YAIEN IV

2 0 0
                                    

Grae's POV

Kasalukuyan kong tinuturuan si Xandro ng chords ng All I Ever Need.

"Uncle, Bakit tuwing magbabakasyon tayo ikaw lang walang kasamang date?" Tanong nya

Natawa ako sa tanong nya.

"Tsk dami mong alam" sabi ko at ginulo ang buhok nya na kinagalit nya.

"Oh bilis na. Later aalis na din ako, Hinatid ko lang talaga si Zaidee at si Auntie Pretty mo rito" sabi ko

"Auntie Pretty!? Nandito si Auntie Pretty!" Bigla syang napatayo.

"Oo bakit?"

Bigla syang namula at napangiti ako.

"Crush mo si Auntie Pretty mo noh?!" Asar ko sakanya

"Hahahhaha di no Uncle! Kayo bagay ni Auntie Pretty!" Sabi nya

Hahahahahahaha pakipot naman Auntie nya eh. May balak na nga akong magseryoso eh ayaw pa.

"Hahahahahhaha baliw ka talaga." Sabi ko

Bumaba na kami at nakarinig kami ng ingay sa baba. Buhat ko si Zaidee tapos nakakapit naman sa damit ko si Cath. Si Xandro naman nakasunod samin. Syempre baka mahulog kami noh.

Nadatnan ko silang lahat na masayang binabati sila Zackrey at Xandra sa magiging bagong baby nila.

"Oh narito ka pala Grae" Bati sakin ni Tita Sylvia

"Good Evening po Tita" sabi ko at bumeso ako.

"Good Evening Tito!" Bati ko kay Tito Armand at nag bro fist kami.

Close kaya kami!

"Oh dito ka na kumain" sabi ni Tita

"Ah sige po Tita! Namiss ko luto mo" sabi ko

"Hahahahha ikaw talagang bata ka!"

Pinat ako ni Zackrey.

"Salamat sa pagbantay kay Zaidee bro!" Sabi ni Zackrey

"No problem bro!" Sabi ko at si Xandra din ay nagpasalamat.

Kinamusta ko ang araw nilang dalawa at napansin ko naman si Andy na tahimik.

Tumabi ako sakanya at siniko sya.

"Oy! Earth to Andy! Hello!?!" Sabi ko

Tulala kasi ang spoiled brat.

"Tsk! Tumigil ka nga! Jerk!"

"Oy grabe sya oh! Dapat nga magpasalamat ka dahil ako ang nagalaga kay Zaidee at hindi ka na nahirapan." Sabi ko

"Yun na nga eh! Mas close ka pa sa mga pamangkin ko kesa sa sarili nilang Auntie!" Sabi nya at nag walkout

Okay? Anong problem nyun?

Hinanap ko sya sa labas at ayun nakita ko nanaman sya sa may pool at nakalubog nanaman ang paa.

Tumabi ako sakanya at pinagmasdan sya.

Hindi sya yung Andy na nakilala kong masungit at mataray ngayon.

Ang nakikita kong Andy ngayon ay malungkot at malalim ang iniisip.

"Oy! Bakit ka nagwalkout? May nasabi ba akong masama? Sorry na. Ipagshoshopping nalng kita gusto mo? Pagkatapos nating mag dinner punta tayong mall. Sorry na"

"Ganyan ba ginagawa mo para mapalapit sa mga pamangkin ko? Sinusuhulan mo?" Tanong nya

Ano bang problema nya?

You're All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon