YAIEN X

0 0 0
                                    

Andy's POV

Anong pinaparating ng tanong nya?

Nakakainis ka talaga Grae! Ginugulo mo utak ko

Pagkatapos kasi nyang tanungin nyun ay tumakbo na sya at nakita kong nakangiti.

Adik lang?

Flashback...

"Andy hija" sabi ni Dad

"Yes Dad?"

"Papapuntahin ko dyan si Karlo para magkakilala na kayo habang di pa kayo nakakasal"

"What!?!..No way!"

"Hija, Fiance mo sya. Get to know him"

"I already have a boyfriend Dad!"

"Then... I need to meet him."

"When!?"

"As soon as possible"

"What!?"

"So we can prepare your wedding hija. I need to know him well if he really love you."

"Ayoko Dad! Why do I need to be married that soon!?!"

"Kasi gusto ko nang ihatid ang anak ko sa altar, at syempre magkaapo hahahaha"

Nangaasar ka ba Dad? Di ko lang masabi dahil baka lalo akong pagpilitan dun sa Karlo na yun.

"Tsk Bye Dad"

"Bye anak. Dad loves you so much"

Binabaan ko na

End of the flashback

Bumaba muna ako para huminom ng gatas nang may narinig ako na nagstrustrumming.

Baka si Kuya Zackrey lang yan.

Aakyat na sana ako ng kumanta yung nag guiguitara.

Di to si Kuya Zackrey dahil di naman kumakanta yun if mag guiguitara sya sa gabi tuwing di na kakatulog.

Sinilip ko kung sino.

Si Grae...

Pinagmamasdan ko sya habang nagguiguitara.

Kinakanta nanaman nya yung may You're All I Ever Need na lyrics.

Iniisip nanaman nya ba si Tine?

Ayaw nyang may ibang nakakakita sakanya habang umiiyak.

Oo umiiyak sya habang kumakanta.

Kinaumagahan habang nagaalmusal ay nagtatawanan lang silang lahat at ako naman napapaisip na paano nakakayanan ni Grae ang magpatawa at maging masaya habang sa loob naman ay miserable sya.

"Oy pansin ko kanina ka pa nakatitig sakin" sabi nya

"Yieee!!!" Asar nila Kuya Zackrey

"Wala wala" nginitian ko lang sya

"Tara? Busy naman yung iba eh" sabi nya pagkatapos naming magalmusal

"Saan?"

"Kahit saan" nginitian nya ako na para bang wala syang problema

"Wag kang magalala gastos ko hahahahahaha. Spoiled brat pero kuripot"

"Hahaha"

Naglakad na kami sya lang kwento ng kwento.

"Okay ka lang ba Andy?"

Tumango ako at tipid na ngumiti

"Smile ka na. Yung totoo" sabi nya at pinisil ang pisngi ko

You're All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon