Grae's POV
Di ko din alam kung bakit? Kung bakit ko sinabi kay Andy yung mga yun.
Bakit ko sya tinanong kung pwede ko ba syang maging girlfriend?
Ilang araw na rin nangyari yun at pagkatapos nyun ay hinatid ko lang sya sa bahay at humingi ng pasensya dahil sa nangyari.
Alam nyo na pag problemado ako. Bar ang takbuhan ko at as usual pag gising nasa ibang condo o bahay ako.
I hate to admit that I'm such a loner and miserable.
Actually, I'm on my way to Zackrey's house. Iinvite ko sana ulit si Andy ng totoong date.
Mag iisang buwan na ata yung babaeng yun dito at kwento ni Xandra na bakasyon lang daw yun dito at ayaw ko naman na ikwento nya sa parents nya pagbalik na ang sama kong kaibigan diba?
"Sir Grae, Kayo po pala. Sino po hanap nyo?" Tanong ni Manang
"Ah nandyan po ba si Mam' Xandra nyo? Kakausapin ko sana"
"Ah opo nasa likod po ata sa may pool area kasama si Zaidee"
"Ah sige po"
Pumunta na ako sa may pool area at dun ko nga nakita ang mag ina kumakain.
"Hey Xandra!" Bati ko kaya napatingin naman sya at lumapit sakin si Zaidee at bumati.
"Hula ko. Ipagpapaalam mo si Andy noh?!"
"Galing mo! Hahahahahha oo sana."
"Umamin ka nga. Nililigawan mo ba pinsan ko?" Tanong nya
"Ahmmm Not really. This time babawi ako. May kasalanan kasi ako"
"Pinaiyak mo ba?! Nako ah! Babatukan talaga kita pag pinaiyak mo yun!" Banta nya
"Oo na. Nasaan ba yun?"
"Akyatin mo nalng sa kwarto nya sa taas."
Gaya ng sabi nya. Umakyat na nga ako sa kwarto nya pero bago pa man ako makakatok ay sinilip ko muna kung may tao.
Napatingin ako sa pinto sa loob na pabukas.
Nanlaki mata ko dahil nakatapis lang sya.
Napalunok naman ako at napatulala. Pero bago pa man nya ako mapansin ay sinara ko na ang pinto at dali-daling bumaba sa sala para maghintay.
"Oh akala ko ba nasa taas ka?"
Nagulat naman ako bigla-biglang sumusulpot tong babaeng to.
"Tsk, Xandra! Ginulat mo ako! Nasaan ba yung magaling mong asawa? Bakit tuwing pupunta ako rito wala yun?" Tanong ko
"Hello?! Weekend lang nandito yun at lunes pa ngayon?! Baka bukas umuwi. Di naman yun makakatiis na di kami makita"
Kilig naman daw sya oh!
"Ano na?! Nasaan na si Andy? Bakit di mo pa pinababa?" Tanong nya
"Tsk hintayin ko nalng dito. Pero patawag mo na nga! May photoshoot pa akong pupuntahan mamaya."
Tinawag na nga nya at ito na sya pababa ng hagdan.
Shet! Bakit nagflaflashback sa utak ko yung scenario kanina?! Ang kinis ng balat nya tapos ang haba pa ng legs. Kung baga pang model ang katawan. Whit whew!
"Grae!"
Napatuwid naman ako ng upo ng sigawan nya ako.
"Oy! Bakit ka nandito? At bakit mo daw ako pinapatawag?" Tanong nya
BINABASA MO ANG
You're All I Ever Need
RomanceI need to move on... I need someone to make me fall in love again, Manhid na ang puso ko. - Grae Cameron Fernandez I need a boyfriend. - Andy Brillantes