CHAPTER 5

2.3K 62 4
                                    

Lynn's POV

Nagising ako dahil kinikiliti ako ni lucas. "Baby! Wake up! 6:30 na!" Sabi niya at kiniliti pa ako.

"S-stop it L-lucas! HAHAHA E-eto na b-babangon na ko! HAHA" nahihirapang sagot ko. Huminto naman siya at agad akong hinalikan sa labi smack lang.

"Good Evening baby!" Bati niya "Good evening din" bati ko naman sa kanya pabalik at tumayo na. "Baba na ako ha?" Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Nag hilamos muna ako at nag tali ng buhok bago lumabas ng kwarto. Nakita ko naman mula dito sa taas si lucas na nanonood ng TV. Bumaba na ako at Lumapit sa kanya.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko sa kanya "Beef broccoli" nakangiting sagot niya. Isa ang beef broccoli sa paborito niyang ulam. "Ahmm pwede ka bang gumawa ng fresh orange juice?" Dag dag niya. "Sure!, Punta na kong kusina!" Sagot ko naman.

Nagtungo na ako sa kusina. Kinuha ko na yung mga ingredients at saka na nag simulang mag luto. After 25 minutes ay luto na ang niluluto ko.

"Lucas! ,Luto na ang ulam! Kumain na tayo!" Sigaw ko. Agad naman siyang pumunta na dito.

Pinag sandukan ko na siya. Habang pinagsasandok ko siya ay ramdam ko ang pag titig niya sa akin. "Kumain ka na" sabi ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang kutsara at tinidor tsaka kumain. Nagsandok na din ako sa aking plato at nag simula na ding kumain. Tahimik lang kaming kumakain ng bigla siyang nag salita.

"Oo nga pala, Mawawala ako ng 3 days , kase may business trip ako sa Greece at bukas na ng 8 ang alis ko" sabi niya bigla naman akong nalungkot, kinabahan at natakot. Dahil baka sa pagbalik niya ay bumalik na ulit sa dati ang pakikitungo niya.

Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kanya. "Alam kong mamimiss mo ako, don't worry tatawagan kita lagi okay?" Nakangiting sagot niya. Ngumiti na lang ako ng pilit at tinapos na ang aking pag kain.

Nang matapos kami kumain ay hinugasan ko na ang aming pinag kainan. Habang nag huhugas ay naalala ko ang sinabi ni lucas kanina. Ang tungkol sa business trip niya sa greece. Natatakot ako at Nalulungkot. Dahil baka pag balik niya bumalik na sa dati ang pakikitungo niya sa akin. Umiling na lamang ako

Muntik ng mahulog ang pinggan na sinasabunan ko ng may biglang yumakap sa akin sa likod at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Walang iba kundi ang asawa ko. "Baby? Ano bang bumabagabag sayo? Kanina ka pa iling ng iling" tanong niya "W-wala naman" medyo naiilang na sagot ko.

"Bakit nga?" Pamimilit niya bumuntong hininga naman ako at hinugasan muna ang kamay kong may sabon bago humarap sa kanya. "Naisip ko lang kasi na baka pag dating mo galing sa business trip eh bumalik na sa dati ang pakikitungo mo sakin" nakayuko at malungkot kong sagot. Hindi naman siya sumagot at tumalikod na.

Tumulo naman ang luha ko ng dahil doon. Pinunasan ko na lamang ito gamit ang kamay ko at tinapos na ang pag huhugas. Nang matapos ako mag hugas ay pinatay ko na ang ilaw dito sa kusina at lumabas. Napadaan ako sa sala. Wala doon si lucas panigurado ay nandoon na ito sa aming kwarto. Nakita kong bukas ang TV pinatay ko na lang ito at ang mga ilaw dito sa sala at tsaka umakyat na.

Nang makapasok ako sa kwarto ay rinig ko ang tunog ng shower. Malamang ay naliligo si lucas. Pumasok ako sa walk in closet at kinuha ang green na pares ng pantulog pajama at t shirt may design itong flower. Lumabas ako ng walk in closet at nakita ko si lucas na kakalabas lang ng cr. Nakapulupot ang tuwalya sa kanyang bewang at kitang kita ang kanyang 6 pack abs. Napalunok naman ako ng dahil don at nag iwas ng tingin.

Nakita kong ngumisi siya at lumapit sa akin ng dahan dahan kaya napapaatras ako. Hanggang sa wala na akong maatrasan nasa likod ko na ang pader at nakorner na niya ako. Isinandal niya ang kanang kamay sa pader sa gilid ng Kaliwang pisngi ko. Nag katitigan kami. Nang mag tagal ay ako na ang nag iwas ng tingin. Nakita ko nanaman ulit ang pag ngisi niya kaya agad ko siyang tinulak pero mukhang mali ako ng nahawakan. Dahil ang abs niya ang nahawakan ko nung itinulak ko siya.

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon