Chapter 24

409 19 0
                                    

(Ayumi Anastasia Hidward / Margarette Ayumi Azra Perse-Kelley's Pov)

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Nilingon ko ang taong papasok ng veranda kung nasaan ako. Ngayon na kasi ang araw na ipapakilala na nya kami sa lahat. Hinarap ko ulit ang tanawin dito sa veranda.

"Kinakabahan ako." Pagtatapat ko sa kanya. Marami kasing mga tanong sa loob ko na nagpapakaba sakin lalo. Naramdaman ko naman syang yumakap sakin sa likuran, hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Hindi ka dapat kabahan, reyna ko. You deserve all of this" salita nya sa malumanay na boses. Bumuntong hininga naman ako at ginamit ang abilidad ko para makita ang nangyayari sa labas.

"Nakikita mo ba sila?" Mahina nya parin tanong. Tumango naman ako bilang sagot.

"They look very happy" mapait kong sagot. Gaya nang napagusapan namin. Lahat ng mamamayan sa bayat kaharian lalo na sa eskwelahan ay kasali sa kasiyahang ito. Lahat sila nakangiti habang papasok sa kaharian. At saang sulok ng kaharian ay may mga mandirigma na nakapalibot para sa siguridad ng lahat.

"They are excited to see you. And I'm sure they will accept our child" salita nya. Huminga ako nang malalim at hinarap sya. Isang bagay kasi ang bumabagabag sakin na syang dahilan ng kaba ko.

"Hindi ko na sya nakikita, ercel. Wala akong edeya kung anong ginagawa nya ngayon. O ano ang plano nya." Salita ko upang mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Pumikit muna sya ng ilang sandali at pagmulat nya tumayo sya ng tuwid at hinarap nya ako sa kanya.

"Kung aatake sila ngayon. We will be prepared. At tyaka, the whole force is with us" sagot nya sakin. Tipid akong ngumiti at niyakap sya. Maya maya ay nagpaalam syang aalis muna para makapagbihis ako ng gown na sya mismo ang pumili.

Tumitig ako sa sarili ko sa malaking salamin ng kwarto ko, suot-suot ang sky blue na gown na may sleeve pero see through pati na yung may dibdib malapit pero hindi naman kita yung cleavage part. (The picture is on multimedia) pinarisan ko ito ng isang cristal shoe. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad sa pintuan papalabas ng kwarto namin ni ercel. Simula kasi noong magising ako ay dito na nya ako pinatulog.

Natigil ako sa paglakad sa hallway ng makasalubong ko si ercel na may ngiti sa labi. Noong una ko syang nakita, ang akala ko ay talagang mananatili na syang malamig sa lahat pero noong naging Valkyrie ako ay nakikita kong nagiba ang pakikitungo nya sa lahat. Unti unti na syang nakikitaan ng emosyon. Gwapong gwapo sya habang nakasuot ng kanyang damit na para sa hari at may gintong korona sya sa ulo, na may iba't ibang kulay sa bawat patusok nito.

"This belongs to you" salita nya at kinuha ang kamay ko at inilagay roon ang box na pamilyar sakin.

"Apo, ilagay mo ito sa mga gamit mo. Ano mang mangyare sana'y wag mo itong iwawala." Tyaka nya binigay sakin ang kahon. Tinanggap ko naman ito at sinilid sa malita ko.

"I-ito yung kahon na binigay ni lola. Bago ako mapunta rito." Bulalas ko ng maalala ang kahon. Tumango naman sya sakin.

"Ngayon na ang tamang panahon para buksan mo yan, margarette" anya. Tumingala muna ako sa kanya na nakita syang nakangiti bago ko binalik ang atensyon sa kahon. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang umiilaw na kwintas, hugis korona ito pero iba iba ang kulay, bright green,yellowish,blue,black,violet and gold. May sulat rin na nakaipit rito. Nanginginig ko itong kinuha at binuksan.

Azra apo,

Patawarin mo ako sa ginawa kong paglayo sayo sa mundong kinalakihan mo. Sa loob ng maraming taon tayong nagkasama, masaya ako na napalaki kitang maayos, masayahin at ibang iba sa kinalakihan mong ugali. Ang kwintas na ito ay bigay sayo ng ina mo mula pa noong sanggol ka pa. Sana ay ingatan mo ang kwintas na iyan, yan lang ang tanging maipamamana sayo ng ina mo. Malalaman mo rin kung ano talaga ang totoo, itanong mo sa ama mo.

LOST OF A HALF SOUL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon