Kabanata 6:
To Be Tease By The PrinceNapatigil naman sa pag-inom ng tsaa si Ezeli dahilan upang masamid ito. Inubo siya kaya hindi niya mapigilang medyo mapalayo ng bigla na lang siya hawakan ng prinsipe sa likod.
"Are you alright?!" Tanong nito habang inalalayan siya. Tumango lang siya at pina-upo ito dahil nakakahiya na tinulungan pa siya nito.
"Are you now alright?" Tanong ng prinsipe ulit at tumango lang siya bilang tugon.
Nang mahimasmasan na siya ay hindi muna siya nagsalita at baka masamid na naman siya.
"Pasensya na sa aking tinuran, prince Zeno." Pagpapaumanhin ni Ezeli.
"No, it's okay. But please be careful next time." Sabi nito.
Pilit na ngumiti si Ezeli at nagpatuloy sa pag-inom.
".... AT yun ang magiging plano natin. Kung hindi dahil sa anak ng Duke Hermoña ay magiging palpak sana ang ating plano para sa Baryo ng Haryu."
Kanina pa tahimik ang prinsipe sa kanyang kinauupuan. Kanina lang din niya naibahagi ang tungkol sa pagbabago ng kanilang plano para sa nasasakupan.
Tinignan ng Hari si duke Hermoña na ngayon ay hindi pa rin nito naiintindihan ang nangyayari. Sa tantya niya ay hindi pa nasabi ng anak nito na may ipinamahagi itong malaking kontribusyon sa kanila at sa baryong nasasakupan.
"Paano mo naman nasabi iyon, mahal na hari?" Tanong ng duke na parang hindi makapaniwala sa sinabi.
Umingay din ang ibang mga maharlika. Para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng Hari. Isa lamang anak ng isang duke si Lady Ezeli at bantog ito sa pagiging arogante at naiiba sa lahat ang ugali. Naiintindihan naman ito ng lahat sa kadahilanang nag-iisa rin itong anak ng duke Hermoña.
"Totoo po ba iyong sinabi, mahal na hari?" Tanong ng isa sa mga nobles na isa rin sa mga opisyales.
"Oo. Buti nga't inimbitahan ko siya ay kung hindi ay maraming mawawala sa atin." Masayang sabi ng hari kaya napangiti na lang din ang iba. Ganun na rin ang duke ng Hermoña.
Natapos ang pagpupulong ng matiwasay. Maraming mga opisyales ang lumapit muna kay duke Hermoña upang magpasalamat.
"Kung hindi dahil sa anak mo, magiging komplikado ang lahat. Nagpalaki ka ng maganda at mabait na anak, Duke Hermoña." Masayang sabi ng malapit na kaibigan na opisyales.
"Salamat, kaibigan. Hindi ko nga alam kung anong mabuting bagay ang ginawa ko sa Diyos upang ipagkaloob niya sa akin ang isang mabuti at mabait na anak." Masaya ring tugon ng duke Hermoña na parang galak na galak talaga.
"Naisip ko lang, nasa tamang edad na ang anak mo upang mag-asawa. Maganda rin siya at alam ang kanyang responsabilidad sa sarili. I have a son too that is handsome as his father, anong masasabi mo?" Birong sabi ng Marquess pero may halo ring seryoso sa tono nito.
Agad napatingin ang prinsipe sa nag-uusap na duke at marquess. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa narinig o ano. Parang tutol ang prinsipe sa naisip na iyon ng marquess dahil unang-una, she's not mature yet! Para sa kanya ay bata pa mag-isip si Lady Ezeli and she's not yet ready to get married. Lahat lang ng plano nila ay mauuwi sa wala, he though.
BINABASA MO ANG
The True Heroine
FantasiAmethyst was a herbalist who met an accident on the road and died on the spot. But before she lost consciousness on that night, she saw a glimpse of light and tried to extend her hand to reach it. The next thing happen, she woke up only to find out...