Prologue

8.4K 265 5
                                    

Prologue

Amethyst was a herbalist who met an accident on the road and died on the spot. But before she lost consciousness that night, she saw a glimpse of light. Hoping for a chance to live, she tried to extend her hand to reach it. The next thing happened, she woke up only to find out that she is inside of the body of the only daughter of the House Of Hermoña, Lady Ezeli Hermoña.

After knowing the owner of the body, Ezeli Hermoña, she found out that she was in love with the prince who annoyingly despise her for being so obsessed, wicked and ignorant. Now that Ezeli is no longer here, the only thing that comes to her mind is to be good and start a new life. With the knowledge she had, everything will be good but then...

"Why is it the prince is here?!"

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Oi, Amy! Hindi ka pa ba uuwi?"

Napatigil si Amethyst sa pagtitimbang ng mga halamang gamot at napatingin sa katrabaho nito.

"Ah, gabi na pala? Sorry, di ko napansin." Sagot ni Amethyst at napatingin sa labas ng glass wall na pinagtatrabahuan nito.

Madilim na talaga sa labas at parang uulan pa dahil sa wala siyang makitang bituwin, ito lang din naman ang kanyang binabase kung uulan ba o hindi. Nakalimutan pa niyang magdala ng payong kaya dapat ay aalis na siya.

"Aysus, sabihin mo na lang na talagang workaholic ka! Ganyan ka naman palagi eh. Minsan nga pinapabayaan na lang kita dahil parang devoted ka talaga sa trabaho mo pero kasi may kumakalat na tsismis na marami ng namamatay. May kumakalat yata na magnanakaw o holduper. Dapat mag-ingat daw tayo lalo na 'yung ginagabi na ng uwi. Wala ka pa namang kasama sa bahay mo!" Sabi ng katrabaho niya na si Camil.

"Salamat, Camil. Oh sige, umuwi ka na. Ililigpit ko muna tong ginamit ko at uuwi rin ako." Sabi ni Amethyst at kinulit na naman siya nito na umuwi agad. Ngumiti lang si Amethyst at napatanong sa sarili, ano bang magandang ginawa ko sa Panginoon at binigyan niya ako ng mabuting kaibigan?

Niligpit na niya ang lahat at umuwi. Sakay ang sasakyan niya, habang nasa byahe ay biglang bumagsak ang ulan. Salamat nga at hindi siya naabutan rito habang papunta sa sasakyan at talagang basang-sisiw siya uuwi.

Ganun na lang ang kanyang pasasalamat ng biglang umingay ang paligid. Kasabay non ay ang malakas na pagsalpok ng sasakyan sa sasakyan niya. Parang sa isang iglap, bumaliktad ang lahat.

Ilang saglit lang, nakarinig siya ng maingay. Isa itong ingay ng isang ambulansya, ingay ng siren ng mga police. Dugo. Nakakita siya ng dugo. Hindi lang sa kanya kundi sa labas din. Marami. Maraming nakahandusay. Patay.

'Anong nangyari?' Alam niya kung ano ang nangyayari. Alam niyang aksidente ang nangyari.

'No! I can't die! I can't die like this!' Napadaing siya sa sakit ng katawan. Humihingi na rin ng tulong kung sakaling may makarinig.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang sasakyan. Doon niya napagtanto na bumaliktad ang kanyang sasakyan. Sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata ngunit isang liwanag na lamang ang kanyang nakita. Dahil dito ay sinubukan niyang abutin ito.

She heard a faint voices after.

'What...'

The voices she hear, it slowly became loud and clear. It was...

"Lady Ezeli!"

All Rights Reserved.
The True Heroine ▪︎2020▪︎

The True HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon