YAIEN V

4 0 0
                                        


Grae's POV

"Party! Party!!!!" Sigaw ng ilan at nakisama nalng ako sa alon ng party.

May sumasayaw sa harap ko na babae. Shet! Nagiinit ang daigdig!

Nakisabay na ako sa pagsayaw nya at nagsaya!

Di parin naman nagbabago ang hobby ko noh! Masaya ako sa nightlife ko!

• • •

As always... Hangover and may babae akong katabi sa kama.

Nasaan nanaman ako? Sila naman humahatak sakin sakanya-kanya nilang condo.

Habang tulog pa anh babaeng katabi ko ay dali-dali sinuot lahat ng damit kong nakakalat sa sahig.

Syempre dahil mabait ako.

Nagiwan ako ng note.

'Thank you and Sorry ;)'

Di ko na nilagyan ng from who bahala sya manghula kung sino nakawildnight nya kagabi pati sya naman naghatak sakin dito sa condo nya. Never akong naguwi ng babae sa condo. Malainbestigador pa naman si Mama pag dumadalaw.

Nakasakay na ako ngayon sa elevator at tinext ko muna yung drive ko tuwing may trabaho na kunin ang kotse ko sa bar.

Then an expected text.

From: Kristin

Can we meet?

After how many years nagparamdam din sya, Balita sa batch namin na malapit na syang magpakasal. Marami ngang naghinala na kami ang ikakasal pero tinanggi ko dahil hindi naman totoo. Sa totoo lang mahirap sabihin na 'I'm happy for you' dahil sa totoo lang hindi. Lalo na't sya ang first love ko at ang totoong binigay ko ang loyalty ko. Kaso nang dahil nga sa pagamin ko. Nawala lahat ng loyalty na ibinigay ko.

To: Kristin

Sure, When and Where? I'm quite busy...

I'm not really busy, Gusto ko lang maging mabilis ang magiging pagkikita namin.

*beep *beep

From : Kristin

Are you free today? If you are free can we meet at SB near our school?

"Yeah how nice? SB near the school? Walangya din naman oh! Anong gusto nya parating? Alam nyang masyadong sentimental ang place na yun for us dahil dun kami laging nakatambay noon! At... at dun nya rin ako iniwan ng umamin ako sakanya" Sacastic kong sabi

To: Kristin

I'm free but can we just meet at the park near your village?

From : Kristin

Sure, What time?

To: Kristin

After lunch

Sumagot syang okay at dali-dali akong umuwi ng condo ko.

Ginawa ko ang morning rituals ko at kumain ng lunch at nagsuot lng ng simpleng red shirt at shorts then I grab my skateboard at umalis na.

Nandito na ako sa park at tanaw na tanaw ko sya kahit na nakatalikod sya. She's still the girl I love. Sya padin ang bestfriend kong pag naiinip pinaglalaruan nya yung paa at mga daliri nya. Bakit hindi ka nalng kasi sakin nainlove? Ano bang meron sya na wala ako? Sabi ng mga nagiging babae ko ang swerte daw ng totoong mamahalin ko dahil nasa akin na ang lahat. Almost perfect na daw ako. Eh kung almost perfect na ako bakit hindi pa sakin nahulog si Kristin Aguilar?

Nagskate na ako papunta sakanya at napatingin at napangiti naman sya ng makita ako.

Yan... Yang ngiting yan ang nagpahulog saakin.

You're All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon