(Yumi's POV)
Lumanghap ako ng hangin na para bang ito ang kaunaunahan kong paglanghap sa hangin. Minulat ko ang mga mata ko mula sa pagkakapikit at kusang bumalik sa isip ko ang mga nangyare nung nakaraan. Sinuri ko ang katawan ko at wala na roon ang mga sugat na natamo ko sa kanila. Ang akala ko talaga ay mamamatay na ako sa puntong iyun. Nilibot ko ang paningin ko sa kaartong kinaroroonan ko at napansing nasa kwarto na naman ako ng reyna. Bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang taong inaasahan ko nang una kong makikita sa paggising ko.
"Your awake" tila hindi makapaniwala nitong salita habang nakatitig sakin. Tipid akong ngumiti sa kanya, pero nagulat ako ng yakapin nya ako bigla.
"Akala koy hindi ka na magigising" bulalas nito habang mahigpit akong yakap.
"Ilang araw na ba akong tulog?" Tanong ko rito, medyo na asiwa ako sa boses ko dahil naninibago pa ako, pakiramdam ko kasi ay matagal na akong natutulog. Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mata.
"1 month" sagot nya na ikinabigla ko. Ganun na ako katagal na natutulog? Kumabog ang dibdib ko nang may maalala ako.
"Nasaan sya? Nasaan ang anak ko?" May takot kong tanong sa kanya. Lumingon naman sya sa likuran nya at may tinawag.
"Dad, come in" nagulat ako sa tinawag nya at sya ring pagpasok ng ama ng reyna na may bitbit na bata. Lumapit sila sakin at napatayo ako sa pagkasabik sa anak ko. Kinuha ko ito sa ama ng reyna at hinagkan agad ang bata. Umupo ako at hindi mapigilang mapangiti dahil sa pagkakahawig nito sakin.
"Devon Kyrie" nakangiti kong tawag sa anak ko. Napatingin ako sa hari n bigla syang tumikhim.
"Can we talk?" Anya habang taimtim akong tinitigan, nailang ako bigla sa paraan ng pagtitig nya kaya umiwas ako at tumango, ayuko kasi sa pakiramdam na bigla nalang bumibilis ang tibok ng dibdib ko at parang kung ano sa tyan ko. Ayuko man aminin pero naaatrak ako sa mata nya at kakaibang titig.
Lumabas naman ang ama ng reyna. Kinuha nya ang bata sakin at tinitigan ang mukha ng bata. Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya.
"Ako ba ang ama ng batang ito?" Ngayon ay nakatitig na sya sakin pero hindi ko kinayang salubungin ang mga mata nya kaya napayuko ako.
"Oo" yan, nasabi ko na sakanya. Sinilip ko kung ano ang magiging reaksyon nya at hindi ko mapigilang matakot sa halo halong emosyon na bumakas sa mukha nya.
"Pero mali, mali ito mahal na hari. Hindi dapat ito nangyare!" mabilis kong pagtanggi. Dahil ayukong dumating ang araw na pagsisisihan ko ang nangyare. Ayukong dumating ang araw na masisira ang pangalan nya ng dahil sa katangahan ko.
"Hindi. Nangyare na ito. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging kahantungan nito." Sagot nya at hinawakan ako sa kamay. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa mukha ko.
"Pero....." Aangal na sana ako ng pisilin nya ang kamay ko para tumigil ako sa pagsasalita.
"Everything's gonna be fine. If you're with me yumi" at nginitian nya ako ng tipid. Tumango nalang ako at mapayuko. Pero biglang bumalik sa akin ang pamiramdam noong pinaglaruan ako ng mga
taong kumuha sakin."May nakita ba kayong bangkay sa kwartong kinalalagyan ko noon?" Madiin kong tanong sa kanya. Inihiga naman nya si kai sa higaan.
"Walang bangkay roon, yumi" sagot nya at seryoso akong tiningnan.
"Pero nandoon sya" angal ko at hindi makapaniwalang wala roon ang bangkay nya.
"Sino?" Nakakunot noong tanong nya. Tinitigan ko sya sa mata.
BINABASA MO ANG
LOST OF A HALF SOUL ✓
Fantasia(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic story that you can't ever find.