningala ko siya. "Nagluto ako ng sinigang na hipon , tara para makakain ka na" Sabi ko at pilit siyang pinapatayo sa Sofa.

"Kiss muna?" Nakangusong sagot niya, napatawa naman ako dahil don at agad siyang hinalikan sa labi smack lang.

Tumayo na siya kaya pumasok na kami sa kitchen. Inihanda ko na ang plato at kutsara niya at pinag sandukan siya ng kanin at ulam.

Nilapag ko naman ito sa kanyang harapan at umupo sa kanyang kaharap na upuan at tsaka siya tinitigan. Nag umpisa na siyang kumain. Nakaka apat na subo na siya ng huminto siya at tumingin sa gawi ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya agad naman akong tumango. "Dito ka nga" sabi niya at pinat ang kanyang lap, nag init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya "E-eh? K-kumakain ka K-kaya" nauutal na sagot ko "Please?" Sagot niya habang nakapout kaya naman lumapit na ako at umupo sa lap niya.

"Subuan mo ako baby, please?" Nakapout na sabi niya. Hinalikan ko naman ang labi niya. Ang cute cute talaga ng asawa ko tapos ang gwapo pa! "Okie" sagot ko naman at agad na kinuha ang kanyang kutsara at saka siya sinubuan.

Nakaapat na ulit siya kaya napapangiti ako tuwing sinusubuan ko siya.

Nang matapos siyang kumain ay nilagay ko na sa sink ang kanyang pinagkainan at saka ito hinugasan. Habang nag huhugas ako ay nakayakap sa aking likuran si Lucas.

"Lucas umakyat kana, at mag bihis para makapag pahinga kana alam kong pagod ka sa dahil trabaho mo" sabi ko at humarap sa kanya.

"Okie baby" nakangiting sabi niya at umakyat na sa taas. Pinunasan ko ang sink at ang lamesa at nag hugas ng kamay pag katapos ay umakyat na ako sa taas.

Narinig ko ang tunog ng shower. Malamang ay naliligo si Lucas. Inayos ko ng saglit ang kwarto namin at naupo sa navy blue'ng single sofa chair dito sa kwarto. Kaharap nito ang 42 inches na flat screen TV sa gilid ng pintuan.
Nakatalikod ang sofa sa banyo.

Binuksan ko ang tv at nag hanap ng pwedeng panoorin. Hininto ko ang pag lipat ng makahanap na ako ng pwedeng mapanood. Isa itong K-drama channel. At mukhang maganda ang palabas.

Habang nanonood ay sinusuklayan ko ang aking buhok. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng banyo. Pero hindi ako lumingon. Nakatutok lamang ako sa panonood. Napahinto din ako sa pag susuklay. Dahil napakaganda na ng scene.

Naramdaman kong may kumuha ng suklay mula sa kamay ko pero hindi pa rin ako lumingon. Nakatutok pa din ako sa palabas. Naramdaman kong sinusuklayan niya ang aking buhok. Kaya napatingala na ako.

Nang tumingala ako ay nakita ko ang napaka gwapong mukha ng asawa ko nginitian niya naman ako kaya gumanti ako ng ngiti sa kanya. Ibinalik ko ang tingin sa tv. Patalastas na pala.

Napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat ng pa bridal style at hiniga ako sa kama. Pinatay niya muna ang TV, bago bumalik dito sa higaan.

Tumabi siya sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. "Baby? Pwede mo ba akong kantahan? Pampatulog lang" tanong niya. Kase Sa totoo lang ay dati akong singer char! Hahaha. May talento kase ako sa pag kanta. Nung mga panahong wala pa si graciella ay lagi ko siyang kinakantahan para makatulog siya.

Sinimulan ko siyang kantahan ang title ng kanta ay You're still the one, isa ito sa paborito kong kanta at isa rin ito sa gustong gusto ni lucas na kantahin ko.

Nang matapos ako kumanta ay humirit pa siya ng isa kaya pinag bigyan ko ang kagustuhan niya.

Ang sumunod na kanta ay ang 'When i dream about you' ito ang pinaka paborito kong kanta sa lahat. Paborito din ito ni lucas pero sabi niya sakin ay ang kantang 'Stereo Hearts' ang pinaka paborito niya sa lahat.

Kumakanta pa din ako ng makita kong tulog na si lucas at nakayakap pa din ito sa akin. Tinapos ko na lang ang pag kanta saka ko kinuha ang aking cellphone na nasa lamesa sa gilid ng kama.

Tinext ko SIYA at sinabing baka mamaya na lang ng hating gabi ako makikipag kita sa kanya. Para nga doon sa napagusapan namin. Hindi ako pwedeng umalis ngayon dahil paniguradong hahanapin ako ni lucas pag nagising siya.

Nag reply naman siya at sinabing mamayang 12 am kami mag kikita sa park kung saan siya nakipag kita sa akin nung nakaraan.

Mas madali akong makakaalis kapag hating gabi dahil hindi madaling gisingin si lucas pag natutulog siya ng gabi na.

Niyakap ko na lang ulit si lucas at saka pinikit ang aking mga mata para matulog.


To be continued.........

-------------------------
Short UD!

Bakit kaya sobrang sweet ni lucas kay lynn noh? Hmm

Thanks For Reading! Don't forget to Vote and Comment! Love love!

-Maye

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon