(Margarette Ayumi Azra Perse-Kelley)
Lakad dito... Lakad doon.. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, anong dapat kong gawin para maibalik ang anak ko.
"Did you find out something?" Halos makalimutan ko ng may mga kasama pala ako ngayon rito sa kwarto namin ni ercel, nandito lahat ng importanteng tao na handang tumulong para hanapin ang anak ko. Kakarating lang pala ng isang admiral na inutusan ni ercel para mangalap ng impormasyon sa mga nahuli namin na kalaban na buhay pa. Tinanong agad nya ito ng dumating ito.
"Paumanhin kamahalan, pero hanggang sa mawalan sila ng hininga ay wala silang sinabi na kahit ano" sagot nito na syang nakapagpalumo samin lalo. Lumapit naman si papa sakin na may pagaalala sa mukha.
"Kumalma ka, anak. Hindi mo maggaamit ng maayos ang abilidad mo kapag hindi ka kumakalma, Kailangan natin ngayon ang abilidad mo, subukan mong tingnan ang mga lugar na posibleng kinalalagyan nila." Pakiusap nya sakin. Tama sya, kung ganito ako palagi, wala akong maiitulong sa pagsalba ng anak ko.
Umupo ako sa kama at dahan dahang kinalma ang sistema. Pumikit ako at sinubukang gamitin ang abilidad ko, pero hindi ako makapokus sa iisang lugar dahil sa malakas na tibok ng damdamin ko. Inis akong nagmulat at nagisip ng paraan. Isang paraan lang ang naisip ko, mabuti nalang at dahil sa kaba ko ay agad akong nakakapagisip ng paraan. Nilahad ko ang isang kamay ko at binuka ito sa harapan nilang lahat na nagaabang ng gagawin ko. Naramdaman ko ulit ang kakaibang lakas gaya noong ginamit ko ito sa digmaan na nangyare kani kanina lang, halos wala rin kaming tulog dahil sa mga kaganapan na ito.
Natigilan ako sa pagpapalabas sana ng kapangyarihan dahil sa kamay na humawak sa balikat ko.
"Gagamitin mo na naman ba yun?" Tanong nito habang may pagkatutul sa mga mata nya.
"Yun lang ang madaling paraan ercel. Wala ng ibang paraan" sagot ko. Tinitigan naman nya ako ng mataimtim.
"Kalahati ng lakas mo ang mababawas" anya. Binigyan ko lang sya ng ngiti at tila nakikipagtalo sa titig pero kalaunan ay bumigay sya. Tumabi na lamang sya sakin sa pagupo.
Huminga ako ulit ng malalim kasabay ng pagpalit palit ng kulay ng mata ko, intense to galaxy gold. Unti kong nilabas sa kamay ko ang tubig at bumuo ng malaking bola. Nagsinghapan naman sila na nakakakita sa akin.
"The sacred water of titan Oceanus" rinig kong tawag ni ama rito. Nagtinginan naman silang lahat na para bang may alam sila kung ano ito.
"Isang Deity lang ang may hawak nyan, does that mean she's the daughter of--" naputol ang sinasabi ni aria na syang may alam. Nangunot naman ang noo ko dahil mukhang tungkol sa ina ko ang pinaguusapan nila, napatitig sa kulay green na tubig na pinapalabas ng kamay ko.
"Hera" napalingon ako sa papa ko na syang nagpatuloy sa sinasabi ni aria. Nanlamig ako dahil sa sinagot nitong tao na hindi ko kailanman inisip na magiging ina ko.
"Hera, is the only one who possess the sacred water. But she inherit it." Patuloy ni papa. I just shrug it out dahil mas iniisip ko ang anak ko ngayon, kesa sa taong wala naman rito.
Iniugnay ko sa tubig ang abilidad kong makakita kahit saan. Naging visible naman sa tubig ang mga nakikita kong lugar, sa pamamagitan ng tubig mas nabibigyan ako nito ng konsentrasyon dahil dalawa ang pinagtutuunan ko ng atensyon.
Nagiisip muna ako ng lugar na maaaring puntahan ng cursed queen at naisp ko roon sa pinaglagyan nila sakin noon, noong kinidnap nila ako. Kitang kita sa tubig kung ano ang nasa isipan ko, kitang kita roon ang lugar pinaglagyan nila sakin noon, pero wala ni anong bakas nila roon.
"Try the sacaar mountain, after all it's their best place to go" suggest ni ercel habang nakatitig sa tubig. Tumango naman ako at iniba ang imahe sa tubig, nakikita ko na ngayon ang napakadilim na kagubatan ng sacaar. Mula sa paanan ng bundok ay nilibot ko ito pero wala rin, pumasok na ako sa bukana ng Mount sacaar, pero taning mga mababangis na hayop lang ang naroon pati na ang abong bahay ni cruela.
BINABASA MO ANG
LOST OF A HALF SOUL ✓
Fantasy(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic story that you can't ever find.