YAIEN VIII

2 0 0
                                    

Andy's POV

"Ate naman! Wala nga! Wala! Wala!!!" Sigaw ko sa buong bahay nila.

Paano naman kasi inaasar ako ni Ate Xandra na kami na daw ni Grae dahil kinwento daw ni Kuya Zackrey na hinatid ako ni Grae nung isang gabi.

"Nako Andrea Brillantes ah! Isusumbong kita kay Tita!" Sabi ni Ate Xandra habang pinapaliguan si Zaidee

"Tsk! Ate wala ngang kami okay, Kahit isumbong mo ako kay Mommy wala ka naman mapapala dahil hindi nga kami"

"Okay okay... Kay Tito nalng tsk tsk... nako feeling ko kailangan mo nang maghanda baby maging flowergirl!" Baling nya kay Zaidee sa dulo

"Really Mommy!!!" Excited na sabi ni Zaidee

Tsk isusumbong nya ako kay Daddy na wala padin akong boyfriend na matino tapos itutuloy na nya yung arrange marriage ko! Ayaw ko yun!!!!

"Ate! Will you stop blackmailing me!!!"

"Hahahahhaha pikon!"

• • •

Haystttt!!! Bakit kasi sa New Zealand pa ako lumaki? Wala tuloy akong kaibigan dito sa pinas.

Ano kayang magawa? Gusto kong mag amusement park kaso wala akong kasama at ang loner ko naman if ako lang pupunta sa lugar na yun.

"Oy! Bat nakabusangot ka dyan!" Pansin sakin ni Ate

"Tsk! Nakakaboring! Wala akong magawa!"

"Edi ayain mo si Grae na dumito para may kakwentuhan ka"

"Ate!!! Nangaasar ka nanaman eh!"

"Di ah! For sure wala yun ginagawa. " at umalis na sya.

Di pwede dahil sabi nya nga di na nya ako kukulitin tapos ako naman tong lalapit.

"Auntie Pretty! Pwede ba tayong pumunta kila Uncle Xandro?"

"Baby Z, Bakit ka sakin nagpapaalam? Bakit di kay Mommy mo?" Tanong ko

"Because Mommy is pregnant and I don't want her to get tired because of me."

"Awww so thoughtful of you Baby Z"

"Okay, ipapaalam muna kita kay Mommy mo ah then magpapahatid tayo sa driver, Okay?"

Tumango sya at ngimiti

Pinuntahan ko naman si Ate at nakita ko syang kumakain.

"Ate"

"Hmm?"

"Pwede ba kami pumunta ni Zaidee kila Kuya Xandro? Request ng anak mo"

"Oh bakit hindi nalng sakin sinabi ni Zaidee?"

"Sabi nya ayaw ka daw nyang mapagod"

"Nasaan si Zaidee?"

Tinawag ko naman si Zaidee at pinalapit sya ni Ate.

"Baby, bakit hindi ka saakin nagsabi na pumunta kila Uncle Xandro mo?"

"Mommy, I don't want you to get tired because of me"

Pinaghahalikan naman si Zaidee ni Ate.

Ate Xandra is one of the best mother I knew.

"Fine fine, Manang patawag si Kuya Pat"

Ilang sandali...

"Bakit Xandra?" Tanong ni Kuya Pat

"Pahatid naman po sila Zaidee kila Kuya Xandro... At update me."

You're All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon