(Margarette Ayumi Azra Perse-Kelley)
"May balita na ba?" Seryoso kong tanong kay bruce na syang kausap ko ngayon rito sa garden. Hanggang ngayon kasi ay wala kaming naging balita sa tatlong valkyre. Ang sabi ko sa kanila bago umalis ay lumabas sila ng kampo kapag may sasabihin sakin, sigurado naman akong agad ko silang makikita dahil nagaabang ako sa magiging ulat nila kung totoo ba ang lahat ng alam namin. Pero dumaan na ang dalawang araw ay hindi pa sila nagpapakita.
"Wala parin, mahal na reyna. Nagpadala narin ako ng dalawang kawal upang maghintay sa kanilang pagpapakita." Ulat nya sakin. Tumango naman ako dahil totoo naman ang sinabi nya. Bumuntong hininga ako sa dinadala kong problema ngayon, kanina ko pa pinipigilang wag magalala sa kanila na naandoon. Pero isa lang ang alam kong natatanging paraan, para maibsan ang pagaalala ko.
"Kung hindi pa sila magpapakita sa loob ng dalawampu't apat na oras, ihanda ang lahat ng mandirig at mga armas. Susulong tayo pagkaraan ng oras." Utos ko rito. Napatango naman sya at umalis na para ipaalam ang utos ko. Katahimikan ang bumalot sakin habang iniisip ko pa ang magiging plano ko kapag wala parin sila lea rito.
Walang oras akong pinalagas upang tingnan ang lugar na pinagusapan namin nila lea. Pero ni bakas nila ay wala akong makita, napakuyom ang kamay ko sa galit na nararamdaman. Bakit ba kasi hindi ko sila makita sa loob ng boran?! Hayyssstt.
Pumasok na ako sa kaharian dahil wala rin naman akong magagawa doon sa garden. Hindi pa nga pala ako kumakain kaya dumiretso ako sa kusina pagkapasok ko palang sa kaharian. Pagkarating ko ay nadatnan ko ang ilang tagapagsilbi na naglilinis, nang makita nila ako ay yumuko sila.
"May gusto po ba kayong ipagluto o ihain namin, mahal na reyna?" Tanong ng mas bata sa kanila na babae. Ngayon ko lang sya nakita kaya hindi ko alam ang pangalan nya. Napansin siguro ni manang desil na hindi ko kilala ang babae kaya nagsalita na sya.
"Bago lamang ho sya rito mahal na reyna at pamangkin ko sya" anya, napangiti naman ako at tumango bilang sagot.
"Kakain sana ako, ano bang niluto nyo manang?" Tanong ko. Atubili naman itong may kinuha sa ref.
"Oyster Adobo, po mahal na reyna" sagot nya at nilahad sakin ang putahi, inamoy ko ito at napakabango kaya maslalo akong nagutom.
"Ihain nyo yan manang, kakain ako" masaya kong pahayag at umupo sa mahabang mesa o hapag kainan. Naghanda naman sya sa mesa at agad ko itong kinain.
Naubos ko na ang kinakain ko at paalis na nangkusina nang mapatigil ako dahil sa biglang may lumapit sakin.
"Mahal na reyna! Mahal na reyna!" Humahangos ang isang kawal na papalapit sakin at umusbong ang kaba sa dibidib ko. Parang may dala syang balita sakin at agad ko syang nilapitan.
"Ano yun?" Nagaalala kong tanong sa kanya, hinabol naman nito ang hininga nya.
"Dalawang Valkyrie ang nakita naming nakahandusay sa bukana ng kaharian." Ulat nito. Agad naman akong nawala sa harap nya at napunta sa bukana.
Pagkarating ko roon ay nagkumpol kumpolang mga tao ang nadatnan ko. Agad akong sumiksik sa kanila at nang makita ako ay nagbigay daan na ang iba. Nadatnan ko si ercel at papa na may tinitingnan at napadako naman ako roon at nakita si van at aria na maraming sugat at nagaagaw buhay. Agad akong lumapit sa kanila at hindi alam anong gagawin sa karumal dumal na sinapit ng dalawa, pero may kulang sa kanila.
"Nasan si lea?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan ng boses ang dalawa. Napatingin naman ako kay ercel na humawak sa balikat ko.
"Sila lang ang dumating, azra. Sigurado akong naiwan pa yun roon" seryosong sagot ni ercel sa tanong ko. Napakuyom ang kamao ko at napapikit para pakalmahin ang sarili.
BINABASA MO ANG
LOST OF A HALF SOUL ✓
Fantasy(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic story that you can't ever find.